Chapter28

2.7K 57 0
                                    

Chapter28

I cant still believe and I felt that parang panaginip lang ang lahat matapos ang gabing sinurprise ako ni Dylan sa kanilang bahay sa mismo pang kaarawan ng mother niya. Sobrang late ang kilig ko kasi three weeks na ang nakalipas pero hindi parin mawala-wala 'yong moment na 'yon sa utak ko.

Unlike most women, I skipped the dreaming about the wedding part of growing up and I never really imagine myself before na magkakaroon ako ng serious relationship kaya hindi ko inisip na possible din pala akong maikasal someday kasi I really hate commitment dati at ayokong ma-attach sa kahit na sino.

But now na engaged na kami? Masasabi kong lahat pala talaga ng tao nagbabago ang kapalaran. Iyong akala kong tatanda akong dalaga na puro flirts lang forever ay pwede rin palang mauwi sa engagement at kasalan thingy na 'yan.

"Oh, hi Jewie" Derek greeted me as he stepped inside the elevator.

"You look so blooming Derek, halatang nandilig ka ng bulaklak. Kamusta naman, baka sa sobrang pagdidilig mo nanglalata na 'yong halaman" Pilyang saad ko dito pagkapasok niya pero tumawa naman siya na parang kinikilig. Namula kasi bigla 'yong mukha niya.

O baka naman nahihiya lang Jewie? I told to myself.

Halatang inlove kasi 'tong si Derek sa girlfriend niya... at hindi ko ini-expected na magiging sila ni Shantal. Oo, si shantal nga. Nalaman ko lang na mag-on na pala ang dalawa noong engagement lang namin. Nandoon sila pareho at sweet na sweet sa isa't isa na animo'y mag-asawang bagong kasal.

"Malakas ang halaman ko, kahit ilang beses ko pang diligan sa isang araw 'yon" He joked back and laugh.

"Ano bang vitamins nang halaman mo ng ma-try ko naman...Or maybe ikaw ang nagbibigay ng Vitamins E-U-T sakanya?" Pilyang saad ko kaya humagikhik siya lalo. "Nga pala, are you going to the event tomorrow night?" Agad na tanong ko ng maalala ko 'yong event na gaganapin sa isang hotel.

"Yup, Isasama ko si Shantal bukas do'n. Kayo ni Dylan pupunta rin ba?" He asked back.

"Ayaw sana ni Dylan pumunta sa event at ako naman parang tinatamad na pumunta, baka kasi mabagot lang ako at matuyo ang matress ko dahil sigurado akong puro may mahahabang speech ang mga guest speaker, kaso isa din si Dylan sa magsspeech doon. Since pupunta naman ang fiance ko, sasamahan ko nalang" I replied.

"Mas mabuti na 'yong samahan mo ang fiance mo, alam mo naman sa panahon ngayon baka matukso iyon sa iba kawawa ka" Bero niya sabay tawa.

"Tangna! Subukan niya lang lumingon sa iba, tatapyasin ko talaga ang ulo niya sa baba" I retorted and he laugh.

"Mas kawawa pala si Dylan pagnagkataon" He said laughing. "So, see you tomorrow night jewie. Iwanan na kita at ako'y lalabas na" Paalam nito ng bumukas ang pinto ng elevator.

"Sige, see you. Bye!" I said. Tinanguan naman niya ako bago sumurado 'yong pinto.

Dumeretso agad ako sa office ni Dylan paglabas ko sa elevator para i-abot ang documents at records na kinuha ko sa Research and Development.

"Heto na 'yong records and documents na hinihingi mo sa R&D Department" Saad ko at ini-abot 'yon sakanya.

"Thank you babe" Sabi nito tsaka ako nginitian.

Sobrang busy niya today dahil sa dami ng papeles na dapat niyang i-review bago niya ito permahan. Mula sa pagkakalugi at bankruptcy ng kanilang kompanya, ay umangat ito at naging kabilang pa sa top20 of most successful company sa bansa this year.

I'm so flattered dahil malaki ang naitulong ko sa aking fiance. I am not bragging, pero ako yata ang lucky charm niya since magstart ako as his assistant secretary. Gumamit ako ng strategies noon para lumagu ang kanyang company sa pamamagitan ng blackmailing sa mga taong mayayaman para mag-invest sa Harris Company.

CSS1: Captivated by Ms Pervert💋Where stories live. Discover now