*Samantha's POV*"Sam!" Lumingon ako sa likod ko ng may tumawag sakin. "May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Amy na hirap na hirap bitbitin ang mga librong hawak niya.
"Uwian? Wala naman. Bakit may kailangan bang gawin?" Tanong ko at kinuha ang mga libro. Buti nalang at hindi nabali ang mga braso niya sa bigat ng mga to'.
"Wow! Ang lakas mo naman. Parang wala lang sayo yang mga libro, ako nga eh hirap na hirap buhatin yan!" Naaamaze niyang sabi. Ikaw ba naman magbuhat ng mga katawan, sa tingin mo mahina ka pa rin.
"Hahahaha. Anyway, may gagawin ba mamaya?" Tanong ko at naglakad na. Sumabay siya sakin at nagsalita.
"Ah oo nga pala. Kasi diba nakwento ko sayo na every year may exhibition na gagawin ng art club? Nagremind na kasi sakin yung principal in advance para mapaghandaan na daw natin." Sabi niya. "Ang weird nga eh. Never nabigyan ng pansin ang art club ng ganito. Since kasi dati, sabay sabay nag-aannounce ang mga teacher ng mga reminders. Hindi naman sa never pero para kasi sa mga teacher, art is not really not important compare to other clubs." Pag-eexplain niya. Napansin kaya ang art club dahil sakin? Tsk! Si Papa talaga.
Napabuntong hininga nalang ako. "So we need to make some paintings later?" Tumango siya. "Ok. Kita tayo sa clubroom mamaya." Binigay ko na sa ang mga libro since nasa teacher's office na kami. Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako. "Bakit?"
"Si Shawn nga pala isama mo na rin. Muntik ko pang makalimutan." Nakangiti niyang sabi.
'Nakalimutan kong art club din pala si Venz.'
Tinanguan ko nalang siya at umalis na. It's been weeks since nung pasukan at hindi ako natutuwa sa mga nangyayari everytime na mag-isa lang ako. May nuhuhulog na kung ano-ano mula sa taas pero naiiwasan ko naman, may mga basura sa ilalim ng desk ko, may sumisira ng libro at gamit ko, at kung ano ano pang mga kagagahan. Alam ko kung sino ang gumagawa nito pero dahil sa mabait ako, pinapalagpas ko nalang sila. Mukhang nag-eenjoy ang mga loko kaya pinapababayaan ko nalang.
Pati tong babaeng to, hindi parin ako tinitigilan. Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko at mabilis na nagtago sa isang poste. Ayun siya at parang tangang lumilingon kung saan-saan. Hindi ko siya ginalaw dahil ang akala ko ay titigilan niya na ako nung nagtago ako kasama si Venz pero ang loka, nagmatigas. Ng umalis na siya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at pumunta na ng classroom. Nakilala kung sino siya nung nagkaroon ng meeting ang dalawang section about the upcoming events.
Siya si Adriana Mielle Ginel ng 11-B. Isa sa mga officer sa classroom nila at isa sa mga popular na babae. Kaya lalo akong naguluhan kung bakit niya ako sinusundan. Nang makarating ako sa classroom ay umupo na ako at nanahimik. Inaantok ako kaya sana walang mangulo sakin. Wala kaming classes ngayon dahil sa meeting ng mga teachers kaya free na free kaming gawin kung anong gawin namin. Pumikit ako at inayos ang pwesto ko.
*Venz's POV*
'Ughh! They're so loud' I close my eyes as I try to calm myself. Do they need to be this noisy? Hinanap ko si Alan at tignan mo, ayun! nasa kabilang dulo siya ng classroom. Kumakanta sila at yung iba naman ay sumasayaw. Halos lahat sila ay nakikisali sa kanila. Napatingin ako sa gawi ni Sam at nakita ko siyang nakaupo at nakapikit.
O_O???
'Tulog?'
Pumunta ako sa upuan na katabi niya ng walang nakakapansin, masyadong silang masaya. Isama mo na yung mga kaibigan nitong babaeng to. Tinignan ko ang mukha niya.

BINABASA MO ANG
Light Academy
Teen Fiction"She's mysterious." "J-Just who are you?" "W-Who am I?" "T-Tell me.. It's not true, r-right?" _________________________________________________________________________ I'm so sorry about the changes! I'm still a beginner who wants to learn more abo...