ELY CELINA
Hinanap ko sa living room si David pero wala siya doon. Umakyat ako sa taas at Nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang tinitignan ang anak na natutulog kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa gawi niya.
"Hon, I'm sorry," I sincerely apologized before sitting on the bed.
"Bakit ba hindi mom una pakinggan 'yung explanation bago ka mag-conclude? Napakahirap na ba non para sa'yo?" Tanong niya pero hindi pa din ako tinatapunan ng tingin. Nasaktan naman ako dahil doon.
Umupo na ako sa tabi niya at niyakap ang bewang niya, "I'm sorry talaga. I promise, I'll make it up to you and I will listen to your explanation first before concluding," sabi ko at doon na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Napalingon siya sa akin nang marinig ang paghikbi ko at tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap ko sa kanya nang yakapin niya ako pabalik, "Hey... Why are you crying?" He softly whispered.
"I'm apologizing yet you're not even listening," I pouted.
He chuckled, "Then tell me, you're jealous of Dred aren't you? Kaya pinagpapalo mo ako ng walis tambo kanina?" Tanong niya habang pinapatahan ako at hinihimas ang likod ko.
"Yeah..."
He chuckled again, "Gosh, Ely! You're making me this crazy," he said before kissing me on the lips.
Napatigil naman ako nang bigla kong maalala ang paghahampas na ginawa ko sa kanya kanina, "Masakit ba 'yung katawan mo? Pinanggigilan yata kita kanina," sabi ko sa kanya habang chini-check ang katawan niya kung may sugat ba.
"Masakit dito, dito, dito," tinuro niya ang iba't ibang parte ng mukha niya tapos pinakadulo ang labi niya kaya tawa ako ng tawa.
I pinched his nose, "You just want me to kiss you, aren't you?" I asked him, he nodded before pouting so I flicked his forehead. But then, I kissed him a couple of times before pinching his nose again.
"Okay na ba? Bayad na ba ako?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong buhatin papuntang kama, sa tabi ni Daniella na mahimbing na natutulog. Mas lalo pa akong nagulat nang bigla siyang pumaibabaw sa akin!
"Hoy, manyak! Umayos ka kung ayaw mong sumigaw ako ng rape dito!"
He chuckled, "Ang OA naman, iki-kiss ka lang 'e," sabi niya bago ako kiniss sa labi.
"Dada?"
Bigla akong nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Daniella. You're my savior, anak!
"Dada's killing Mimi, baby! Kick Dada, come on," pang-uuto ko sa anak ko kaya napalitan naman ang ngiti niya ng nakasimangot na mukha at pinagsisipa ang Dada niya.
BINABASA MO ANG
Epic Comeback ✔ | UNDER REVISION
RomanceUno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]