Chapter 18

7 2 0
                                    


*Third Person's POV*

"Because.." Bulong ni Adriana. Lumapit naman si Gavin dahil hindi niya marinig ang boses nito.

"Lakasan mo ng konti yung boses mo para marinig nami-" naputol ang sinasabi ni Gavin ng may hinagis si Adriana na kung ano at naglabas ito ng makapal na usok.

*COUGH* *COUGH* *COUGH**COUGH* *COUGH* *COUGH**COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH**COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH**COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH* *COUGH*

"Anak ng! Gavin, you have one job! *COUGH*" Sigaw ni Sam nang mawala medyo ang usok. "Nakatakas pa ang kingina.."

Wala na kasi si Adriana sa loob ng cr at bukas ang pinto. Binatukan ni Sam si Gavin dahil sa simpleng usok, nakatakas pa si Adriana.

"Aray! Sorry na! Pero hayaan mo na muna siya." Nakangising sabi ni Gavin. Nagtatakang tinignan naman siya ni Sam.

"Anong ibig mong sabihin?"

Itinaas nito ang kamay na may hawak na isang device na mukhang cellphone. "This." Nakangising niyang sabi at tumayo.

"Nice." Sabi ni Sam. Isang tracking device ang hawak ni Gavin. Namukhaan agad ito ni Sam dahil ang mommy niya ang mismong gumawa nito. "Tara na. Maya maya may mga taong dadating dahil sa usok." Sabi ni Sam at dahan-dahang lumabas. Sumunod naman sa kanya si Gavin. Nang nakalabas sila ay um-acting sila na parang walang nangyari.

"Naaalala mo ba nung unang birthday ko nun bilang isang member ng-" Agad naman tinakpan ni Sam ang bibig niya at sinamaan ng tingin. "Oh! Ok, sorry. So basta, first birthday ko nun niregaluhan ako ng mommy mo. Isang set ang ibinigay niya sakin ng hacking devices. Proud na proud niyang sinabi na siya mismo ang gumawa nun. Tuwang-tuwa naman ako dahil simula pagkabata, pangarap ko ng maging isang "secret agent" dahil sa mga pinapanood kong mga astir na anime." Kwento niya habang nakangiti.

"Happy ka na non? Tsaka, hindi ka pa isang "secret agent" no', member ka palang." Maikling panira ni Sam. Nakangusong tinignan naman siya ni Gavin.

"Tsk! Kahit kailan panira ka talaga. Una na ko!" Sigaw ni Gavin at nauna ng tumakbo pataas ng hagdan. Maya maya pa ay nakarating narin si Sam sa room niya. Agad siyang umupo at bumugtong hininga.

"Antagal mo naman?" Tanong ni Irish.

"May hinuli pa akong daga pero in the end nakatakas din." Inis na sagot ni Sam.

"DAGA?! Sa CR ng girls?! Eww!" Nandidiring sabi ni Irish. Inilingan nalang siya ni Sam.

*Kring Kring*

Agad na nag-ayos ang mga estudyante ng tumunog ang bell. Pumasok ang isang teacher at nagsimula na ang klase.

____________________________________________________________

*Samantha's POV*

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Irish na naghahanda ng lunch niya. Inayos ko ang gamit ko at tumayo.

"Mmm." Sabi ko sabay iling ng ulo. "Punta muna ako sa clubroom. Gusto kong dagdagan yung gawa ko."

"Ok pero pag nagutom ka tawagan mo kami ha? Dadalan ka namin sa clubroom mo." Sabi ni Kath. Ginulo ko nalang ang buhok niya.

Light AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon