Chapter 22

324 7 0
                                    

ELY CELINA


Nang maalimpungatan ako ay halos mapatid ang bibig ko dahil sa pagkakangiti. Aba't ikaw ba naman ay may kayakap na matipunong ginoo, ewan ko nalang kung hindi ka mapangiti sa umaga. Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap ni David sa akin bago dumiretso sa banyo. It's just four in the morning kaya hindi pumalag ang isang 'yon.


I took a bath and wore a white tube top tucked inside a black nike jogger pants before going outside to prepare my reviewers. Hindi ako nakapag-review kagabi kaya ngayon nalang ako mag-aaral para sa upcoming NLE. Ang pangit naman kasi kung hindi na nga ako magd-doktor gaya ng plano ko tapos hindi pa ako makakapasa sa first take ko.


After a few hours of reviewing and taking notes using my iPAD, I stretched my arms and saw my daughter rolling over on her crib. What a cute caterpillar! I shut my laptop down and put my notes inside the drawers before getting my daughter from the crib. She giggled when I kissed her.


"David, wake up!"


He groaned, "Five minutes..."


"Hon. We're going to the mall, remember?"


Napabalikwas siya dahil doon, "Huh? Bakit? May business meeting ba ako ngayon? Bakit ka kasama?" Sunod sunod na tanong niya bago umupo sa kama at kinuha mula sa akin ang anak. "Ang aga, aga! Meeting, meeting," maktol niya pa habang nilalaro ang maliliit na daliri ng anak.


I hit his head, "Ulyanin! We're going to buy a dress for Daniella, remember?!" I exclaimed.


"Huh? May anak ako ─ aray ko naman!" He exclaimed when I pulled his hair.


Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama, "Tatayo ka diyan o kakaladkarin kita sa labas ng bahay?!" Malakas na sigaw ko sa kanya dahil umagang-umaga! Hindi naman siya natinag at malakas pa akong tinawanan dahil sa pagkapikon ko.


"Ikaw naman 'e! Hindi ka na mabiro! Gusto mo bang sabay na tayo maligo?" Tanong niya, pinataas-baba pa ang dalawang kilay habang nakangisi sa akin ng nakakaloko.


Pinitik ko nga ang noo, "Tapos na ako maligo!" Inis na sigaw ko sa kanya.


Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilahin pabalik, "Mahal kita kahit hindi ka maayos maligo," sabi niya kaya nakunot naman ang mata ko lalo nang ipabuhat niya sa akin si Daniella at dahan dahang lumapit.


I thought he was going to kiss me so I closed my eyes but nothing happened.


"May muta ka pa," tatawa-tawang asar niya bago dali daling tumakbo papasok sa banyo dahil alam niyang hahampasin ko nanaman siya 'pag naabutan ko siya. Bwisit talagang lalaki 'yon!


Hindi ko na hinintay pa si David dahil mang-aasar lang 'yon kaya bumaba na kaming dalawang ni Daniella at sakto namang nagkakape ang mga boarders ko sa baba. Mabilisang kinuha ni Jeannie ang anak ko kaya hinayaan ko na, mukhang ipapasyal yata nila o maglalaro sa garden.

Epic Comeback ✔ | UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon