AUTHOR's NOTE:
READ AT YOUR OWN RISK! walang horror to' don't worry!^_^
---------------------------------------------------------------------------------------------*Third Person's POV*
"Nevermind." Venz said as he walk to his seat.
"Tsk! Siraulo." Bulong ni Samantha at bumalik sa pagkain ng waffles. Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan, si Irish na ang unang naglakas-loob na magtanong.
"Sam, anong meron sa inyo ni Shawn?" Nilingon naman ni Sam si Irish na parang nagtataka.
"Anong meron? Wala kaming 'meron'. Wag kang mag-alala Kath, hindi ko papatulan yang pinsan mo." Pabirong sabi ni Samantha.
"Sure ka?" Paniniguradong tanong ni Irish. Tinanguan nalang ito ni Samantha at nilgpit ang pinagkainan niya ng matapos siyang kumain.
"Wag kayong magtagal kumain, si Ser Gan-'liit' ang susunod nating subject." Sabi ni Samantha palabas ng room.
"Saan ka pupunta?!" Tanong ni Alisa. Sumulpot ang ulo ni Samantha sa pinto.
"Sa washroom." Sabi nito at umalis na.
*Samantha's POV*
Naglalakad ako papuntang cr sa first floor. Alam kong may cr sa floor namin pero trip ko maglakad ngayon, tinignan ko ang relo ko.
'Halos kalahating oras pa bago magbell.'
Nang makarating ako sa cr ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. After non ay naglakad-lakad ako palibot ng school. Dapat talaga dinala ko na yung isa pang waffle eh! Bigla akong napalingon sa likod ko ng may naramdaman akong nakatingin sakin, pero ni anino wala akong nakita. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng lumiko ako ng mabilis at nagtago sa dilim.
"Hala! Nasan na siya?!" Sigaw ng isang babae. Nakatayo ako sa may pader nang dumaan siya sa harap ko. Dali-dali ko siyang hinawakan sa bibig at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Hm!! Hhmmm!!"
Hinatak ko siya sa isang malapit na classroom na inabandona na. "Sabi ko sayo, sa susunod na makita kita huhulihin kita." Bulong ko sa tenga niya. Nagpupumiglas siya sa hawak ko pero kahit anong gawin niya ay hindi niya ito matanggal. "Sino ka at anong kailangan mo sakin?"
"Hahahahaha.." Mahinang tawa niya. Hala, baliw ba'to? "Mmm! Shige larngg.." Binitawan ko siya at tinulak palayo sakin.
"Baliw ka ba?!" Sigaw ko. Nakangiti lang siyang nakatingin sakin.
"Aww.. Bakit mo ko binitawan?" Sabi niya. Teka lang ha, nawiwirdohan na'ko sa kanya.
"Isa pang sunod sakin, matatamaan ka na." Sabi ko habang masama ang tingin sa kanya at umalis na.
"I can't do that~" rinig kong sabi niya pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa classroom ay umupo nako.
"San ka galing at ang tagal mo?" Tanong ni Irish pero hindi ko siya pinansin. "Ano naman kaya nangyari dito?" Rinig kong bulong niya.
*Bell Rings*
"Lunch's over! Sit down everyone!" Sigaw ni Ian. Umupo ang lahat at tumahimik. Iba talaga pag may kapangyarihan.

BINABASA MO ANG
Light Academy
Novela Juvenil"She's mysterious." "J-Just who are you?" "W-Who am I?" "T-Tell me.. It's not true, r-right?" _________________________________________________________________________ I'm so sorry about the changes! I'm still a beginner who wants to learn more abo...