*Samantha's POV*After ng klase namin sa hapon, meron kaming break time. So ngayon nag-iikot ako ulit sa school. Siguro kailangang abutin ng isang araw bago mo maikot ung kabuuan nito sa sobrang laki. Halos main building at building ko lang ung tinour sa'kin ni kuya eh. Kaya naman ngayon ko naisipang gumala.
Sa lahat siguro ng parte ng school na'to, ang canteen ang pinakapaborito ko! Hahaha. Kulang nalang may mga waiter at waitress na maglilingkod sayo eh. Naglalakad ako sa isang hallway sa ibang building ng may nakabungo sa'kin.
"A-Ayy! Sorry miss! I'm not looking where I'm going!" Sabi ng babaeng nakabungo sa'kin. Andami niyang dalang papel kaya naman nahulog lahat yun.
"Ah ayos lang. Ikaw, ok ka lang ba?" Tanong ko habang tinutulungan siyang magpulot ng mga papel.
"Ah yes, I'm ok!" Natataranta niyang sagot.
Napansin kong puro drawing ung mga papel. Nag draw-drawing din ako pero yung mga basic lang. Pero itong mga hawak ko, iba yung level kumpara sa'kin.
" Mga kaklase mo ba nag drawing ng mga yan?" Tanong ko sabay abot ng mga papel. Andami ng drawing. Siguro pang buong klase yan?
"Ah hindi! A-Ako ung nag drawing ng mga to'. Mga stock ko kasi naipon na sa club room nam- ko! Ko..." Utal na sabi niya. Ko?
"Ah ganun ba? Sorry andami kasi masyado kaya ang akala ko eh pang buong klase yan." Sabi ko sabay hawak sa batok.
"Hahahahahaha! Ok lang. I get that a lot. Lalo na sa mga bagong lipat every year." Nakangiti niyang sabi sa'kin.
"Oh yeah, did you say 'club room mo'?" Tanong ko.
"Ah oo. Bakit?" Sabi niya sabay tilt ng ulo niya.
"So, is it an Art Club room? And why do you call it like you're the only one in that club?" Taka kong sa kanya. Like, can you even call it a club??
" Ah kasi graduated na ung mga main members tsaka walang sumasali dahil wala naman atang interesado sa art eh." Sabi niya habang nakasimangot.
*Sigh*
"How can I join your club?" Sabi ko ng naka poker face.
"H-Hah?" Parang nagulat na tanong niya pabalik.
"I'm not gonna repeat cause I know you heard me." Nakangisi kong sabi.
"A-Are you gonna join?" Parang na eexcite niyang tanong sa'kin.
"Bakit kaya ako nagtatanong?" Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap! Muntikan pa ako ma- out of balance at muntikan na ring mahulog ulit ung mga drawing!
"Seryoso ka ba? Kung seryoso ka, tara na! Palista na tayo sa coordinator's office!" Hindi naman halatang happy siya. Pati mata niya kumikinang na eh. Hahaha ang cute lang.
Habang naglalakad kami papuntang C.O., nagsalita ulit siya.
"Oo nga pala! Ako si Amy Leandrado of 11-B. Nice to meet you!" Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.
"Samantha Anderson of 11-A. Nice to meet you too, Amy." Pagpapakilala ko habang nakangiti.
"Ang cute mo ngumiti!" Sabay kurot ng pisngi ko! Mabilis kong tins big yung kamay niya.
"Oy! Masakit." Inis kong sabi sa kanya. Nginitian niya nalang ako at dimeretso na kami.
Nang matapos na ang lahat na yun, nag-aya na akong bumalik na sa room ko.
"Amy tara na. Sabay na tayong umakyat, malapit lang naman yung room natin sa isa't isa eh." Aya ko sa kanya na sinang-ayunan niya.
____________________________________________________________
"Sam dito na room ko. Kita nalang tayo bukas!" Paalam niya bago pumasok. Tinanguan ko nalang siya.
Pagkapasok ko ng room, uupo na sana ako ng may lumapit sa'kin.
"Hi! I'm Irish. Irish Viola. Pwedeng makipagkaibigan?" Sabi niya ng nakangiti sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
"Ah. Samantha Anderson and yes. I gladly accept your offer." Nakangiti kong sabi sa kanya at tinangggap ang kamay niya.
"Actually, tatlo kami kaso nahihiya yung dalawa." Sabi niya na mahinang tumatawa. "Hoy kayong dalawa! Tara dito!" Tawag niya sa dalawang babae.
"Uy pakilala kayo!""Hi. Alisa Millstone, kaibigan ni Irish." Nakangiti niyang pagpapakilala.
"Ako naman si Kathryn Mae Garcia. Nagkakilala kaming tatlo nung grade 9 kami. Nice to meet you!" Sabi niya.
Feeling ko maagkakasundo kami. Siguro dahil friendly sila at ang gaan ng atmosphere pag kasama mo sila.
"May club ka na bang sinalihan?" Tanong ni Irish habang pinapalibutan nila ako.
"Ah oo meron. Kanina lang ako sumali." Sabi ko.
"Sa Academic Club ako sumali since last year" sabi ni Irish.
"Ako sa Dance Club." Sabi naman ni Alisa.
"Ako naman sa Journalist Club since I'm very fond of stories and stuff." Sabi ni Kathryn habang pinapakita sa phone niya ung mga gawa niya.
"Sa Art Club ako sumali." Sabi ko.
"Huh? Art club? Isa lang member dun diba?" Takang tanong ni Alisa.
"Ah Oo. Ngayon dalawa na. Nakilala ko kanina yung nag-iisang miyembro nun." Siguro sikat yung club na yun kasi isa lang yung member.
"Mahilig ka mag drawing??" Tanong ni Kathryn.
"Ahh hindi masyado. I only know the basics." Awkward kong sabi sa kanya.
"Welp! We're gonna look forward with you being close to us!" Nakangiting sabi ni Irish. Habang naghahandang umalis at pumunta na sa mga upuan nila since malapit na mag-bell.
"Me too!" I'm really looking forward for my high school life!
*Bell Rings*
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi! Thank you for reading!
Warning!!: Some chapters might include some profanity and bad actions! Please do not imitate! Read at your own risk!Disclaimer: All of this is just part of the author's imagination only! The names, the settings, the places, the events and etc.
-Sammy🐰
BINABASA MO ANG
Light Academy
Teen Fiction"She's mysterious." "J-Just who are you?" "W-Who am I?" "T-Tell me.. It's not true, r-right?" _________________________________________________________________________ I'm so sorry about the changes! I'm still a beginner who wants to learn more abo...