Chapter 5

591 12 0
                                    

ELY CELINA


Kanina pa ako problemado. Oh, shoot! Hindi pa ako nakakapag-text kay David, break time na! Galit na nga sa akin 'yung tao dahil tinago ko 'yung cereal niya tapos hindi ko pa sinabi direkta sa kanya na pumasok ako.


"Ms. Ibañez, baka pwede namang pabigay ulit kay Mr. Janssen 'tong mga papers na 'to? Kailangan niya kasi," pakiusap ni Sir Licdao sa akin, tumango nalang ako at ngumiti bago kinuha sa kanya ang mga papers na 'yon.


Habang naglalakad ako papunta sa office niya, may mga bulung-bulungan sa hallway. Mga students na walang magawa sa buhay kaya chumichismis sa buhay ng iba.


"Halla! Alam niyo na ba yung balita?"


"Magreresign na daw 'yung professor nating gwapo!"


"Ano?! Si Sir David? Eh? Bakit daw?!"


"Personal matter daw, sort of family issue daw."


"Dibale 'yung bagong teacher, gwapo rin naman 'e!"


I just sighed before rolling my eyes saka kumatok sa opisina ni David. Hindi ba siya aware na palagi siynag pinagchi-chismisan ng mga students dito? Lalong-lalo na 'nung bumalik siya?


"Come in," rinig kong sabi niya kaya binuksan ko ang pinto bago pumasok.


He's already packing his things. Hindi ko ba alam kung bakit niya tinanggap 'yung alok ng university na magturo siya dito 'e ang yaman yaman niya! Ang alam ko nga may shares pa siya dito sa school 'e!


"Sir, pinabibigay po ni Sir Licdao," sabi ko sa kanya.


Nang magtama ang paningin namin ay inirapan niya nanaman ako kaya hinampas ko sa kanya 'yung naka-folder na documents, "Hoy! Nakakarami ka na sa pag-irap irap sa akin ah! Batukan kaya kita diyan!" I shouted at him.


He sighed before sitting on his swivel chair, "Hindi na nga ako nag-breakfast," nakangusong sabi niya bago ako tinawag patungo sa kanya kaya sumunod naman ako at naka-pamewang na huminto sa harapan niya.


"Anong gusto mong gawin ko? Nag-inarte ka, kaya kasalanan mo 'yan!"


He rolled his eyes, "Ikaw nga diyan 'e, nagpasundo ka sa ex manliligaw mo! 'Wag mong sabihing nililigawan ka na ulit noon!" He shouted at me.


"Ano naman sa'yo?!" I shouted back before dropping his papers with force before walking out of his office. Hindi naman niya ako pwedeng habulin dahil bawal, against 'yun sa rules lalo pa't ma-issue ang mga tao ngayon.


Halos mapatalon ako nang marinig kong mag-ring ang phone ko. It was him, tama ang hinala ko.


David Calling...


"Ano nanaman?!" I shouted, napayuko pa ako ng bahagya dahil napalakas ang boses ko at pinagtitinginan na ako ng ibang students. Medyo binilisan ko pa ang paglalakad para makatakas sa tingin nila.

Epic Comeback ✔ | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon