ELY CELINA
"Okay... 1, 2, 3! Smile!"
I groaned when I heard the photographer dahil alam kong si David nanaman ang nagsabi ng picture na 'yan. Kanina pa picture ng picture at si David ang pasimuno sa pagtatawag ng photographer! Sa lahat yata ng pictures ay meron siyang mukha!
"Ely, ang cute cute ng anak mo! Sana sa susunod ay wedding na," binigyan ako ng makahulugang tingin ni Tita Vel, ang mother ni Sean Lienne.
I smiled, "Hopefully po, makapasa ng take one para makapag-pakasal na," I answered.
Succesful naman ang nangyari sa simbahan kanina. Hindi hassle sa mga pictures dahil palaging nakangiti si Daniella. Tinakot ko kasi na idi-display ko ang mga picture at kung gusto niyang magaganda ang kuha niya ay dapat lagi siyang naka-smile. Mabuti naman at naintindihan niya 'yung gusto kong iparating sa kanya.
"Hon, kakain daw anak mo...."
Napalingon naman ako kay David habang buhat si Daniella. Sinamaan ko siya ng tingin bago kinuha ang anak sa kanya, "Kanina pa siya gutom! Tapos na sana siyang kumain kung hindi mo hinila-hila para sa picture," mahinang bulyaw ko sa kanya kaya natatawa niya akong hinalikan sa sentido bago nag-peace sign.
Naglakad kami papunta sa buffet table bago bumalik sa table nila Jeannie, sa amin kasi ang may pinaka-malaking round table dahil sa dami namin. Hindi ko naman gusto na malayo sa mga kaibigan ko sa event kaya pinasadya ko talaga 'to kay Nicole. Mabuti nalang din dahil nagawan niya ng paraan.
Nang magsimula kaming kumain ay napuno ng tawanan ang lamesa namin dahil sa mga epic pictures nila sa simbahan. Paano ba naman kasi ay nagp-picture si Dred kanina ng hindi nila alam. Ayon, tawang tawa sila sa mga kuha nila at pinanggigilan din ang anak kong busy sa pagkain.
"I'll miss my first ever inaanak," nakangusong sabi ni Jeannie.
Angeline nudged her, "Okay lang 'yan! Bibisitahin ka namin doon saka ihahatid ka namin sa airport bukas, diyan oh," turo ni Ange sa noo niya na natatakpan ng bangs kaya sinamaan siya ni Jeannie ng tingin.
"Mag-iiyakan lang tayo doon. Ano ba naman 'tong mga 'to," napakamot pa siya ng batok dahil doon.
Lyza pulled her bangs lightly, "At least, nandoon kami 'pag aalis ka kaya bumalik ka din, huh?" She said, natawa naman si Jeannie dahil doon.
"Yes, Attorney!"
Lyza glared at her, "Wag nga kayong ganyan dahil baka ma-jinx!" Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa reaksyon niya.
Nang matapos kaming kumain ay umalis na ang ilan para makipag-usap sa ibang mga bisita. Si Jeannie naman ay tumabi sa akin kaya nginitian ko siya.
"Nga pala, kung sakaling ikakasal na kayo ni David ay magpapadala nalang ako ng regalo but ang alam ko, susunod ka sa akin sa China 'e," bulong niya.
BINABASA MO ANG
Epic Comeback ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]