Chapter26

2.7K 63 0
                                    

Chapter26

I was never afraid of Dylan's mother and to Ylonna's mother na si Madonna. I can also bang her head katulad ng ginawa ko sa anak niya. Subukan lang ulit nilang banggain ako, matitikman talaga nila ang hinahanap nila. Ang sarap nilang pag-uuntogin at paghahambalosin ng tabla sa mukha kasama na ang nanay ni Dylan na praning.

Sino ba kasi ang nagpauso ng mama knows best na 'yan ng masupalpal ko. Hindi ko naman nila-lahat, pero aminin na natin na karamihan kasi sa mga magulang ay mga pabaya. May mga iniiwan ang anak nila na parang kuting, may mga magulang din na kung maki-alam sa disisyon ng anak ay parang robot na iniluwal nila para maging sunod-sunoran sa kagustohan nila para daw sa ikabubuti ng kanilang anak.

Hindi man lang nila iniisip kung magiging masaya ba ang anak nila o hindi sa pansariling kagustohan at pagdidesisyon nila. Katulad nalang nitong si Alicia, nasa tamang edad na ang anak niya pero pinapakialaman niya pa parin.

Pagpasok ko sa elevator sumandal agad ako at inihilig ko rin ang aking ulo sa metal wall nitong elevator para i-relax. Napaka-walang kwenta ng araw na 'to ngayon dahil sa mga epal at talipandas na 'yon para bwesitin ang araw ko.

Kinuha ko sa loob ng aking bag ang handy mirror na dala ko to check how I looked.

"Mabuti nalang may magagandang genes ang magulang ko kaya kahit magmukha akong haggard ay maganda parin." Sabi ko habang nakatingin sa handy mirror na hawak-hawak ko.

I stashed the mirror inside my bag and took my phone. In-on ko ito dahil pansamantala ko itong in-off kanina habang nasa restaurant ako nang sa ganoon ay walang umistorbo sa akin.

Sunod-sunod ang beeps and popups sa phone ko, may messages from Henz and Claudette. Pero karamihan sa mga nagpop-up ay messages ni Dylan. I never attempt to see his messages dahil inis parin ako sakanya. So, I opened Kirby's latest message.

[Kirbest Amigo
09*********

Hoy chum! Nagkajowa kalang kinalimotan mo na ko! Hang-out naman tayo minsan?]

Natawa nalang ako ng mabasa ko ang text niya. Simula nga ng magkajowa ako, limitado nalang ang pagsasama namin nitong si Chum. Madalas kasi pagselosan siya ni Dylan kahit alam naman niyang homosexual ang best amigo ko.

[Nako! Tingin ko nga e' kailangan ko ng isang linggong hangout chum. Naloloka kasi ako sa nanay ni Dylan. Hindi ko alam na lunatic pala 'yon? Dafek!] I texted before I stashed it inside my bag as the elevator ping and open.

Lumabas agad ako at huminto sa tapat ng pad ko para itype ang passcode. Pagbukas ko ng pinto nakabukas ang ilaw sa sala maging sa kwarto ko.

"What the hell are you doing here?" I asked Dylan as I walked inside my room.

Ayoko sana munang makausap siya, kapag nakikita ko kasi siya bumabalik sa kasulok-sulokan ng kokote ko ang mga pang-iinsulto ng nanay niya sa akin habang siya naman ay wala man lang nagawa para ipagtanggol ako.

Dapat ko na yatang palitan ang passcode nitong pad ko para hindi siya nakakapasok agad-agad kapag may ganito kaming hindi pagkakaintindihan. The pek!

"Where have you been? Ilang beses kitang tinext at tinatawagan kanina pero nakapatay ang phone mo." He worriedly said.

Kung alam ko lang na nandito siya, hindi na sana ako dito umuwi. Nanggigigil kasi ako, baka matapyas ko ang bayag niya at ipakain sakanya.

"Para saan pa at tumatawag ka? Para pagusapan ang letseng sex scandal ko?" Sarkastikong saad ko.

Sira ulo kasi ang Edison na 'yon e', gumawa siya ng fake na sex video 'kuno' namin para siraan ako noon dahil nasaktan ng sobra no'ng nakipag-break ako sa hinayupak na 'yon. Ang lakas mameste ng buhay!

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now