Serendipity means a luck that takes the form of finding valuable or pleasant things that are not looked for.
14 years
It has been 14 years since the first time I saw him. Matagal na panahon na rin ang lumipas. Labing apat na taon na ang nagdaan pero sariwa pa rin sa'kin kung ano ang nangyari noong gabing iyon.
It was the most memorable night of my life.
I'll never forget the first time I saw him. Black silky hair. Almond eyes. Cherry lips. Fair skin. It may sound cliché pero akala ko nasa langit na ako nung nakita ko sya. He looks like an angel. Yung tipong parang walang gagawin na masama.
That night, I am looking for something. I am looking for a book 'They Both Die at The End' by Adam Silvera. Ang ganda kase ng mga reviews kaya na-curious akong bilhin. I looked every bookstore around the area just to find that book pero wala. Bigo akong mahanap yung librong yun.
Noong nakita ko siya, Nasa loob ako ng isang bookstore. Hopeless na dahil sa kakahanap sa pesteng libro na yun. Nung nakita ko sya nakalimutan kong nag hahanap pala ako ng libro dahil nakasunod lang ako ng tingin sakanya. Alam mo yung parang namagnet yung mata mo tapos parang sya yung bakal. Hindi ko talaga maalis yung mata ko sakanya. So I followed him.
Sinundan ko siya saan man sya magpunta. Lakad dito, lakad doon. Sa tuwing hihinto sya, hihinto rin ako. To be honest, at that time, hindi ko rin alam kung bakit ko sya sinusundan. Basta ang alam ko lang, kaylangan kong sumunod sakanya.
Habang naglalakad sya, napapansin kong palingon lingon sya sa paligid. Minsan sa kanan, minsan sa kaliwa. Lumingon din sya sakin, at sakto, nakita nyang nakatingin ako. Syempre nag iwas ako ng tingin baka mamaya isipin nya manyak ako eh. Pero pinagpatuloy nya lang ang paglalakad.
Hanggang sa nakaramdam na lang ako ng malakas na sampal.
"Sinusundan mo ba 'ko?" Tangina. Ang saki gago.
"Excuse me, Hindi kita sinusundan. Di ba pwedeng pareho lang tayo ng pupuntahan?" paliwanag ko.
"Hoy lalaki, alam ko na yan. May balak kang masama sakin manyak kang hayup ka." Aba tangina, grabe tong baklang to, grabe kung magsalita.
"Wala nga akong balak sayo."
"Eh bakit mo ko sinusundan?" mataray na tanong nito. Pasalamat ka maganda ka.
"Di kita sinusund-"
"Kanina ko pa nahahalata na nakasunod ka sakin. Sa bookstore palang kala mo ha! Gago to." Sa bookstore pa lang? Shit. ganun ba ako kahalata?
"Pwede ba huwag mo ko murahin?"
"Eh tanginamo. Huwag mo ko sundan. Alam mo may balak ka talaga sakin eh. Balak mo kong gahasain no?" What the fuck did he just say?
"Hey, for your information, Di kita gagahasain. Di ako bastos. Mabait akong tao, wala akong criminal record. Anak ako ng pastor. Nung grumaduate ako ng high school, nakakuha akong award, Makadiyos. Di ako bastos. Di ako rapist, don't worry." Mahaba kong litanya dito.
"Che, lumayo ka. Layuan mo ko! Di pa rin ako tiwala sayo."
"Pero may balak nga ako sayo." sabi ko na agad nyang kinagulat pero nagulat din ako ng bigyan nya ulit ako ng isang malutong na sampal.
"Sinasabi ko na nga ba! Bastos ka! Oh my gosh! Rapist! Rapist! Tulungan nyo ako, may rapist!" What? Di ako rapist!
Agad kong tinakpan ang bibig nya. Tang inang to, mamaya may maka rinig sakanya, isipin pa nila rapist talaga ako. Shit.
"Hey, pwede bang tumahimik ka, di kita re-reypin. Wala akong balak sayong masama. May itatanong lang ako!" Sabay bitaw ko sa bibig nya. Baka hindi na sya makahinga. Baka mamatay pa sya dahil sakin.
"Sigurado ka?" paninigurado nito.
"Oo nga. may itatanong lang ako sayo."
"Di mo ko gagahasain?" Ano ba naman to!
"Di nga kulit! Di kita type!"
"So di ka nagagandahan sakin?"
Okay. Ang taas lang ng confidence nya. He's somehow getting into my nerves, pero nachachallenge lang ako lalo na makilala sya. This kind of attitude excites guys like me.
"Nagagandahan" halos pabulong kong sagot dito.
"So, nagagandahan ka sakin, sinusundan mo ko in the middle of the night, may gusto kang itanong sakin. Alam ko na."
"Ano?"
"Crush mo ko." Okay. Di ko inexpect yun. How come na sa ganda nyang to. Sa inosenteng itsura nya, ganyan sya magsalita.
"No!"
"Aminin mo na. Crush mo ko."
"Fine. Crush kita."
"Thank you!" sabay hagikgik. Ang cute nya. Grabe ang gandang babae nito kung nagkataon.
"So this is my question."
"Ano yun?"
"Pwede ba kitang samahan?"
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomanceTwo strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?