Chapter 2

6.5K 229 8
                                    

"Pwede ba kitang samahan?" Fuck. To be honest, I really don't know kung bakit ko sinabi yun.

"Hindi." Ang agaran nyang sagot. Fuck. Syempre di papayag to. In his eyes, I'm still a stranger.

"Sungit mo naman. "

"Di ako masungit, nag iingat lang ako." Sagot nito. Well, tama naman sya. Sa panahon ngayon, kahit gwapo di mo na mapagkakatiwalaan. Oo gwapo ako.

Agad syang tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko alam kung susundan ko ba sya or huwag na lang. Pero alam mo yun? Parang may something sa utak ko na nagsasabing 'Tanga, sundan mo yun.' Edi ang ginawa ko, sinundan ko sya.

"Ang kulit mo naman eh, bakit ka ba sunod nang sunod?"

"Eh gusto nga kase kitang samahan. Ano bang di malinaw dun?"

"Ang di malinaw dun eh yung part na gusto mo 'kong samahan."

"Ewan ko sayo ang labo mo."

"Mas malabo ka, balakajan." at naglakad na naman sya palayo. Saan ba pupunta to? Lakad nang lakad eh.

Agad akong tumakbo papunta sa harap at humarang sa daraanan nya.

"Pwede ba kuya, padaanin mo ko, may kaylangan akong puntahan."

"Ayoko. Pumayag ka munang samahan kita."

"Ayoko." Litanya nito. Akma naman syang dadaan sa kanan ko pero hinarangan ko sya. Ganun din sa kaliwa pero hinarangan ko ulit.

"Tangina naman. Ano ba?" Okay medyo galit na sya.

"Pumayag ka na. Samahan kita. Gabi na rin oh."

"Ayoko nga sinabi eh."

"Eh bakit nga kase ayaw mo?"

"Eh ano bang pakialam mo?"

Oo nga no? Shit, ano bang isasagot ko dito?

"Gusto lang naman kitang samahan eh."

"Bakit naman?"

"Kase ang lungkot mo. Kita ko sa mga mata mo. Parang ang bigat bigat ng dinadala mo. Ayoko namang makita kang malungkot eh. Di ko alam pero parang may nagsasabi sakin na sundan kita. Ikaw kase pinaka malungkot na taong nakita ko."

Natigilan sya dun. Totoo. Simula pa lang nung nakita ko sya dun sa may bookstore, alam kong may problema sya. Yung kahit ang ganda nya sa paningin ko, di mo maaalis na meron syang karga. Mabigat. Masakit. Malungkot.

Do you ever look at someone or something tapos kahit gaano sya kaganda, alam mong may mali. Alam mong parang may hindi tama. Na para syang puzzle tapos may kulang na piece. Para syang ganun.

It takes one to know one.

"Sumunod ka sakin..."

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon