ELY CELINA
Busy ako sa pagsasagot ng mga pinasasagutan ni David habang siya ay nagbababad at naglalaro sa laptop ng DOTA. Mula 'nung gabing nagpatulong ako sa kanya ay tinutukan niya na ako. He became mu tutor in an instant. Atsaka, hindi maipagkakaila na matalino talaga siya at magaling magturo.
"Wag ka ngang mag-daydream diyan. May exam ka pa bukas, last na nga 'yon kaya mag-seryoso ka na diyan. Sa susunod mo nalang ako pagnasaan," natatawang sabi niya sa akin bago bumalik sa paglalaro.
Napairap naman ako sa kawalan, "Ang feeling talaga kahit kailan," sagot ko bago bumalik sa pag-aaral at matapos ng ilang minuto ay pina-check ko na 'yun sa kanya.
"O ayan, na-perfect ko na! Baka naman pwedeng puntahan ko na 'yung anak ko," maktol ko sa kanya habang seryoso siyang nagd- double check ng ginawa ko.
Nag-angat siya ng tingin bago ako sinamaan ng tingin, "Fine! Siguraduhin mo lang na maayos kang sasagot ng exam bukas," sabi niya kaya naman dali dali akong lumabas ng library at pumunta sa play room ni Daniella.
Naglalaro siya mag-isa ng mga manila niya at mga lutu-lutuan niya. She sensed my presence, "Mimi, play..." She said before walking towards my direction.
I immediately hugged her, "I missed you, baby..." I mumbled before kissing her cheeks. Her Daddy gave me a very hard time, damn that man.
Naglaro kami katulad ng gusto niya at nang mapagod ay nag-aya na siyang matulog. It's around 9 PM when we entered our bedroom and sleep.
Kinabukasan, maaga akong ginising ni David dahil ni-review niya ako ng isang pasada pa dahil baka daw nakalimutan ko na 'yung mga tinuro niya. He even handed me some of his 'malupitang tekniks' kuno in studying.
"Good luck, Hon! I love you," he said before kissing my lips.
Lumabas na ako ng sasakyan bago dumiretso sa examination room. 30 minutes pa bago ang exam kaya naglakad muna ako papunta sa locker ko. Kukunin ko sana ang iba kong mga gamit doon para diretso nalang ako sa pag-uwi mamaya. Nang buksan ko 'yon ay may nalaglag na letter kaya dali dali kong pinulot 'yon, may tatlong chocolates at tatlong red roses rin.
"Kanino naman kaya 'to galing? It must be from David," I mumbled to myself before opening the letter.
To the most beautiful woman in my eyes,
I love you ever since that first time I laid my eyes on you, the very first time that our eyes met. Do your best during your examinations. Remember, I'm always one call away!
PS. Please give me my chance. You'll never regret it.
─ Jefferson
What the hell. Naguguluhan man ay bumalik na ako sa classroom at nang dumating ang professor in charge ay nanahimik na ang kaninang maingay na classroom. It's one of the most terror professor inside the campus so, there's no exceptions of cheating on her.
BINABASA MO ANG
Epic Comeback ✔ | UNDER REVISION
RomansUno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]