Ngayon ay tahimik kaming naka-upo sa couch pagkatapos ng malalim naming usapan. Kahit saglit lang, alam kong seryoso yun. Oo nga no? Bakit ang daya ng tadhana? Bakit ang unfair?
Bakit may mga pinagtatagpo, pero hindi itinadhana?
"Huy pogi." kalabit nya sakin.
"Bakit?"
"Kanina pa tayo magkasama, hindi ko parin alam pangalan mo." nakayuko sya habang sinasabi yun, parang nahihiya sya.
"Kael."
"Ganda ng pangalan mo. Pang mayaman." natatawa nyang sabi.
"Ikaw, anong pangalan mo?"
"Secret..."
"Ang daya mo! Sinabi ko pangalan ko tapos di mo sasabihin pangalan mo." Nakaka asar! May balak pa naman akong hindi mag pakilala sakanya para may thrill. Ang daya.
"Mas maganda kung di mo alam pangalan ko. Mas exciting." Napaka daya nya. Nakaka asar.
"Balakajan."
"Uy Kael, may tanong pala ako sayo." sabi nito sabay tusok sa braso ko.
"Infairness, tigas ng braso nya." tsk. bumulong pa rinig ko naman.
"Bisexual ka ba?" What?
"Ano?"
"Kako, kung bisexual ka."
"Bakit mo naman natanong?"
"Eh kase sumama ka sakin kahit di mo naman ako kilala. Sabi mo kanina nagagandahan ka sakin, tapos sabi mo pa crush mo ko. So bisexual ka ba?"
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pero natawa na lang ako. Hindi ko naman inakala na seseryosohin nya yung sinabi ko na crush ko sya. Pero yung maganda? Oo, nagagandahan ako sa kanya.
"Huy, gagu ka bakit ka natawa?" sabi nya habang namumula ang pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil nahihiya sya na tinanong nya yun.
"First, sumama ako sayo kase sabi ko nga, ang lungkot lungkot mo. Second, di kita crush. Third, Oo, nagagandahan ako sayo. At lastly, di ako bisexual."
"Ahhh... Okay."
"Ako naman, pwede magtanong?" Tanong ko sakanya. Para naman syang nagulat pero agad namang bumalik sa normal ang itsura nya.
"Ano yun?"
"Bakit ka malungkot?" Diretsa kong tanong sa kanya. Agad ko namang nakita ang lungkot sa mga mata nya.
Ano bang meron ka?
"Pero kung di ka kumportable mag kwento ok—"
"Last year, unang sexual encounter ko ay sa isang college party. Alam kong may alak na involve pero sabi ko sa sarili ko di ako mag iinom. Kase di naman talaga ako nag iinom eh. Nung panahon na yun, meron akong crush, Si Jason. Matangkad sya. Maganda katawan. Gwapo. Varsity sya ng basketball team ng University namin. Alam nya na crush ko sya. Nung gabing yun, hindi ko inaasahan na lalapit sya sa akin, sabi nya inom daw kami. Ako naman tong si tanga, syempre crush ko eh. Pumayag ako. Kahit sabi ko sa sarili ko na hindi ako iinom, uminom ako." Tumigil syang saglit sa pagkukwento. Ipinikit ang kanyang mata at huminga ng malalim. Pag katapos nyang pakawalan ang kanyang malalim na hininga ay nagpatuloy sya sa pag kukwento sakin.
"Nakakailang baso na ako nun. Ramdam ko na yung hilo, pero patuloy nya lang akong pinapa inom. Nung sinabi kong hindi ko na kaya, inaya nya ako na sumama sakanya. Syempre ako lasing, di ko alam kung bakit ako pumayag. Sumakay kami sa kotse nya, hanggang sa makarating kami sa isang condo. Pag pasok namin sa unit ay may nakita akong tatlong lalaki. Pamilyar sila sakin. Alam ko varsity din sila ng basketball team ng univ. namin." Huminto ulit sya sa pagkukwento dahil nanginginig na ang boses nya at namumuo na rin ang luha sa kanyang mga mata.
"Huwag mo na ituloy kung hindi mo kaya." Ang sabi ko sakanya.
"Hindi. Okay lang." sabi nya.
"Nung nandun na kami, nakaupo kami sa sofa, tinanong nya ako kung pwede daw bang may mangyari samin. Nung una sabi ko ayaw ko. Kase mahal ko yung sarili ko eh. Pati may mga tao sa paligid namin. Sabi nya di naman daw masakit pati crush ko naman daw sya. Papaligayahin nya daw ako at sabi nya kami na daw pagkatapos ng mangyayari samin. Eh ako, bilang tanga ulit, pumayag ako. Tangina, nung sinabi nya na magiging kami pagtapos may mangyari samin pumayag na agad ako eh. Ganun ako kalandi. Hanggang sa naghubad na sya, marahas nya ding hinubad yung pantalon ko. Yung mga kaibigan nya, nandun lang, nanonood lang samin."
"Tama na. Huwag mo na ikwe-"
"Tigas na tigas sya nun. Sabi nya isubo ko daw, ginawa ko naman. Nagulat ako ng pumutok sa loob ng bibig ko. Sabi nya lunukin ko, nilunok ko. Pagkatapos nun pinadapa nya naman ako. Pinasok nya ako, marahas. Masakit. Parang may napunit sa loob ko. Sobrang sakit. Gusto kong umayaw pero sabi ko sa sarili ko, 'Huwag! Kase pagkatapos nito, magiging kayo naman. Ayaw mo ba yun? Magiging kayo ng crush mo?' Tangina ang tanga tanga ko. Pagkatapos nyang labasan sa loob ko, akala ko tapos na. Nagulat ako nung biglang maghubad yung mga kaibigan nya. Tangina ang dumi dumi ko. Binaboy nila ako. Pinagpasa pasahan nila ako. Pagkatapos ni Jason, yung tropa nya naman. Tapos kapag nilabasan na tropa nya, yung isa naman. Ginawa nila akong parausan nung gabing iyon. Halos hindi ako makaiyak. Wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko. Ang tanging natakbo sa isip ko, Ang dumi dumi ko. Mga hayup sila."
Hindi ko inakala na sa likod ng inosente nyang mukha, may masakit na nakaraan palang nakahimlay dito. Galit at awa ang nararamdaman ko ngayon. Putangina, bakit kaylangan nyang maranasan yun? Tangina nung mga gumawa nun sakanya. Mga gago amputa. Tangina.
"Sorry. Dapat di na ako nagtanong."
"Hindi. Okay lang." Sabi nya sabay pahid nya ng kanyang mga luha.
Tumayo ako sa harap nya at inilahad ang aking kamay...
"Tara sayaw tayo..."
BINABASA MO ANG
Serendipity
RomanceTwo strangers, One night. Nothing is sure. Is it really possible to fall in love in just one night?