*Irish's POV*'Saan na naman kaya nagpunta si Sam?'
Hindi kasi siya bumalik after lunch tapos na-missed niya pa yung klase ni Ms. Agreste. Kinalabit ko si Mark na nasa harapan ko.
"Uy! Nasan na si Sam? Kanina pa siya wala ah." Bulong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Diba magkasama kayo before mag-lunch?"
"Hindi eh. Sabi niya hindi daw siya sasabay sa'min." Sabi ko at nanahimik na. Kahit na walang teacher dapat tahimik lang kami.
Tahimik ang lahat ng bumukas ang pinto at niluwa nito si Sam na may malaking band-aid sa pisngi.
'Ano naman nangyari dito?'
Umupo siya sa upuan niya na parang wala lang ang nasa mukha niya.
"Hoy! Anong nangyari sayo? Napano yang pisngi mo?" Bulong ko sa kanya. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.
"MAY ISANG BUTIKI KASI NA KUMALMOT SAKIN." Medyo malakas niyang sigaw kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat. Nagulat nalang kami ng biglang padabog na tumayo si Jessa.
"Who are you calling a butiki?!" Biglang sigaw nito sabay marcha sa pwesto ni Sam.
"Bakit? Tinamaan ka ba? Wala naman akong binanggit na pangalan ah." Sabi ni Sam sabay ngisi nito kay Jessa. Loko talaga tong babaeng to! Isa ang pamilya ni Jessa sa mga stockholders ng school kaya bago pa lumaki ang gulo, sumingit na ako.
"Hep! Hep! Hep! Tama na yan. Baka mamaya dumating na next teacher natin." Sabi ko at nag-gesture ng 'shoo,shoo' kay Jessa.
"Bitch!" Sigaw nito at bumalik na sa upuan niya.
"Kaloka tong babaeng to'!" Sabi ko at gumawi kay Sam. "At ikaw naman, anong nangyari at pinupuntirya ka na naman nun?"
"Tsk! Siya ang may kasalanan. Ikaw kaya bugbugin?" Sabi nito na inirapan pa ko.
"Binugbog ka?! Bakit hindi mo agad sinabi?"
"Hindi mo naman tinanong eh." Sabi niya at humarap na.
"Aishh! Kaloka!" Sabi ko nalang ang nanahimik na.
*Bell Rings*
*Samantha's POV*
Natapos na ng klase namin. Tumayo na ako at lalabas na sana ng tinawag ako ni Alisa.
"Mantha! Teka lang." Sabi niya at hinatak ako papasok ulit.
"Gala tayo!" Sabay na sabi nilang tatlo.
"Saan naman pupunta?" Tanong ko. Ite-text ko nalng si kuya na late ako uuwi.
"Mall tayo! Kain, laro, shopping, etchetera!" Sabi ni Irish at hinatak kami palabas.
Nang makarating kami sa mall ay agad silang pumasok sa isang clothing store. Isa sa pinaka-ayaw ko yung magshoshopping tapos may kasama ako eh! Hindi ko nalang pinahalata at pumili narin ng mga damit.
"Hey, bagay ba?" Tanong ni Kathryn na nakasuot ng dress na plain at corset. Plain lang yung dress pero ang ganda tignan pag siya nag-nagsuot.

BINABASA MO ANG
Light Academy
Teen Fiction"She's mysterious." "J-Just who are you?" "W-Who am I?" "T-Tell me.. It's not true, r-right?" _________________________________________________________________________ I'm so sorry about the changes! I'm still a beginner who wants to learn more abo...