Kael
Oplan: Finding Calypso
I am very thankful dahil tinulungan ako ni Justin sa paghahanap kay Calypso. After I gave him the name, agad na itong umuwi dahil sisimulan nya na daw ang paghahanap kay Calypso.
That guy, sobrang hilig nya sa mga paghahanap ng mga tao, ebidensya, at kung ano ano pa. But I'm thankful dahil atleast, magagamit ko yun sa paghahanap kay Calypso.
Right after a few shots ay napagpasyahan kong uuwi na lang ako sa condo ko dahil gusto ko rin maghanap ng mga detalye about kay Calypso.
Kahit naman alam kong sobrang hirap hanapin ng taong yun eh I still want to try. Malay ko naman, baka may makita akong kahit maliit na detalye.
On my way home, nadaanan ko ang isang matandang lalaki at isang dalaga na hirap na hirap sa pagbibitbit ng mga kung ano mang dala nila. Agad naman akong huminto sa gilid nila upang ayain sila kung gusto nilang sumakay.
"Manong, sabay na po kayo. Mabigat po yang dala dala nyo." To my surprise si Mang Raul pala ito at kasama nya siguro ang anak nya.
Anak nya?
"Oy, ikaw pala iyan. Nako kaya na namin ito." Mang Raul said.
"Hindi na po, sakay na po kayo gabi narin ho, baka mapano pa kayo dyan sa daan." I insist. Gusto ko silang sumakay sa dalawang dahilan, first is dahil gusto kong tumulong, second, dahil gusto kong makausap ang anak nya.
"Pa, sakay na tayo. Ang layo pa ng bahay natin oh. Pati ang bigat pa nito." Wala ng nagawa si Mang Raul at pumayag na ito na ihatid ko sila sa kanila.
Sa buong byahe namin ay tahimik kaming tatlo. Ibinigay naman ni Mang Raul ang address ng bahay nila at alam ko naman kung saan ito kaya hindi na ako nahirapan. 30 minutes pa ay nandito narin kami sakanila. Agad namang bumaba si Mang Raul at ang kanyang anak. Tinulungan ko na rin sila mag buhat ng mga dala-dala nila which turns out to be mga paninda nila.
Nang maayos na naming naipasok lahat ay nag paalam na sa akin si Mang Raul at sinabing papasok na sya sakanila at magpapahinga. Ang anak nya naman ay naiwan muna sa labas at nagpasalamat sa akin.
"Uhm. Thank you po ah." She said.
"My pleasure to help. By the way, Ikaw si Camille right?" I asked. Tila nagulat naman sya. Siguro dahil alam ko ang pangalan nya kahit hindi naman nya binibigay sakin.
"Opo. Paano nyo po nalaman?"
"Ah, binigay ni Mang Raul. I want to ask something sana." Automatic naman syang napatingin sa akin.
"Sige po. Ano po ba yun?"
"Doon ba sa pinagtitindahan nyo ng tatay mo, yung lumang building. Dati ba yung tattoo shop?" Tanong ko sakanya. Tahimik naman syang napa isip sa tinanong ko.
"Sa pagkakatanda ko po, hindi po iyon tattoo shop. Dati na po akong pumalit kay tatay sa pagtitinda doon, pero wala po akong matandaan na naging tattoo shop yun eh." So kung hindi tattoo shop yun? Ano yun?
Pero hindi ako pwedeng magkamali.
Tandang tanda ko na tattoo shop yun at Squid Ink pa nga ang pangalan.
Doon pa nga kami unang pumunta ni Calypso e.
Siguro ay matagal akong hindi nakasagot at natahimik kaya kinalabit na ako ni Camille.
"Ah kuya. Okay lang po ba kayo?"
"Ah. Oo. Okay lang ako. Sige, Camille una na ako. Pakisabi na lang kay Mang Raul na umalis na ako." Ang sabi ko naman. Ngumiti lang ito sa akin at pumasok na sa bahay nila.
Agad naman akong sumakay sa kotse ko. Hindi pa muna ako umalis at naupo muna ako habang iniisip ang mga sinabi ni Camille.
Napaka imposible namang walang tattoo shop doon dahil tandang tanda ko ang gabing pinuntahan namin iyon ni Calypso.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Hindi pwede.
Naputol na lang ang pag iisip ko ng marinig kong nag riring ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello pare. I think I already found him..."
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomanceTwo strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?