Chapter 4

31 3 0
                                    


*Samantha's POV*

It's been two days nung nakipagkaibigan sa'kin sila Irish at tama ang hinala ko, mabilis kaming naging close. Kaya halos lagi kaming magkakasama. Masaya nga yung may mga kaibigan kang lagi mong kasama pero siguro dahil nga homeschooled ako, mas gusto ko parin na mag-isa lang ako. Hindi naman sa ayaw ko silang kasama lagi, I think I just need some time by myself too.

Ngayon nasa library ako. Naghahanap kasi ako ng libro na pwedeng makatulong sa research ko. Nagbigay kasi si Mr. Gan ng individual project. Kulang na nga lang magbakbakan sa loob ng room dahil bakit daw hindi by group.

Nagbigay siya ng iba't ibang topic at ang nabigay sa'kin ay Biology. Buti nalang at medyo madali yung nabigay sa'kin. May mas mahihirap kasi na binigay. Malas nalang yung mga nabigyan non. Nasa isang shelf ako ng may tumawag sa'kin.

"Samantha?" Nilingon ko kung san galing ung boses at nakita ko yung class president namin.

"Ah. Good day sayo President." Sabi ko sa kanya sabay balik sa ginagawa ko. Ayoko sanang makipag-usap kasi tinatamad ako.

" Good day din sayo. Nandito ka din ba para sa project?" Tanong niya habang naghahanap rin ng libro sa kabilang shelf. Tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng libro.

"A-Ahm. Sumali ka na ba sa mga clubs?" Sabi niya sabay harap sa'kin.

"Oo. Sa Art Club ako sumali." Sabi ko na naghahanap parin ng libro.

"Ahhh Yun yung club na isa lang  yung member diba?" Tanong niya.

"Dalawa na ngayon." Sabi ko.

Tinalikuran ko siya at nakita ko yung librong hinahanap ko. Nung aabutin ko sana, anak ng! Bakit kasi nasa pinaka-taas pa to' nilagay! Kahit tumingkayad ako hindi ko parin siya abot!

Nagulat nalang ako ng may naramdaman ako sa likod ko kaya umikot ako at nakita ko na ang lapit ng katawan niya sa'kin.

"Eto ba yung inaabot mo?" Tanong niya tsaka lumayo.

"Ah. Oo Salamat, President." Sabi ko sabay kuha ng libro na nasa kamay niya.

"Ian nalang. Ian nalang itawag mo sa'kin. Ang weird kasi kung 'President' eh." Sabi niya sabay hawak sa batok.

"Ok. Sige una na ko. Nahanap ko na yung librong kailangan ko eh." Paalam ko sa kanya.

"Ah sige! Kita nalang tayo mamaya." Sabi niya. Tinanguan ko nalang siya at lumabas na ng library dala ang tatlong libro na puro Bio ang topic. Nagugutom ako... Daan muna kaya ako sa canteen? Kahit isang tinapay lang bilin ko.

Kaya ayun, dumaan akong canteen. Isa lang dapat bibilin ko eh. Kaso nag-suggest si ate tindera ng mga bagong flavor kaya ayun! Napadami bili ko. Atleast pag nagugutom ako, ready na sa bag ko Haha! Malapit na ko sa building namin ng may tumawag sa'kin.

"Good day Miss! Baka gusto mong sumali sa Dance club?" Tanong sa'kin ng isang babae na maganda ang katawan. Mukha namang matino to' kahit konti.

"Ah sorry. Kasali na kasi ako sa Art Club eh." Sabi ko.

"Art Club? So ikaw yung bagong member na binaggit ni Amy?" Sabi niya. Teka.. Kilala niya si Amy? Siguro classmate?

"Ah oo ako nga. Kilala mo si Amy?" Tanong ko.

"Yes! Bestfriend ko yun eh. Magkaiba lang hilig namin. Chezra nga pala! Chezra Pascual of 11-B. President ng Dance club. Nice to meet you!" Pagpapakilala niya. Bagay sa kanya maging president, mukhang magaling siyang mag-lead.

"Samantha Anderson of 11-A. Nice to meet you too." Sabi ko at nginitian siya.

"Sige una na'ko! Need ko kasing mag recruit ng bagong students na may interest sa dancing. Wish me luck!!" Sabi niya sabay takbo para maghanap. Haha! Grabe ang energy niya ha.

Buti nalang at free time namin ngayon. Meron kasi kaming vacant time every Friday last subject namin so after nito, uwian na! Pagpasok ko ng room ay as usual, magulo ang classroom. Isa yan sa napansin ko sa unang linggo ng pasukan. Ang napakapabaya nila ng room. Pero pag nandiyan si Presi- oh! I mean si Ian, malinis ang classroom. Takot sila siguro kay Ian.

*Bell Rings*

Yes! Uwian na. Nag-aayos na ako ng gamit ko ng may tumawag sa kin.

"Samantha! May naghahanap sayo." Sigaw ng isa sa mga classmate ko. Paglingon ko ay nakita ko si Amy. Siguro sa club? Lumapit ako sa kanya.

"Sorry sa abala Sam. Tatanungin ko lang sana kung may time ka para mag drawing sa club room? Ok lang naman kung busy ka ngayon. Sa ibang araw nalang.." Natatarantang sabi niya.

"Uuwi na sana ako pero buti nalang pinuntahan mo ko dito. Wala din kasi akong gagawin sa bahay eh." Sabi ko sabay kuha ng gamit ko at dumeretso na kami sa club room. May hiwalay na building ang school na'to para sa mga clubs. Laki talaga.

Pagdating namin dun ay nagulat ako dahil ang ganda ng loob. Kahit na magulo at medyo makalat ay makikita mo yung ganda nito.

"Welcome sa club room nating dalawa!" Nakangiti niyang sabi.

"Mukhang nandito na lahat ng kailangan para sa Art ah?" Tanong ko habang nililibot ng mata ko yung buong kwarto. Shems! Ang ganda talaga! Maganda siguro dito tumambay.?

"Ah oo! Fund ng school ang gamit na pambili ng lahat na ito. Depende sa kahit na anong club kung ang school ang bahala sa kanila. Dapat daw kasi deserve ng club na yun yung gagamiting funds. Isa ang Art club kasi every year nagkakaron ng art exhibit. Buti nga hindi na ako nag-iisa eh. Hindi ko kaya yun! Kasi last year may kasama pa ako. Eh this last few days wala paring sumasali, kaya naman nung sinabi mong sasali ka, yes! may kasama na ko!" Kwento niya.

"Then I'm happy that I could be any help for you! Pero don't expect na maganda yung mga drawing ko kasi basics lang alam ko." Pagpapa-alala ko sa kanya.

"Alam mo sis. With good basics, you'll have endless options! So cheer up! Everything starts in basics. It'll grow if you practice." She said while preparing the things that we need.

"Yeah. You're right. Then, will you teach me?" Tanong ko sa kanya.

"Gladly!" Masaya niyang sabi.

'Right. Everything will start with basics.'

---------------------------------------------------------------------------------------------------Hi! Thank you for reading and Don't forget to vote!

Warning!!: Some chapters might include some profanity and bad actions! Please do not imitate! Read at your own risk!

Disclaimer: All of this is just part of the author's imagination only! The names, the settings, the places, the events and etc.

-Sammy🐰

Light AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon