ELY CELINA
Hindi ko mapigilan ang mapalingon kay David dahil ramdam ko 'yung titig niya sa akin, "Why?" I asked him, hindi naman siya kaagad na sumagot at basta nalang akong inakbayan habang naglalakad kami pabalik sa Villa na tinutuluyan namin.
"Wala lang. Ang panget mo pala," pang-aasar niya kaya kaagad na gumalaw ang kamay ko papunta sa humahaba niyang buhok at sinabunutan siya ng may halong panggigil at galit.
He was trying to remove my hands on his hair, "Ah! Aray! Tama na!" He shouted, nahuli niya naman ang dalawang kamay ko kaya nahinto ako. Hindi maipagkakaila na mas malakas siya kesa sa akin.
"Okay, I lied. I'm staring at your beautiful face, I missed you," sabi niya bago ako dinampian ng halik sa labi kaya kaagad na nag-init ang pisngi ko lalo pa nang marinig ko ang sigaw ni Angeline.
"Whooo! Porn! Nasaan 'yung camera, Jeannie!"
I mentally facepalmed myself because of their craziness.
Nang pumasok kami sa loob ng villa, ang iba ay naliligo daw habang ang iba naman ay magluluto. Gusto ko din ng may gawin, hindi 'yung hihilata nanaman ako kasama si Daniella na busy sa paglalaro sa cellphone.
"Bantayan mo nalang muna si Daniella. Tutulong lang akong magluto, okay?" I instructed David while he's lying beside his daughter on the bed. Mukhang nae-engganyo din sa panonood ng anak niya ng Coco Melon.
I kissed his cheeks before going outside of the room. Nang makababa ako ay naabutan ko naman si Sean na bitbit ang isang basket na punong-puno ng pinamili niyang gulay at kung ano ano. Mukhang galing siyang palengke dahil tagaktak pa ng pawis.
"Sean!"
Napalingon naman siya sa akin, "Bakit?" Kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa akin.
"I'll help you. I know na hindi ka marunong magluto," natatawang pang-aasar ko sa kanya kaya napairap naman siya bago pumunta sa kusina kaya sumunod ako sa kanya.
I helped her wash the ingredients, "Ikaw na ang maghiwa ng mga kailangang hiwain at ako na ang bahalang magluto, okay?" I told her, she nodded before getting the knife na mukhang litong-lito pa sa kung anong kutsilyo ang gagamitin niya.
"The medium sized," I stated.
She nodded before getting the medium sized knife, "Saan ka nga pala galing kanina?" I asked her.
"Galing nga akong palengke dahil bumili akong ingredients," bugnot na sagot niya kaya natawa ako. Naalala ko lang kasi na hinahanap siya ni Miguel kanina pero hindi ko nalang din sinabi dahil baka magbigay ng false hope 'yon sa kanya.
I asked her again, "Wala kang ibang kasama?"
"Wala. Nanguha nalang ako ng tricycle kanina diyan sa labasan," sagot niya habang naghihiwa ng kalabasa.
BINABASA MO ANG
Epic Comeback ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]