Justin
Calypso Cruz
Nung binigay sa akin ni Kael ang pangalan na Calypso Cruz ay agad akong umuwi sa bahay. Hindi para hanapin kung sino si Calypso Cruz kundi para tawagan si Michelle.
"Fuck, Michelle. Nangyayare na naman. Hinahanap nya na yung kaibigan nya. Mich I'm so fucking worried for Kael. Fuck." But Mich just told to me to calm down.
Calm down? How can I calm the fuck down gayong alam kong nasisiraan na naman ng bait yung kaibigan ko? Tangina bakit kase kaylangan nya pang maranasan to? Bakit kaylangan si Kael pa? Fuck.
Dahil wala naman akong nakuhang matinong kausap sa katauhan ni Mich ay ibinaba ko na ang tawag. Ginawa ko na lang ang pinapagawa sakin ni Kael. Ang tulungan syang hanapin ang imaginary friend nyang si Calypso Cruz.
I'm a big fan of investigating and trying to solve cases. Mahilig akong mag basa ng mga articles tungkol sa mga kung ano anong mystery unsolved shits. Gustong gusto ko ang mga ganun dahil very interesting at na chachallenge akong pag aralan at hanapan ng sagot ang mga bagay bagay.
Meron akong isang alam na search engine na halos lahat ng bagay dito sa pinas ay kayang i-access nito. Lahat ng mga pinaka tatago-tagong lihim ng gobyerno, alam ng search engine na ito.
Nope.
Walang tinatagong alien ang Pilipinas.
Hindi tayo kagaya ng America.
I'm trying to find Calypso Cruz pero, for a lack of better term, mga panget na tao ang nakikita ko. Kung mag be-base ako sa description na ibinigay sa akin ni Kael, maganda ang Calypso na yun.
Hindi lang ako makapaniwala na sa lalaki pa!
I don't have anything against gays ha? Pero tangina! Bubuo na lang sya ng imaginary friend na kakahumalingan nya, lalaki pa?
Kahit alam kong pagsugal ang ginagawa ko dahil there's a big possibility na wala naman talagang Calypso Cruz na nag eexist dito sa real world ay patuloy lang ako sa paghahanap sa Calypso Cruz na yun, until I stumble on this link.
calypsocruz.pdf.exc
I tried opening the link at thankful naman akong wala syang password. Medyo matagal nga lang ang pagload ng mismong file kaya nag timpla muna ako ng kape sa kitchen.
Pagbalik ko ay hindi parin nag loload. Chineck ko naman yung internet connection, okay naman. Hindi ko lang alam kung bakit ang tagal mag bukas nito. Siguro masyadong malaki ang file at maraming laman.
Habang humihigop ako ng kape ay himala namang nagload na ang link na binuksan ko pero when I saw the picture on my screen, fuck parang nanlamig ako at agad kong naibuga ang kape sa screen ng laptop ko.
Agad ko naman itong pinunasan at tinignan nang mabuti ang picture sa screen.
Isang lalaki ang naka bigti sa isang kwarto.
Siguro kwarto nya to dahil meron akong nakitang mga pictures sa side table nya. Nag-scroll pa ako pababa at meron pang mga pictures na naka lagay. Isa isa ko itong tinignan. May mga pictures na kasama nung lalaki ang mga magulang nya. Meron naman kasama nya ang mga kaibigan nya. Yung isa naman ay naka upo sya sa damuhan habang nilalaro nya ang kanyang aso.
Pero may tatlong mga litrato ang kumuha ng atensyon ko.
According sa caption na nakalagay, these are pictures from a college party noong 1994. Sa unang picture, kitang kita ang isang lalaki na matangkad kausap ang isa pang lalaki na medyo payat. The second picture is tila may binubulong yung lalaking matangkad dun sa isa pang lalaking kausap nya. Yung panghuling picture naman ay naka akbay na yung matangkad na lalaki sa lalaking payat at pasakay na sila sa isang kotse.
Iniscroll ko pa pababa ang file at nakita ko ang isang interesting na bagay na kumuha sa atensyon ko.
High Profile Rape Case involving the Ongpauco and Buenavista Clan ends up in Suicide.
Binasa ko ang buong file at nalaman kong isa pala itong timeline ng isang kaso noong 1994. Ibig sabihin yung Jonas Ongpauco na sinasabi ng file na ito ay yung lalaki doon sa pictures na nakita ko kanina.
Binalikan ko naman ang mga pictures at tinitigan ang mukha ng lalaki.
Black silky hair, Almond eyes, Cherry lips, Fair skin. Kung magiging babae to, maganda sya ha.Pwede...
Black silky hair...
Almond eyes....
Cherry lips...
Fair skin...
Fuck! Saktong-sakto sya sa description na ibinigay ni Kael sakin!
Fuck! What if sya nga yung imaginary friend ni Kael?
Fuck. Ramdam kong nagsitayuan ang mga balahibo ko.
Fuck what if sya nga?
Fuck.
Agad kong tinawagan si Michelle pero hindi naman sya sumasagot.
Fuck!
Ayoko munang tawagan si Kael dahil baka hindi nya kayanin ang mga malalaman at makikita nya. I don't know kung itong Jonas Ongpauco nga ba ang sinasabi nyang kaibigan nya pero fuck. Iba yung pakiramdam ko e. Parang ang lakas ng kutob ko na itong Jonas Ongpauco nga na 'to yung hinahanap nya eh.
So it means nakakakita si Kael ng multo?
Ilang oras pa bago ko pinag-isipan na sabihin na ito kay Kael. I don't want to fuck his mind pero ayoko rin naman syang malunod sa sakit nya.
My friend has a Schizophrenia at ayoko ng maranasan nya pa to. Awang awa na ako sakanya. I need to tell him the truth, or habang buhay syang maniniwala na totoo lahat ng nakikita at pinaniniwalaan nya.
Sinend ko muna sakanya ang link, pictures, at ang sementeryo kung saan nakalibing si Jonas Ongpauco. Tinawagan ko si Kael and I said na nahanap ko na ang pinapahanap nya.
Fuck. I'm sorry bro, I know lalo kang mababaliw kapag nalaman mo to but you need to know the truth.
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomanceTwo strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?