Chapter 1

67 7 0
                                    


*Samantha's POV*

Tapos na ako maligo at nag-aayos na ako ngayon para sa first day ko  sa school. Sasabay daw ako kay Kuya papunta dun kaya ngayon nagmamadali ako dahil kung ano ano pa kasi ang ginawa ko kaya nalate ako ngayon!

"Hindi ka pa ba tapos Sam??!" Sigaw ni Kuya sa baba.

"Eto na nga po Kuya" sagot ko habang nagsusuot na ng sapatos.

Nagmamadali akong bumaba kaya nadulas ako sa ikaapat na hagdan galing taas kaya nag slide ako mula taas papuntang baba.

"Aray! Ano bayan!" galit kong sabi sa sarili.

"Oh, Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Kuya.

"Okay Lang ako Kuya! Ako pa ba?" mayabang na sabi ko.
Bigla namn akong binatukan ni Kuya.

" Aray naman Kuya eh!" maktol kong sabi sa kanya.

"Ikaw tigil-tigilan mo yang kayabangan mo!" pagsesermon ni Kuya.

"Grabe ka naman" sabi ko sa kanya sabay nguso.

"Tigilan mo yang pag-nguso mo! Baka tangalin ko yang bibig mo!" pananakot ni Kuya.

Tinaas ko namn ung phone ko na nakalagay sa screen ang number nila mommy. "Ehem!"

"*Sigh* Oo na." suko ni Kuya. Ngiting tagumpay ang gumuhit sa aking labi. "HeHeHeHe"

"Tara na. Baka malate pa ako ng dahil sayo" Aya ni Kuya papalabas ng pinto.

"TARA!" nakangiti kong sabi sa kanya.

*FAST FORWARD*

Ang laki ng school na'to. Halos ata lahat na dito na. Nakita siguro ni Kuya ung expresyon ko kaya natawa sya bigla.

"Hahahahahaha! Tara na. Kunin muna natin yung schedule mo." Aya ni Kuya.  Pumunta na kami sa loob at nakasalubong agad namin ang isang magandang babae.

"Siya na ba ang kapatid mo Sean?" tanong nung babae.

"Opo siya na po un Ms. Cheng." sagot ni Kuya kay Ms. Chema ata?

"Magandang umaga po Ms. Cheng." Bow at pagbati ko sa kanya habang nakangiti ng kauunti.

"Magandang umaga din sayo Sam." Pabalik na bati nya saakin habang nakangiti ng malaki.

"Heto ang schedule mo araw araw. Kung may problema ka, pwede kang pumunta sa Guidance office para magtanong." sabay bigay sakin ng isang paper.

"Salamat po. Una na po ako baka mahuli pa po ako sa klase."sabi ko.

"Kuya una na ko bye!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa room ko.

____________________________________________________________

Hay sa wakas! Nahanap ko rin yung room ko. Kakatok na sana ako ng may kumalabit sa akin na babae. Siguro siya yung adviser ng room na'to?

"Ikaw ba ang transfer student?" tanong sa akin ni teacher.

"Ah opo." sagot ko.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ka pa pumasok?" tanong nya saakin.

"Kakatok na ho sana ko ng kinalabit nyo ho ako eh." Sabi ko habang nakahawak sa batok.

"Ah ganun ba? Sige dito kalang pasok ka pag tinawag ko pag binanggit ko pangalan mo, naintindihan mo?" Sabi nya sa akin at nauna ng pumasok sa loob.

Tinanguan ko na lang siya at naghintay. Nang tinawag niya na'ko, pumasok na ako at nagpakilala. "Hi. Samantha Anderson. Nice to meet you." pagpapakilala ko.

"Yuckk may nerd yuckk layo tayo baka mahawa pa tayo sa kanya!"

"Oo nga eh panget nga sya baka pinaglihi sya sa panget rin!"

"Tama!Eh hamak na isang panget yan eh mas maganda ako sa kanya no!!"

"Pre ang panget oh ligawan mo pag na pa-oo mo bigyan kita ng sportscar!"

at  kung ano-ano pa. Tsk! Mga tao nga naman ngayon, mga judgemental.

"Quiet! Sam you may sit where ever you want." she said while smiling.
Pumunta ako sa may bandang gitna kasi may bakanteng upuan. Buti nalang mukha namang tahimik ung mga malapit dito.

"Goodmorning class. My name is Ms. Maria Cheng and I will be your adviser for the whole year and please B E H A V E." Page-emphasize ni Ms. Cheng at ngumiti. *sweatdropped*

Dun na nag simula ang klase.

*Kring Kring*

Nag bell na hudyat na lunch na! Eto talaga yung pinakapaborito kong oras pag nasa school, kahit na homeschooled lang ako. Pagkatapos kong kunin ung lunch ko, na isipan kong sa quadrangle kumain. Malaki at may mga benches naman kaya pwede kang kumain o tumambay dun. Ng maayos ko na yung upo ko, nag simula na akong kumain. Masaya na sana dahil mag-isa lang ako at tahimik ng biglang may tumama sa balikat ko.

*Baam!*

"Aray!" Sabay hawak sa balikat ko. Anak ng! Ang sakit ha! Muntikan pa kong mahulog sa kina-uupuan ko.

"Miss! Ayos ka lang? Sorry nabitawan ko bigla yung bola." Sigaw ng isang lalaki na patakbong papunta sa'kin.

"Ayos lang." Sabi ko sabay hagis ng bola pabalik sa kanya. Tumalikod na ako at inayos yung kalat. Natapon tuloy ung pagkain ko! Sayang!

"AH!" Rinig kong sigaw nya. Hah kala nya ganun na lang un? Konti lang naman ung lakas na nilagay ko eh... HeH.

'Buti nalang at mukhang hindi niya ako nakilala.'

------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi! Thank you for reading! Hope you will read every chapter! I know it's short but throughout the story, the chapters are getting longer so please continue reading!

Warning!!: Some chapters might include some profanity and bad actions! Please do not imitate! Read at your own risk!

Disclaimer: All of this is just part of the author's imagination only! The names, the settings, the places, the events and etc.

-Sammy🐰

Light AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon