Chapter 24

302 8 2
                                    


ELY CELINA


"Hon, wake up."


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at napangiwi nang makitang si David ang naggigising sa akin. Akala ko pa naman ay mas mauuna akong magising kaysa sa kanya dahil ang alam ko'y uminom pa siya kagabi.


"It's still early," I mumbled before closing my eyes again, hugging a pillow that smells like him.


He chuckled before pulling the pillow from me, "Aalis na si Jeannie, diba?"


Nagpanting ang dalawang tenga ko dahil sa sinabi niya kaya naman dali dali akong tumayo para makaligo. Hindi pwedeng hindi ko mai-hatid ang babaeng 'yon! Lalo pa ngayon na hindi namin sigurado kung babalik pa ba siya o hindi na.


Nang matapos akong maligo, nagsuot nalang ako ng simpleng dress na may nakaburdang mga bituin sa kabuuan bago tinernuhan ng sandals. Nag-ayos din ako kaunti ng mukha bago tuluyang bumaba para makita ko ang mag-ama ko.


Nang makababa ako, bumungad sa akin ang mga maleta ni Jeannie doon at isang matangkad at meztisong intsik na akala mo'y pinaliguan sa gatas dahil sa sobrang kaputian. Hindi ko man gustong sabihin pero ang lakas ng dating lalo pa dahil napakatangos ng ilong atsaka ang ganda ng pagkakahulma ng kanyang mukha.


"Ely, siya nga pala si Bryce. Siya 'yung fiancé ko," sabi ni Jeannie na kakapasok lang sa living room galing sa kusina yata.


Naglahad naman siya ng kamay, "Bryce Ty," pagpapakilala niya sa kanyang sarili kaya tumango ako bago 'yon tinanggap at isinaad ang napakaganda kong pangalan, "Ely Celina."


"I see, is this your house?" Nilibot niya ang kanyang mata sa paligid na animo'y manghang-mangha sa nakikita kaya tumango ako, "It's glamorous. You're married?" He asked again, I shook my head habang natatawa naman siyang tumango.


Napaigtad ako nang may marinig akong iyak na nagmumula sa kusina kaya dali dali akong pumunta doon at nadatnan si Mildred na may hawak na isang tub ng double dutch ice cream habang umiiyak.


"I can't believe this! She's really leaving!" She yelled while her mouth was full with ice cream.


Kung hindi ko lang siya kaibigan ay nabato ko na siya ng kung ano dahil napaka ─ nakakadiri tignan. Even Angeline's crying same with Sean kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Graduate na sila sa undergrad courses nila pero mga iyakin pa din.


"Kaya ko sila iniwan dahil natatawa din ako," sabi ni Jeannie sa gilid ko kaya tumango ako bago siya hinila para mayakap siya ng mahigpit.


She hugged me back, "Don't tell me na iiyak ka din?" She chuckled while caressing my back. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak pero kusang tumulo ang mga 'yon mula sa aking mata.


"Please do take care of yourself. We'll visit you soon," naiiyak na sabi ko sa kanya.


She chuckled, "Susunod ka sa akin. Give me a call 'pag nalaman mo na 'yung balita," naluluha ngunit nakangiting sabi niya nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap.


Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya, tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Nag-iyakan kaming lahat lalo pa nang mag-group hug kami maliban kay Miguel na nag-iinarte dahil ang baho pa daw niya, galing kasi siya sa labas at nag-plantito gaming sila ni David.


Nang makarating kami sa airport ay hindi na natigil ang mga mata namin sa pag-iyak marahil dahil wala na talagang atrasan ang pag-alis ng isa naming kaibigan. Nagawi ang tingin ko kay Bryce na napapailing nalang sa gilid kasama si Miguel at David na nagpipigil na tumawa dahil sa mga wasted naming itsura.


"Tita... Don't leave..."


Hindi na napigilan ni Jeannie ang maiyak habang buhat ang anak ko na nakayakap ng mahigpit sa kanya. She looked at me, asking for help kaya naman kinuha ko na sa kanya ang anak ko saka pinatahan. Daniella kept on mumbling about her Tita leaving kaya naawa naman ako sa anak ko.


"I'll come back soon, Daniella. Don't cry na ha? I'll give you a lot of pasalubong, okay?" Pag-aalo niya sa anak ko na nakadukdok sa balikat ko bago hinalikan sa ulo.


Good Morning! This is the boarding announcement for flight ART-09 to Beijing, China. We are now inviting those passengers with small children, and any passenger requiring special assistance, to begin boarding this time. Please have your boarding pass and identification ready. Thank you.


"Ysabelle, we need to go," Bryce said.


Jeannie nodded before smiling at us, "Thank you for all the memories and advices. I want all of you to be happy. I promise that I'll come back to visit all of you. Sorry if I kept a secret about my departure. I don't want to ruin our vacation in Ilocos. You'll forever stay in my heart," she said before raising her hand to wave goodbye and started walking away.


And just like that, she left. 


--

Happy New Year, butterflies ~

Epic Comeback ✔ | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon