Chapter29

2.6K 59 0
                                    

Chapter29

I never like showing weakness but I couldn't stop myself from crying. Naghalong bwesit, inis, galit at sama ng loob ang nararamdaman ko but my pride put a stop to my tears.

Humingi siya ng space kaya cool-off muna kami, pero hanggang kailan? E' tatlong linggo na siyang hindi nagpapakita sa akin, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. O talagang iniiwasan niya lang ako para hindi kami magtagpo?

Hindi ko hobby ang maghabol pero nagmumukha na talaga akong naghahabol. I hate this kind of set up. Tangna!

"Tama na sa kakaiyak chum, hindi ako sanay na umiiyak ang Maldita kong best friend" Sabi nito sabay abot sa box ng tissue.

"Hindi ko alam kong bakit ganito ako ka-over emosyonal, hindi naman ako iyakin pero heto ako ngayon at umiiyak. Bwesit!" Kumuha ako ng tissue para suminga.

"Kaya ayokong lumab-life eh! hassle sa life" Sabi nito.

Buti nalang on the rescue ang best amigo kong 'to, kahit isang tawag ko lang sakanya nand'yan agad siya. Lahat yata ng kadramahan ko sa buhay ay witness talaga siya. At ngayong may problema ako sa lovelife nandito siya para i-comfort ako.

Bwesit kasing Dylan na 'yon, ang lakas ng loob mag-inarte e' hindi niya naman alam ang tunay na nangyare. Mas pinaniniwalaan pa niya ang bad thoughts niyang walang kwenta. How can I be in a relationship with someone who doesn't believe me? Peste!

"Nakakabadtrip! Gusto kong manapak, manadyak, magwala, mamugot ng ulo, mamisa ng itlog. Tanginaaaa!" I screamed out.

"Ay chum, h'wag ako ang pagbuntongan mo ng galit ha? Wala akong ginagawa sa'yo, alam ko kapag galit ka nangbabayag ka" Sabi nito tsaka tinakpan ng throw pillow at ng kanyang bag ang nakatagong sandata niya.

"Nakakainis lang isipin na nagmumukha na akong praning dahil dito sa taragis na luha kong papansin, ayokong umiyak pero kusang tumutulo. Ayaw yata akong lubayan. Tangna!" I said as I wiped my tears on my face.

Ayoko sa lahat ang nagiging emosyonal ako, wala ako sa telenobela para umiyak at magdrama kahit 'yong kwento ng buhay ko ay pwede nang pumasa sa maalaala mo kaya at magpakailanman.

"Iiyak mo lang daw sila para maubos na chum, never ka kasing umiyak at ilang dekadang ding na-stock yang luha sa mga mata mo kaya ayan. Gusto ng lumaya sa'yo, ibuhos mo lang lahat ng yan. Nandito lang ako, naghihintay na lumubo ang sipon mo para pagtawanan ka" Sabi nito tsaka tumawa.

"Nakuha mo pa talagang asarin ako, no? Gusto mo hilain ko 'yang jom-jom mo para ikaw ang pagtawanan ko kapag humaba nang gapulgada 'yang inaamag mong kargada? Baka hindi ako matuwa sa pagkakatuli sa'yo, tuliin kita ulit gamit ang mapurol na itak!" Pagmamaldita ko.

"Ito naman si chum oh! Binibero lang kita, galit ka agad. Bakit ba ang bilis mo naman yatang magalit ngayon?" He asked and I arched my brow.

"Obvious ba? Kasi nga broken hearted ako. Ikaw kaya magkajowa na walang tiwala sa'yo at dakilang tanga na mas pinaniniwalaan ang evil thoughts niya kaysa sa jowa niya" I said and rolled my eyes to him.

"Talagang mahal na mahal mo talaga ang Jowa mo, ngayon lang kita nakita na nagkakaganyan sa lalaki" He said and smirked.

"Malamang, magkakaganito ba ako kung hindi? Kung nakakalason nga lang siguro ang promise niya, siguro bangkay na ko. May pa-promise promise pa siyang nalalaman, siya lang din naman pala 'tong gagong hindi tutupad. Peste siya!" I almost yelled in anger and I feel my eyes filled with tears again.

Letseng luha talaga 'to, ayaw talaga akong tantanan. Kahit pilitin kong h'wag umiyak, kusang lumalabas ang mga luha sa mata ko na parang may sariling buhay ang mga ito. Hays!

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now