Chapter 25

319 10 0
                                    

ELY CELINA


"Congratulations, Nurse Ely!"


The party popper exploded out of nowhere so I looked around. Kanina kasi ay hindi ko ma-contact ang mga taong 'to dahil meron pala silang inihandang surprise! I topped the Nursing Licensure Exam and I still can't believe that I did that.


"Sino ba namang maga-akala na matalino pala talaga ang tamad na 'to?" Miguel joked, I glared at him before pulling his hair. Hindi talaga maganda magbiro!


They are all here, well except for Jeannie dahil nasa ibang bansa na siya. Magkausap kami sa skype last night dahil sobrang bugbog na daw siya sa mga paper works, bukod kasi sa pag-aaral niya para maging isang ganap na doctor ay nagm-manage din siya ng business nila ─ ang Cheng Condominiums.


"Hindi pa ba kayo magpapakasal? Nurse ka na oh!"


Napairap nalang ako dahil sa tanong ni Mildred, "Saka nalang," nakangusong sagot ko dahil hindi pa naman nagp-propose si David kung may plano ba talaga siya na pakasalan ako! Inaamin ko na nag-expect akong pagkakita ko ng pangalan ko sa boards ay may singsing nang nakaabang sa akin pero wala, maski anino niya sa bahay ay wala!


"Kumain na nga lang tayo!" My brother yelled energetically before walking towards the kitchen first so we all followed him.


While we're eating dinner, nag-vibrate cellphone ko kaya chineck ko 'yun kaagad. Napangiti ako nang makitang galing 'yun kay David.


From: D.C.

Hon. Late akong makakauwi but anyway, congratulations because you topped the board! <3


Napangiwi ako sa nabasa pero pinilit kong intindihin 'yon at nagreply nalang ng, "Ingat," para hindi niya isipin na galit ako dahil sa totoo lang, naiinis na ako na wala siyang ka-effort effort man lang. Pero at least, alam kong nagtratrabaho siya ng mabuti para sa amin ni Daniella, sapat na sigurong dahilan 'yon para hindi magalit.


Nang makaalis silang lahat, "Dani, let's go upstairs already," buhat ko sa anak kong busy sa paglalaro ng kitchen toys na binigay ni Tita Angeline niya. Mabuti nga dahil hindi nanaman eroplano ang binigay niya sa anak ko 'e!


When we arrived in our room, nilagay ko muna si Daniella sa crib niya bago ako pumasok sa banyo para mag-shower. Minadali ko na nga lang dahil walang nagbabantay kay Daniella, baka mahulog o kung ano.


Maya maya pa, habang nagpupunas ako ng basang katawan ko ay nakarinig ako ng malakas na kalabog galing sa labas kaya dali dali kong isnuot ang robe ko bago lumabas ng banyo.


"Punyeta ka, David. Pinakaba mo ako!"


Nanlalaki ang mga mata niya habang hawak ang isang bouquet na nahulog niya, 'yun 'yung kalabog na narinig ko dahil hindi 'yon pagkariwang bouquet na flowers, naglalaman 'yun ng mga gamit pang-doctor! May stethoscope pa and syringe!


"Uh... Congrats, Hon?"


I chuckled before running towards him, hugging him really tight. I really thought that he wouldn't put much effort because he's too busy!

Epic Comeback ✔ | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon