*Samantha's POV*
Napatingin kami ni Halsey sa isa't isa nang marinig namin ang isang pamilyar na pangalan.
"A-Ano ulit yung sinabi mo?" Utal na tanong ni Halsey kay Alisa.
"Ano dun? Yung perfect boyfriend material?" Naguguluhang tanong pabalik ni Alisa. Napasinghal ako sa narinig ko. Kaya pala nawala nalang siya na parang bula.
"Hindi, yung p-pangalan niya.." Tanong ulit ni Halsey.
"Ahh! Si Dave Ramirez. Lumipat siya dito last year. Since then, naging popular siya dahil naging top siya sa klase niya at mabait siya sa mga junior niya. Hihihi! Naalala ko pa noon nung nagkabunguan kami tapos nahulog yung mga gamit ko tapos tinulungan niya ko, Yieee! HAHAHAHAHA!! Parang Wattpad lang!" Kinikilig na kwento ni Alisa. Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Tsaka mabait? Yung lalaking yun?? K*nginang yan.
"Ahh ganon ba?" Sabi ni Halsey at tumingin sakin. Tinanguan ko siya at sabay kaming tumingin sa bintana. Nang tinignan kong mabuti yung lalaki, si Dave nga talaga.
"PFFT! After a long time, akalain mo nga namang dito pa kayo magkikita." Pabiro kong sabi kay Halsey habang tinatapik ang likod niya.
"Sige lang, pagtawanan mo ko." Sinamaan ako ng tingin ni g*ga. "Alam mo naman yung mga ginawa ng lalaking yan dati."
"At least we now know where he is. He can't hide forever." Kibit balikat kong sabi at lumayo sa bintana. "Ano? Ayaw niyo nang gumala?" Tanong ko sa kanila at binitbit ang bag ko. Napatingin naman sila sakin.
"Eto naman napaka-KJ!" Nakasimangot na maktol ni Alisa.
"KJ agad? Para namang hindi niyo na makikita ang pagmumukha ng lalaking yan." Sabi ko.
"Oo na, eto na nga po oh ." Padabog na kinuha ni Alisa ang bag niya at nauna nang lumabas ng classroom. Sumunod naman kami after chineck kung may magulo pa sa classroom.
"Gusto niyo magcommute tayo? Bus bet niyo?" Biglang tanong ni Irish habang papalabas kami ng school. Napatingin naman sakin si Halsey.
"A-Ah taxi nalang tayo, ako na manlilibre." Biglang sabi ni Halsey. "Baka kasi mamaya puno masyado yung bus kaya taxi nalang tayo."
"Baka nga naman," Pagsang-ayon ni Kath. "Ok taxi tayo. Taxi!" Sigaw niya sa paparating na taxi.
Sumakay ako sa harapan at silang apat naman sa likod. Mga sexy naman sila kaya nagkasya sila.
"Saan po ang punta niyo, mga Maam?" Tanong ni Tatay Driver.
"Sa Boncaton Restaurant po." Sagot ni Halsey.
Nang makarating kami ay agad na pumila ang ilang waiter at waitress pati na rin ang mga security sa labas ng restaurant. Naglakad kami papasok ng restaurant at agad kaming in-escort sa VVIP na room. May dining table, tv, bathroom, at may sofa set pa.
"So eto ang magandang place na sinasabi mo?" More like na sabi ko kay Halsey at nauna nang umupo.
"Bakit? Maganda naman diba?" Natatawang tanong ni Halsey kayla Irish.
"So your family owns this restaurant?" Tanong ni Kath at umupo na rin. Nagsi-upuan din sila nang may kumatok sa pinto.
"Can I get your orders, Ladies?" Tanong ng manager.
"All of the famous dishes please." Sagot ni Halsey. Napatingin naman kami sa kanya.
"Kaya ba natin ubusin yun? Madami pa naman na popular dishes ang restaurant niyo." Hindi makapaniwalang tanong ni Alisa.

BINABASA MO ANG
Light Academy
Teen Fiction"She's mysterious." "J-Just who are you?" "W-Who am I?" "T-Tell me.. It's not true, r-right?" _________________________________________________________________________ I'm so sorry about the changes! I'm still a beginner who wants to learn more abo...