Chapter 16

12 2 0
                                    


*Samantha's POV*

'Bakit nandito to?'

"Sorry!" Sabi nito at umalis na. Pumunta siya sa isang table na may naka-upong tatlong lalaki.

"Sam! Okay ka lang?" Tanong ni Alisa at chineck ang katawan ko.

"Ayos lang ako. Oa mo." Sabi ko at hinawakan ang balikat niya. "Tara na. Gutom na ko." Pumunta na kami kung saan nakakuha ng pwesto sila Kath.

"Waiter!" Sigaw ni Irish. Dumating ang waiter at kinuha ang order namin. Habang hinihintay namin ang pagkain namin ay nagdaldalan muna kami.

"Sam! Nakita mo ba yung itsura nung nakabangga sayo?! Ang pogi!" Tili ni Alisa. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Alisa." Seryoso kong sabi. "Gustuhin mo na ang lahat wag lang ang lalaking yun."

"Hindi ko siya gusto." Sabi niya sabay irap. "Napogian lang ako no'. Tsaka hindi ko siya type." Napabuntong hininga nalang ako. "Oo nga pala! Nakita niyo ba yung tattoo niya sa bandang batok? Shems! Ang cool!" Parang na-eexcite na tili nito.

Nanlaki namin ang mata ko sa sinabi niya. Umubo ako at inayos ang boses ko bago magsalita. "B-Baka trip niya lang yun."

"Member kaya siya ng isang gang?" Tanong niya. Binatukan naman siya ni Irish.

"Anong gang? Bawal ang mga ganon sa school na'to." Sabi ni Irish.

Naalala ko nun nung nasa junior high pa si Kuya, may isang gang daw na nabuo sa school. Tinawag nila itong isang gang group. Nambubully sila, nagnanakaw sila sa ibang estudyante, hindi inaayos ang pag-aaral, at kung ano-ano pang mga kagaguhan na pwede at kaya nilang gawin. One time, nalaman ni Papa yung tungkol dun. Hindi siya nagdalawang isip na patalsikin ang lahat ng estudyante na miyembro ng gang. Madaming natuwa nung nagpa-announcement about sa expulsion. Kaya after non, naging payapa ang school.

Dumating na ang pagkain namin at kumain na kami. Nagkatinginan kami ni Irish.
Umubo siya at nagsalita.

"Ahm. Hindi ba parang napadami ang inorder niyo?" Tanong ni Irish sa dalawa. Tinignan siya ni Kath na sumubo ng carbonara.

"Hati naman kami ni Alisa eh. Nagutom kami dahil hindi kami kumain ng breakfast." Sagot ni Kath at sumubo naman ng hiniwa niyang steak.

Pinanood lang namin silang dalawa na lamutakin ang pagkain sa table. Pano ba naman kasi, nag-order lang kami ni Irish ng Set A. Eto yung NORMAL set for one person, pero yung kela Kath at Alisa? Set D ang inorder nila. Good for four people yun. Tapos sila lang yung kumakain nun.

"Dapat pala hindi na tayo nag-order eh." Bulong ni Irish sa kin. Tinanguan ko nalang siya. Sang-ayon ako sa sinabi niya. Magkatabi si Kath at Alisa, kami naman ni Irish ang magkatabi.

"Bakit hindi pa kayo kumakain?" Tanong ni Alisa at sumubo ng fries.

"Nabubusog na kami kahit nakatingin lang kami sa inyo eh." Sabi ko.

"Kumain na din kayo. Baka maubusan pa kayo ng oras." Sabi ni Kath.

Nagsimula na kaming kumain ni Irish. Nagkwekwentuhan kami habang kumakain ng may tumama sa ulo. Napadaing ako sa panandaliang sakit na naramdaman ko. Lumingon ako para hanapin kung sino ang nambato. Nakita ko sa Jessa sa may lamesa na hindi kalayuan sa pwesto namin.

Light AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon