Chapter 15

14 3 1
                                    


*Samantha's POV*

After namin matapos ang first batch ng painting kahapon ay umuwi na kami. Pagkauwi ko ay agad akong sinermonan ni Kuya bakit daw hindi ako nagtext sa kanya na late ang uwi ko. Nag sorry nalang ako at nauna ng matulog.

Ngayon, nag-aayos ako ng buhok. Nabiyayaan ng galing sa pag-ipit ang lola niyo eh. Tinirintas ko ang buhok ko sa may bandang gilid at sinide low ponytail. Ng nakuntento ako sa gawa ko ay bumaba na ako. Naabutan kong naghahanda ng pagkain si Kuya.

"Oh? Buti naman at bumaba ka ng kusa?" Parang gulat niyang sabi. Inirapan ko nalang siya at umupo. "May hindi ka ba sinasabi sakin?" Napatingin ako sa tanong niya na iyon nang umupo siya.

"Hmm? Bakit mo naman natanong yan?" Pabalik na tanong ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

"Samantha ako ang unang nagtanong."

"Wala naman. Bakit?" Taas kilay na tanong ko. Wala naman akong ginagawang kagagahan sa school. Ayos din naman yung grades ko.

"Anong wala? Pumapasok ka ng naka puti, uuwi ka naka itim, lagi kang bumibili ng mga bagong libro o kaya naman mga gamit. Pati bag mo papalit-palit?" Parang galit na sabi niya. "Ano bang nangyayari ha, Samantha?"

Paktay. Buong pangalan ang tinatawag sakin. Everytime kasi na medyo galit si Kiya ay Samantha ang tawag niya sakin. Ayoko ng pati second name ko ang sabihin niya, patay talaga ako nun!

*Ahem!* "Kuya, chill ka lang! Nagkaron lang ng party para sakin." Natatawang sabi ko.

"Anong party?!"

"Palagi may surprise hahahahahha!" Sinamaan niya ako ng tingin kaya natigil ako sa pagtawa.

"Samantha." Seryoso na sabi niya na masama ang tingin sakin.

"Ok. Sorry. Pero happy sila eh, tsaka minor lang naman na surprise ang ginagawa nila eh." Nakangisi kong sabi.

"Tsk! Alam mo na gagawin pag sa tingin mo masyado na ha?" Suko niyang sabi. Alam niya na naglalaro lang ako ngayon.

"Yes! Yes!" Sabi ko at kumain.

_______________________________________________________

"Morninggg!!" Sigaw ni Irish na nasa gate palang. Grabe talaga boses nitong babaeng to'. Nasa may main entrance ako at malayo to' sa may gate. Tumigil ako sa paglalakad para hintayin siya. Nang makarating siya ay naglakad na kami papuntang room.

"Morning Alisa!" Sigaw na naman ni Irish ng nakita namin si Irish na papasok ng room.

"Mornin- WOAH!" Napasigaw ako ng makita ko ang mga mata ni Irish. "Binugbog ka ba?" Pabiro kong tanong. Pano ba naman? Ang laki ng eyebags niya!

"Tsk! Tigilan mo nga ako. Ang aga-aga." Sabi nito at pumasok na sa room. Sumunod naman kami.

"Kung hindi ka binugbog, edi..." Sabi ni Irish na parang nag-iisip. "HALA! Edi magiging panda ka na?! Nanlalaking mata na sigaw ni Irish kaya naman humagalpak ang tawa ko na kanina ko pa pinipigilan.

"PFT- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHA!!!"

Pinalo naman siya ni Alisa. "Don't me, Irish." Masamang tingin na sabi niya kay Irish. Lalo naman kaming tumawa dahil sa itsura niya. Imagine mo malaki na ang eyebags tapos sasamaan ka pa ng tingin!

Light AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon