ELY CELINA
"Anak, aalis na ba kayo mamaya? Pupunta kayo kila Eli?" Mama Daisy asked.
I nodded, "Opo, Ma," walang ganang sagot ko habang nasa harapan kami ng hapag dahil naiinis ako sa itsura ni David na ngingiti-ngiti pa habang hawak niya ang anak niya.
"Pupunta nalang kami ng Zambales 3 days bago ang binyag ng apo ko," paalam ni Mama bago pinanggigilan ang pisngi ng anak kaya tumango nalang ako ulit.
After we ate, umakyat ako agad sa kwarto para maligo tutal si David naman ata ang magpapaligo kay Daniella. Hindi niya na binitawan ang anak niya 'e. Dumiretso na ako sa banyo para makaligo na din at makapag-ayos dahil babiyahe nanaman kami mamaya.
When I was about to go out of the bathroom, narinig ko ang pag-uusap nilang mag-ama mula sa labas kaya natawa ako ng mahina dahil doon.
"Tell your Mimi to make bati with me na, Baby because I'll buy you a lot of toys," pang-uuto niya sa anak niya kaya napangiwi ako. Nag-baby talk pa!
I heard Daniella chuckled, "Dada, want dolls!" I mentally face-palmed myself when I heard my daughter say that. Binenta niya ako sa tatay niya dahil sa mga dolls, wow.
"Sige, Dada will buy you dolls. Remember ah, you'll make Mimi and Dada peace!" Ang trying hard niya talaga na mag-baby talk!
I sighed before opening the bathroom door, tinapunan ko ng tingin si David at nagulat ako nang nag-iwas siya ng tingin dahil na din siguro sa gulat o dahil sa takot na baka galit pa ako sa kanya. Hindi na ako nagulat nang tumakbo palapit sa akin si Daniella at yumakap sa binti ko.
"Mimi, Dada love you and peace be with you," nakangiting sabi niya kaya napangiwi naman ako habang dina-digest ng utak ko kung ano ang sinabi niya. Medyo nalito ako sa vocabulary niya 'e.
Nagulat naman ako dahil sa malakas na pagtawa ni David sa isang tabi kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin na dahilan para matahimik siya.
"No, I won't."
Uupo na sana ako sa harapan ng vanity table nang bigla akong yakapin ni David kaya muntik na kaming matumba. Baliw na lalaking 'to!
"Sorry na, Hon," bulong niya habang pinipilit niya na higpitan ang yakap pa kahit pa nahihirapan siya dahil nga pinipilit ko namang makawala sa yakap niya, "Sorry na, bati na tayo..." He whispered, habang pilit na sinisiksik ang ulo niya sa leeg ko kaya ramdam ko ang paghinga niya.
I rolled my eyes, "Anong ginagawa niyo muna ni Cyrille?" He was out for eight fucking hours and he expect me to believe his excuse? Kumain, my ass.
"Nung nasa tapat na kami ng condo niya, inaaya niya akong pumasok pero hindi ako pumayag kaya ang sabi niya sa akin ay kumain na lang daw kami sa labas dahil hindi nga daw siya nakakain ng maayos. Pumayag na ako dahil medyo nakaka-guilty tapos daldal siya ng daldal kaya natagalan akong umuwi saka ayaw niya akong pauwiin," mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Epic Comeback ✔ | UNDER REVISION
RomansUno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]