Chapter 7

3.1K 176 8
                                    

Kael

"Galing mo pala kumanta, gagu ka!" Ang bungad nya sakin pagbalik ko sa pwesto namin.

"Baliw. Hindi naman."

"Ikaw. Kwento ka naman, Kael. Anong buhay mo?" tanong nito sakin. uminom muna sya ng alak bago nya ibalik ang tingin nya sakin.

"Pangalan mo muna."

"Tanginang to gusto may kapalit eh." Sabi nito at sabay kaming nag tawanan. Shit. He looks so precious.

"Sige na nga. So anak ako ng pastor."

"Ayun lang? Alam ko na yan eh."

"Eh ano bang gusto mong ikwento ko?"

"Yung unforgettable memory mo talaga. Para naman mas makilala kita. Kase kilala lang kita sa pangalan eh." True enough. Funny right? Kilala nya ako sa pangalan pero hindi nya kilala ang buhay ko. Kilala ko ang buhay nya, pero hindi ko alam ang pangalan nya.

"Maayos naman ang buhay. Nakaka kain naman ako tatlong beses sa isang araw. Nagtatrabaho ako sa isang law firm..."

"Law firm? So it means lawyer ka?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Tangina hardcore! Dapat pala tawag ko sayo, Atty. Kael. Gagu may kaibigan akong lawyer!" Sigaw nya sa bar.

Natawa na lang ako at nag patuloy sa pag kukwento.

"Sa papa ko talaga yung law firm then ngayon, kuya ko na yung pinaka boss namin. Someday ako naman."

"Bakit hindi na dad mo?" Casual nitong tanong.

"Wala na sya eh. Bone Cancer."

Kita ko naman na nagulat sya agad na nalungkot.

"Uy Atty. Sorry." sabi naman nito ng naka pout. Tangina ang cute nya lang.

"Wala yun ano ka ba." Nakita ko naman syang ngumiti agad at bumalik sa pag-inom.

Nanatili lang kaming tahimik for I think, 2 minutes pero hindi naman awkward yung silence.

"Sa totoo lang, sinisi ko sya." Sabi ko sabay inom ng alak. Straight.

"Si God?"

"Oo."

"Bakit naman?"

"Kase kung totoo sya, bakit nya kinuha si papa? Bakit biglang nagka cancer si papa? Sabi ng mga doctor, kulang daw talaga si papa sa exercise at sa mga proteins at vitamins sa katawan nya kaya nagkaron sya ng bone cancer, pero di ako naniniwala. Bakit nya pinabayaan yung tatay ko eh, halos buong buhay naman ng tatay ko, binuhos nya sa paglilingkod sa Diyos na yan. Kung totoo sya, bakit wala sya nung mga panahong kaylangan namin sya? Bakit hindi nya kami tinulungan? Bakit hindi nya niligtas ni papa? Kaya ako, hindi na ako naniniwala sakanya."

Relieving that painful memory brings back a lot of scars. Yung mga sugat na akala ko naghilom na, hindi pa pala. Bakit hindi nya nagawang buhayin yung tatay ko? Hindi nya dininig yung mga dasal ko. Wala syang kwenta. Hindi sya totoo. Bullshit.

Nagitla naman ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko at iharap ang mukha ko sakanya.

"Alam mo, hindi ko maiaalis sayo ang sakit na naramdaman mo dahil sa pagkawala ng papa mo. Pero kahit ngayon lang naman tayo nagkakilala, pipilitin kitang maniwala ulit sakanya. I know na ang weird kase, out of all people, sakin mo maririnig tong mga salitang 'to, but I want you to believe in him, again. Kase lahat may dahilan. Lahat ng nangyayare sa mundo, may dahilan."

"Anong dahilan nya para hindi nya buhayin si papa?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako ang diyos. Pero ang alam ko, may dahilan. Kael, God has a purpose. Hindi naman porket may nangyareng masama saiyo ay pinabayaan ka na nya. Hindi naman porket hindi nya nagawang ibigay yung mga hiling mo eh masama na sya. O walang kwenta. Sadyang iyon lang talaga ang nakatakdang mangyari."

"Kael, maniwala ka sakin. Mahal ka nya. Mahal na mahal. At naniniwala ako na iniintay nya lang ang pagbabalik loob mo sakanya. Mahal ka nya, Kael."

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon