Chapter3 (Best-Amigo)

4.7K 97 5
                                    

Chapter3

Late na akong gumising, tinatamad akong kumain kaya lumabas akong naka-suot ng two piece na pinatongan ng white lace bikini cover-up dress para mag-swimming.

"Nakaka-inganyong magswimming, dapat pala nagsuot na ko ng bikini para ready to lusong nalang agad ang dyosa sa pool" Rinig ko kay leveon habang nakatingin sa pool habang papalapit ako.

"Magpalit ka na para sabay na tayo" Gulat ko sakanya ng mahinto sa tabi niya.

"Ow, Hi jewie" Sabay ngiti niya sa'kin ng malapad "Anyway! Bet ko 'yong sinabi mo, magpapalit ako ng bikini-"

"No!" Agad siyang kinontra ni razer at seryoso pang nakatingin sa asawa. "I don't want to see anybody that drooling at you and Staring at your fucking body wifey" Maawtoridad na wika nito.

Ngayon ko lang nakitang naging possessive 'tong cousin ko ah, mukhang tinamaan siya sa alindog ni Leveon. Haha!

"Eh anong gusto mong gawin ko, magjacket at magsuot ng pajama habang nagi-swimming sa pool? Ganern? Baka want mo ring magkumot ako habang nakababad sa pool para balot na balot ako ng bongga!" Inis na saad ni Lev.

"Kung maaari, Oo!" Seryosong wika nito.

"Omegosh! you kidding me, right? naka-jacket with pajama plus kumot talaga?Seriously razey baby?" Di makapaniwalang sabi ni leveon.

"Possessive ka masyado razer" Tatawa-tawang sabat ko sakanila.

"Tss" Umismid lang siya at isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa nito.

"Jusko naman razey baby, Si leveon kaya 'to, ang dyosa mong asawa. Aba! Normal na pagtinginan talaga ako. Duh! So, Weather you like it or not maliligo ako sa pool ng naka-swimsuit!" Pagmamatigas nito sabay walk out.

Wala namang nagawa ang pinsan kong si razer kundi bumuntong hinihinga nalang kaya natawa nalang ako at naglakad patungo sa may beach lounge chair para tanggalin ang suot kong cover-up at ilapag do'n ang towel na dala ko.

Kaya hate ko ang commitment dahil ayokong may pinu-problema at pinagtatalonan.

Ilang minuto pa ang nakalipas habang nagsi-swimming ako nakita ko na si Leveon, lumapit 'to sa asawa niya.

Ang bored dahil ako lang ang naliligo dito sa pool, mukhang puyat ang ibang bisita dahil sa disco kagabi.

"Leveon, Tara?" Yaya ko sakanya habang nasa gitna ng pool at nagsi-swimming. Tumingin muna si leveon sa asawa niya sabay pout dito.

Ilang saglit pa ay nandyan na siya at masayang bumaba ng pool.

"Waaah! Ang sarap maligo at magbabad dito sa pool" Sabi niya pagkalubog ng katawan niya.

"Si razer ayaw maligo?" Tanong ko ng makalapit sakanya.

"Nako! Kung gusto maligo niyan, malamang susunod yan, Jusko! Ang KJ kasi ng isang iyan. Tignan mo nga oh, Prenteng nakaupo lang sa bench" Sabay nguso ko pa sa direksyon ng asawa niyang busy sa pagbabasa sa hawak na libro.

Bookworm kasi 'tong pinsan ko, at talagang kill joy. Pero ngayon ko lang nakitang ganyan si razer, mukhang bantay sarado si Lev hindi tulad noong sila pa ni Tifa.

"Haha, Mukhang mahal ka nga talaga ng pinsan ko Lev. Ngayon ko lang siya nakitang naging possessive eh" Sabi ko.

"Pero mukhang na-overdose naman Jewie, Jusme! Na-overdose ko ata sa nakaka-gayuma kong pagmamahal kaya iyan ang naging resulta, Kaloka diba?" Tumawa ako sa sinabi niya.

"Ginalingan mo kase masyado Lev" Pilyang sabi ko naman, napakurap siya na parang hindi agad na-gets ang pinu-point ko.

"Ginalingan saan?" Inosenteng tanong niya. "Sa pagmamahal ba?" Dagdag niya.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now