Epilogue

3.6K 187 91
                                    

Epilogue

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang magkitang muli si Kael at Jonas. Pagkatapos ng gabing yun ay tila napag isip isip ni Kael na kaylangan nyang ayusin ang sarili nya. Araw araw din syang dumadalaw sa puntod ni Jonas. Palagi syang nagdadala ng bulaklak. Halos doon na nga sya tumira. Nilinis nya ang mga bakas ng dugo na naiwan sa lapida ng kanyang mahal. Araw araw nag iintay ang binata na muling magpakita sakanya si Jonas, ngunit araw araw din syang bigo na makita ulit ito.

Kael

Ito na ang pangatlong linggo kong pagpunta dito sa puntod ni Jonas, pero hanggang ngayon wala parin sya.
Kanina pa ako nandito. Mag gagabi na pero wala akong balak umalis. Kung pwedeng dito ako matulog, gagawin ko. Basta kaylangan ko lang syang makita ngayon gabi.

Buti na lang dala ko ang gitara ko at hindi ako na bobored maghintay sakanya. Never akong nabored maghintay sakanya. 14 years nga nagawa ko eh, ito pa kaya?

Habang iniistrum ko ang gitara ko ay hindi ko naman inaasahan ang unti unting pagbuhos ng ulan. Napangiti naman ako. Tila nakikisabay ang langit sakin ah? Tama nga si Jonas, mahal nga ako ni Lord. Habang nag iistrum ay pumikit ako. Dinadama ko ang lamig na nanggagaling sa ulan at ang tunog na nagmumula sa gitara ko.

Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko at isinandal nya ang ulo nya sa balikat ko. Hindi na ako nag atubili pang idilat ang mga mata ko kase alam kong sya naman 'to. Kilalang kilala ko sya. Ganito pala talaga ang pag-ibig no? Kapag mahal mo ang isang tao, kahit hindi mo sya makita, alam mong sya yun. Kase ramdam ng puso mo. Alam mo yung amoy nya. Kabisado mo yung pakiramdam ng balat nya sa balat mo. Damang dama mo yung presensya ng taong mahal mo. Iba talaga ang pag-ibig. Masyadong makapangyarihan. Ilang minuto rin kaming nasa ganun posisyon nang dumilat na ako at umayos naman kami ng upo para makaharap kami sa isa't isa.

"Hi." ang sabi nya habang nakangiti. God, I love his smile. I'll never get tired of seeing his smile.

"Hello. Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sakanya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sobrang mahal ko talaga sya.

"Wala lang. Nagpahinga lang ako." sabi naman nya.

Ilang minuto din kaming nagtitigan habang walang nagsasalita. Kaya kong titigan sya buong buhay ko. Gusto kong kabisaduhin ang mukha nya para kapag hindi ko sya nakikita, atleast nakatatak sa isip at puso ko kung gaano sya kaganda.

"Ah. May sinulat akong kanta. Pakinggan mo naman." Ang sabi ko sakanya. Pareho kaming naka ngiti sa isa't isa. I want to cherish this moment. Gosh, I'm so inlove with him.

"Oh sige nga. Parinig." At sinimulan ko na ang pagkanta. Ayokong pumikit dahil ayokong maalis sya sa paningin ko pero napapapikit talaga ako habang nakanta dahil sobrang damang dama ko.

"Wow! Ganda naman! Alam mo talented ka talaga when it comes to music. Pwede kang mag pursue ng career sa music industry." Sabi nito habang nakangiti.

"Thank you. Imposible naman ata yung career sa music industry. Pero may balak akong magsimula magpost ng mga kanta ko at covers sa youtube."

"Youtube? Ano yun?" Oo nga pala. Wala pa nga palang youtube nung panahon nya.

"Wala. Huwag mo na isipin yun. Wala pang ganun nung panahon mo!" Nakita ko naman syang nag pout at tawang tawa naman ako. Natawa na lang din sya at pareho kaming nagtawanan. I can do this forever. Kaya kong mabuhay na sya ang kasama ko pang habang buhay. Kahit na kulubot na ang balat ko at uugod ugod na ako, tapos sya naka jumper at sweatshirt parin. Tapos mukha parin syang 18 years old, okay lang sakin. Basta sya kasama ko. Masaya na ako.

"Kamusta ka na?" tanong nya sakin habang kinakain ang grapes na dala ko.

"Okay lang naman. Ayun sa condo parin naman ako nakatira. Nagawa ng mga kanta. Hindi naman ako pinapabayaan nila Michelle at Justin. Ikaw kamusta na?"

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon