Jonas
Wala na si Kael. Wala na siya.
Alam kong wala na siya. Malungkot na ulit e. Parang bumalik ako sa dating ako. Madilim na naman. Mag-isa na naman.
Siguro hindi naman talaga nawala yung lungkot ko. Siguro natabi ko lang. Nung mga panahon na nandyan si Kael, nakalimutan ko yung sakit. Yung lungkot.
Ganito pala talaga kapag nagmamahal no?
Pero kahit ganitong malungkot ako, may parte sa puso ko na masaya pa rin. Kahit madilim yung mundo ko, merong maliit na parte na parang may sumisilip na liwanag.
Buong akala ko, hindi na ako magmamahal ulit. Akala ko hindi na ako kailanman sasaya. Pero binago ako ni Kael.
Binago niya yung pananaw ko. Kung paano ko tignan ang buhay... Kahit patay na ako.
Iniisip ko, kung hindi ko tinapos ang lahat, magkikita kaya kami ni Kael?
Matanda na ako at siya bata pa lang. Hindi maganda tignan.
Sigurado naman akong masaya na siya ngayon.
Ilang taon na rin ang lumipas simula noong huli naming pagkikita.
Pagkatapos noon ay araw-araw akong bumabalik sa puntod ko. Nag-aasam na sana makita ko siya at sabihin sa akin na hindi na siya tutuloy sa operasyon.
Pero imposible yun.
Ako mismo ang nagtulak sa kanya na gawin ang operasyon.
Na kalimutan niya ako.
Kase gusto ko siyang maging normal.
Gusto ko siyang sumaya.
Tumanda.
Magkaroon ng sarili niyang pamilya.
Pero hindi ko maalis sa sarili ko na umasa kahit konti, na sana hindi niya ako makalimutan. Na sana kahit hindi niya man ako makita ay ipaalala sa kanya ng puso niya na minahal niya ako.
Kase itong puso ko, hinding-hindi ito makakalimot.
Hindi niyo naman ako masisisi na umasa kase si Kael ang nagpasaya sa akin. Masaya ako sa kanya. Sobra.
Pero ang sakit din...
Kase ngayon,
Nandito ako sa pintuan ng simbahan.
Pinapanood siyang ikasal sa iba.
Sa babae.
Sa totoong tao.
Nagbago na ang itsura niya.
May bigote na siya. Mas magandang tindig ng katawan. Medyo humaba na rin ang kanyang buhok.
Pero yung mga mata niya,
Yung ngiti nya,
Siya pa rin yun.
Siya pa rin yung lalaking nakasama ko sa pinaka masayang gabi ng buhay ko.
Siya pa rin si Kael.
Hinayaan ko na lang na bumuhos ang aking mga luha dahil wala naman makakakita sa akin.
Hinayaan kong masaktan ako.
Pero sobrang sakit.
Dahil noong hinalikan niya yung babae sa harap ng altar,
Nakita kong masaya siya.
Yung halik na minsan nyang ipinaramdam sa akin.
Yung mga tingin at ngiti niya.
Akin siya.
Noon.
Gustuhin ko man umalis ay hindi ko magawa.
Lalabas na ang bagong kasal.
Nandito ako mismo sa gitna ng pintuan ng simbahan.
Makikita ko siya ng malapitan.
Ito na ang huli.
Ito na.
Nagulat na lang ako nang huminto sila sa harapan ko.
Magkaharap kami ngayon.
Diretso ang tingin namin sa isa't isa.
"Kael..."
Ngumiti siya.
Gusto ko siyang yakapin at halikan...
Pero nilagpasan niya lang ako.
Tumagos siya sa akin.
Huminto pala sila para makuhanan ng litrato.
Ang sakit.
Sobrang sakit.
Kase wala akong magawa.
Wala akong magawa para bawiin siya.
Kase hindi naman siya sa akin.
Hindi ko naman kayang kalabanin ang mundo na para talaga sa kanya.
Sobrang sakit.
Mahal kita.
Mahal kita, Kael.
Sana maging masaya ka.
Pero yung pangako mo, hinding-hindi ko makakalimutan.
Hintayin mo 'ko sa langit ha?
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomanceTwo strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?