ELY CELINA
"Baka magising siya," bulong ko kay David. Kanina niya pa kasi tinitignan si Daniella, pagpasok ko ng banyo para mag-shower nakatitig na siya hanggang sa ngayong paglabas ko ay ganoon pa din.
He slowly looked at me, "She's turning two this April," sagot ko dahil 'yon naman ang totoo.
"What's her full name?"
I caressed Daniella's face, "She's Cresia Daniella Ibañez," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya, "Hindi naman kasi tayo kasal," I answered before looking away.
He just nodded before getting the towel from me and walking towards the bathroom. Nahiga naman ako sa tabi ni Daniella at niyakap siya ng mahigpit. Mabuti nalang pala dahil malaki ang kama ko, magka-kasiya kaming tatlo.
"Sorry, anak," I whispered before dozing off to sleep.
I felt someone caressed my face, "Mimi, wake up..."
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko nang marinig ang boses ng aking anak. She's smiling while sitting on my stomach, "Why are you up so early, baby?" I asked her, she giggled.
"Dada, play..." She answered, nakanguso pa nga kaya naman nilingon ko ang nasa tabi ko at nakangiti si David habang nakatingin kay Daniella. Magkamukhang-magkamukha sila, no doubt na siya ang tatay ng batang 'to. Parang xerox copy! Small version ni David!
David held my daughter's hand, "All this time, my family knew about her. I'm stupid, hindi nalang sana ako umalis," malungkot na aniya.
I felt a slight pain inside my chest, I can't speak. Hindi ko na gustong sariwain pa kung ano ang nangyari noon, it was nothing but pain.
Bumangon kaming tatlo kaya lang naunang bumaba 'yung dalawa kasi nakaayos na sila, ako ay hindi pa kaya nag-tooth brush at mouth wash muna ako bago bumaba sa kusina. I greeted my parents before hugging my father, "Good Morning," bati ko.
I know that there's a part of them na galit sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin sila may sama ng loob at hindi kay David, hindi ko din alam kung bakit. Minsan, gusto kong itanong pero ayaw ko nang masaktan sa magiging sagot ulit. He left and he returned, that's all that matters.
"Dada, eat..."
We all looked at Daniella and his Dad, sinubuan niya naman ang anak niya. Itong lalaking 'to kagabi akala mo ay may menstruation dahil ang sungit sungit tapos ngayon para namang nanalo sa lotto dahil ang lawak ng ngiti habang nakatingin sa anak niya.
"Ma, Pa, pwede po ba naming kuhanin si Daniella sa Zambales?"
Nagulat ako sa tanong ni David kaya binatukan ko nga! Here he goes again with his abrupt decisions! Kaya kami naghihiwalay 'e! He hasn't change at all, still the old clumsy man that I know!
BINABASA MO ANG
Epic Comeback ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]