Camille
Pang lima na sya. Si Kuya Kael. Sya na ang pang limang lalaking dinala nya sa lumang building na yun. Matagal na naming alam ni Tatay na hindi parin natatahimik ang kaluluwa nya. Ang kaluluwa ni Kuya Jonas. Dati kaming nag tatrabaho sa pamilya Ongpauco. Si tatay ay dating driver ng mag-asawang Ongpauco. Mabait naman sila. Hindi matapobre. Hindi madamot. Sa katunayan nga eh sila pa minsan ang nagbibigay sa amin ng grocery. Pinaka paborito ko sakanila ay si kuya Jonas. Palagi nya kase akong binibigyan ng lolipop.
Noong namatay ang nanay, hindi rin sila nag atubiling mag abot ng tulong. Sila halos ang gumastos mula sa burol hanggang sa libing. Malaki ang utang na loob namin sa kanilang pamilya.
Noong nalaman namin na ginahasa si Kuya Jonas ay tila nagbago ang lahat. Nawala ang masayang hangin sa bahay ng pamilya Ongpauco. Ang dating masiyahin na si Sir Andres ay naging magagalitin. Konting pagkakamali lang ay palaging naka sigaw. Isang beses ay narinig kong sinisigawan nya si Kuya Jonas dahil sa kahihiyan na dinala nito sa pamilya nila.
Ang dating palangiti na si Ma'am Kris ay naging malungkutin simula nang nalaman nya ang nangyari sa nag iisa nyang anak. Napabayaan na rin nya ang kanyang sarili. Dati palagi syang naka pustura. Maayos tignan. Maganda ang pag kaka ayos ng buhok, at may mga mamahaling kwintas ang mga nakasabit sa leeg nya. Parang nakalimutan nya rin maging isang ina sa anak nya.
Pero sa lahat ng tao sa bahay na iyon, pinaka kawawa si Kuya Jonas. Simula nung mangyare ang insidenteng yun ay hindi na sya lumabas pa ng kwarto nya. Tumutulong ako sa pag dala ng pagkain sakanya araw araw, at sa tuwing papasok ako sa loob ay nakikita ko syang tulala at tahimik na umiiyak. Sobrang nakaka awa sya. Isipin mo na lang, ginahasa ka na nga, galit pa sayo ang pamilya mo.
Nawala na nga sakanya ang dignidad nya, parang nawalan pa sya ng pamilya.Isang beses ay pumasok ako sa kwarto nya upang dalhan sya ng pagkain, hindi na ako kumakatok dahil binigyan naman kami ng susi sa kwarto nya para kung sakaling naka lock ito ay makakapasok parin kami.
Pagpasok ko sa kwarto nya ay naabutan ko syang nakatayo sa upuan at itinatali ang kanyang leeg sa lubid.
"Kuya Jonas! Ano bang ginagawa mo? Bakit ka magpapakamatay?" Sigaw ko sakanya. Tila nagulat naman sya ng makita nya ako.
"Gusto ko ng tapusin to. Lahat na lang sila galit sa akin." Umiiyak na pahayag nya. Kitang kita ko ang mga mata nya na pagod na pagod na. Grabe ang pamumugto nito na para bang wala na syang mata.
"Hindi yan ang solusyon kuya! Kaya mo to. Malalampasan mo to!" Sigaw ko sakanya.
"Halika kuya, abutin mo ang kamay ko. Bumaba ka dyan." Inabot ko ang kamay ko sakanya. Tinignan nya naman ito ng ilang segundo at dahan dahang inabot ang kanyang kamay sa akin.
"Tandaan mo, Camille. Palagi mo akong kasama. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Para na kitang kapatid. Mahal na mahal kita." Ang sabi nya habang nakahawak ang kamay nya sa kamay ko.
"Oo kuya. Hindi ka mawawala. Kaya bumaba ka na dyan tara na."
Ang buong akala ko ay bababa na sya mula sa upuan pero ngumiti ito at bumitaw sa kamay ko. Ang mga sumunod na nangyare ay hinding hindi ko makakalimutan.
Si Kuya Jonas.
Nakabigti.
Walang buhay.
Ilang buwan pagkatapos ng insidenteng yun ay umalis na kami sa pamilya Ongpauco. Naging mabait parin sila sa amin at ibinagay ang huling sweldo ni tatay. May dagdag pa. Mula noon ay nag-aral na ako. Akala ko normal lang ang magiging buhay ko pero hindi.
Minsan kapag kakapain ko ang bulsa ko, magugulat na lang ako dahil may lolipop. Hindi ko naman natatandaan na bumibili ako pero hindi ako nawawalan ng lolipop. Bigla ko namang naalala ang huling sinabi sa akin ni kuya Jonas.
"...Palagi mo akong kasama. Hindi ako mawawala sa tabi mo."
At totoo ngang hindi sya nawala sa tabi ko. Noong nagtitinda kami ni tatay ng mga chichirya, candy, sigarilyo, at tubig sa tapat ng isang lumang building, alam kong nandoon sya pero ang nakapagtataka lang eh meron syang dinadalang lalaki. Hindi ko sya nakikita pero alam kong sya yun.
Bakit?
Kase lahat ng dinadala nyang lalaki ay nagsasalita lang mag isa. Nagsasalita sa hangin. At alam kong panglima na si Kuya Kael dahil sya ang panglimang lalaking nakita kong nagsasalita mag isa.
Hanggang ngayon alam kong kasama parin namin si Kuya Jonas. Hindi nga sya nawala sa tabi ko. Siguro ay hindi pa sya nakakatawid sa langit. Miss na miss ko na sya. Ang mga tawanan namin. Kapag kinikiliti nya ako. Kapag nag hahabulan kami sa garden nila. Parang kapatid ko na yun eh.
Sana pwede ko syang mayakap at sabihin sakanya kung gaano ako nagpapasalamat sa kabutihan nya at ng pamilya nila.
Mahal na mahal kita kuya Jonas.
Miss na miss na kita.
Kung nasaan ka man, sana maging masaya ka.
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomanceTwo strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?