Chapter 11

24 2 0
                                    


*Samantha's POV*

Pumasok na ako sa loob ng dressing room at nagtakip ng mukha.

'Sabi ng mahina ako pagdating sa mga cute! Ang cute ng itsura niya kani-!' Bigla akong napa-iling sa mga iniisip ko.

'Sinong cute?! Walang cute! Hindi siya cute ok?!'

Namili na lang ako at sinuot na ito. Naka-hoodie kasi ako kanina, bibili lang naman kasi ako ng mga waffles kaya hindi na ako nagbihis ng bonga. Sayang isa pa naman yon sa mga paborito kong hoodie.

"O-Ok ka na ba? O magpapadala pa ko ng iba pang damit?" Tanong ni Venz sa labas.

"Hindi, ayos na'to." Sabi ko at lumabas na. Nakasuot ako ng high waisted short, naka tuck-in na blouse at naka white shoes.

Nang makita niya ako ay bigla niya akong tinulak papasok ulit ng dressing room. "O-Oy! Ano bang problema mo!?" Sigaw ko sa kanya habang nakasilip sa pinto. Hindi ko mabuksan kasi nakaharang siya sa pinto.

"Tsk! Magpalit ka nga!" Sigaw niya habang sinusubukang isara ang pinto na pilit kong binubuksan.

"Wala namang mali sa suot ko ah!"

"Magpapalit ka o kukunin ko lahat ng damit diyan para wala kang masuot na kahit ano?!" Pagbabanta niya. Lumayo na ako sa pinto dahil baka nga gawin niya yun.

"Tch! Napaka-ano mo naman eh!" Sigaw ko at nagpalit ng pantalon. Mas maganda nga yung shorts eh, presko pa.

Kinatok ko yung pinto ng matapos akong magpalit.

"Tapos na ko!" Binuksan niya ang pinto at tinignan ang suot ko. Parang tanga lang, may patango-tango pang nalalaman.

"Hey miss! I'm going to pay for this." Sigaw niya sa isang saleslady.

"Ok sir!"

Nang lumabas kami ng store, nagsalita ulit siya. "Hindi mo na kailangan bayaran yan, ako naman may kasalanan eh." Sabi niya sabay bigay ng isang paperbag. Kinuha ko to at nakalagay sa loob ang hoodie ko.

"Tsk. Buti alam mo." Bulong ko.

"Huh? May sinabi ka ba?"

"Wala! Wala, akong sinasabi." Sabay ngiti kong sabi sa kanya. Bigla naman nyang iniwas ang tingin niya.

"..."

"May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kanya ng narinig ko siyang bumubulong.

"Nothing." Sabi niya at biglang nagring ang phone niya. Lumayo ako ng konti para sa privacy niya.

"Ok, ok fine! I'm going now. Yes, yes" Sabi niya at binaba na ang tawag. "Hey, I'm going first. Sorry again."

"Just forget about it. I'm going too." Sabi ko ang naglakad na ulit papuntang waffle stand. Hindi ako uuwi ng hindi ako nakakabili ng nag-iisang pakay ko noh!

*Venz's POV*

Annoying sister who always interrupt good times! When I arrive at store, she immediately shout at me.

"Venz! Help me quick." She said pulling me in the storage room. "Bring this in the van, someone called mommy to show off her clothes and we need to deliver this to the buyer's company!" She said pointing at the stock of boxes.

"You want ME to carry this all alone?!" The hell?! I'm strong but why ME?!

"Hey! Si mommy na ang nagsabi na tutulungan mo ko dito." Sabi niya.

Light AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon