*Venz's POV*Nasa bar kami ngayon. Kasama ko sila Alan, Mark, Ian, at Jace. Sa kabilang section si Jace pero dahil sa kadaldalan ni Alan ay napasama siya samin. Si Alan ang nag-ayang uminom, para daw celebration ng new friendships. Tsk, ano ka babae? May pa celebrate-celebrate pa.
"Cheers!!" Sigaw ni Alan at nagtaas naman ng baso ang mga ugok. Uto-uto ang putek! Hindi ko tinaas ang akin at deretsong uminom. "Apaka KJ mong hayop ka!" Sigaw ni Alan. Sininghalan ko nalang siya at uminom ulit."SOMEBODY HELP!! PLEASE, SOMEBODY!!"
Agad kaming napatingin sa VIP section ng marinig namin ang sigaw ng isang babae. Lahat ng tao sa bar ay nagsimulang magbulungan. Hindi ko alam pero agad akong pumunta sa loob bago pa pumasok ang security. Sinabihan ko sila na hintayin nila ako lumabas. Sumunod naman sila dahil alam at kilala nila ako. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang babaeng magulo ang buhok, make-up at damit na nakaupo sa sahig. Agad ko siyang nilapitan.
"Hey miss! Are you alright?! What happened?!" Tanong ko at hinawakan siya sa magkabila niyang braso.
"Someone came in and killed Mr. Clarkson! Please help him!" Naluluha niyang sigaw habang nakahawak sa jacket ko.
"Go to the reception and call for help." Sabi ko at hinubad ang jacket ko sabay bigay ko sa kanya. Tinulungan ko siyang tumayo at pumasok ako sa loob ng kwarto.
Nakita kong nakahiga ang walang buhay na katawan ng isang lalaki. Tumingin ako sa labas ng bintana ng makita ko tong bukas. Pero wala na akong nakita ni anino. Magulo ang kwarto. Madaming sirang gamit, magulo ang kama, tumba ang mga upuan. Tinignan ko ang cctv, pero laking gulat ko ng may makita akong karayom na nakatusok dito. Pumasok ang security kaya lumabas na ako ng kwarto. Hinanap ko yung babae pero hindi ko na siya nakita pa. Natakot siguro. Bumalik ako sa pwesto nila Alan.
"Anong meron? Nasan jacket mo?" Tanong nito. Umupo ako at naglagay sa baso ko ng alak.
"Murder." Tipid na sabi ko.
"Grabe! Nung lumabas yung babae kanina na ang gulo ng itsura, nagkagulo ng sinabi niya na may pumatay ng tao sa loob." Sabi ni Mark habang naglalagay ng alak sa baso niya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Nakita niyo ba kung san nagpunta yung babae?" Tanong ko at ibinaba ang baso ko.
"Imposible! Sa gulo ng mga tao kanina, wala kang makikita kung di mga ulo na kung san-san nagpupupunta. Bakit? Chicks ba?" Sabi ni Jace. Babaero pala tong lalaking to'.
"Nothing." Sabi ko at uminom nalang ng tahimik.
____________________________________________________________
Nasa classroom kami at hinihintay ang susunod na teacher namin. After we drank last night, we went home immediately. I don't want to be investigated about the crime so I'm the one who went home first.
"Hey Mantha! Want to come over later?" Rinig kong sigaw ni Alisa. Ang lakas ng bunganga nitong babaeng to'.
"Where?" Pabalik na tanong ni Samantha.
"At my house. Irish and Kath will also come, so will you come?"
"Ok." Tipid na sagot nito. Tumili si Alisa kaya sinigawan na siya ni Alan.
"Pwede bang wag kang maingay?!" Galit ang ugok. Parang walang gusto sa sinisigawan niya.
"Heh! Hindi kita kausap!" Pabalik na sigaw ni Alisa.

BINABASA MO ANG
Light Academy
Teen Fiction"She's mysterious." "J-Just who are you?" "W-Who am I?" "T-Tell me.. It's not true, r-right?" _________________________________________________________________________ I'm so sorry about the changes! I'm still a beginner who wants to learn more abo...