Chapter 4

4.4K 191 9
                                    

"PARTY!" Hindi ko namalayan kung paano kami napunta rito. Basta ang alam ko lang, pag katapos ko 'raw' syang husgahan, eh inaya nya na ako rito sa club.

Maraming tao. Ang ingay. Nakakahilo yung mga ilaw.

"Huy tara inom tayo!" Aya nito sakin. Nakaka ilang bote na rin kami. Parang lasing na sya pero sabi nya hindi naman daw.

"Pang ilan mo na yan. Di ka ba nalalasing?"

"Hindi no! Malakas tolerance ko sa alak tanga." Malakas daw. Pero yung pananalita nya, alam mong lasing na.

"Ayaw mo sumayaw?" tanong nya sakin.

"Ayoko. Di ako sanay sa maraming tao."

"Sige na nga, samahan na lang kita." Then he sit beside me. If you will look around, There are a lot of people here. This bar is quite famous, I must say. Iniisip ko, Ano kayang kwento nila? Why they are here? Ilan kaya sakanila ang may problema? Ilan kaya yung may mga gusto lang mag saya? Ilan kaya yung mga taong napilitan lang pumunta rito kagaya ko?

"Uy may kwento ako sayo." Sobrang amoy ko na yung alak sakanya.

"Oh sige, ano yun?"

"Alam mo ba? Yung tita ko, nung bata pa sya, nakilala nya yung first boyfriend nya sa MRT."

"Oh tapos?"

"Tapos ang nangyare kase sakanila, dapat papasok na sya sa trabaho nya..."

"Wait, nagka boyfriend tita mo,may trabaho na sya? Di ba parang late yun."

"Ayan ka na naman, nang huhusga ka na naman." Okay, here we go again.

"Hoy, hindi ko hinuhusgahan tita mo." sabay inom ulit ng alak.

"Okay sabi mo eh. Well, ayun na nga, pagsakay nya daw dun sa MRT puno na. Wala ng upuan. Eh nakita nya daw may isang bakante pa, nag madali daw syang pumunta dun para maka upo, tapos nung paupo na daw sya, bigla daw may umupo dun na lalaki."

"Oh hulaan ko. Yung lalakeng umupo dun sa uupuan ng tita mo, ayun naging boyfriend nya. Tama ako no?"

"Tanga hindi. Edi ganito na nga, makinig ka muna. Ganito na, Ang nangyare nung di naka upo yung tita ko, bigla daw may nag offer sakanya ng upuan. Sabi daw nung lalaki, 'Miss, upo ka na oh.' Ayun. Yung lalaking nag pa upo sa tita ko, ayun yung naging first boyfriend nya." mahaba nyang kwento. nakakatawa sya mag kwento kase with acting pa. Inaacting nya pa kung paano nangyayari yung eksena. Tangina, lasing na to.

"Pero guess what, di pa tapos." Bigla nyang sabi.

"Oh di pa tapos?"

"Oo dipa. Ganito ang nangyare, edi yun ngang nag pa upo sa tita ko, naging first boyfriend nya. Pero nag hiwalay sila nun. Tapos after 4 years, may nakilala yung tita ko na lalaki. Hulaan mo kung sino?" tanong nito sakin.

"Oh sino?"

"Yung lalaking umagaw ng upuan nya sa MRT!" Sigaw nyang ganyan. Iba talaga tama ng alak.

"Oh edi destiny?" tanong ko.

"Oo tangina talaga, destiny. Tapos yung lalaking yun, ayun yung napangasawa nya. Sya na yung tito ko. Oh puta destiny talaga diba?"

"And they live happily ever after na ba?" tanong ko. bigla namang parang lumungkot ang mukha nya.

"Hindi eh."

"Bakit naman?"

"Kase nung kasal na yung tito at tita ko, isang araw nag punta sila sa Jollibee, tapos nung oorder na si tito, si tita naman nag hanap ng mauupuan, ang dami kaseng nakain halos puno na yung jollibee, pero may nakita syang isang bakanteng pwesto, nung lalapitan na nya, biglang may nauna. Puta guess what kung sino?"

"Sino?"

"Yung first boyfriend ng tita ko!"

"Tangina hindi nga?" Medyo napasigaw din ako, nakakadala kase syang mag kwento eh.

"Oo gago. Tapos sabi nung tita ko, nung nakita nya daw ulit yung first boyfriend nya, dun nya na realize na mahal nya pa yun, at sabi daw sakanya nung ex nya, mahal pa rin daw sya. Shet lang. One great love nya daw yun eh. One Great love nila ang isa't isa."

"Kung 'One great love' ng Tita mo yung first boyfriend nya, paano na yung tito mo?"

"Aba ewan ko. May pagka malandi din kase lahi namin eh." natawa naman ako dun.

"Pero ang sakit no?" tanong nya.

"Bakit naman? Eh masaya naman na yung tita mo kase napangasawa nya tito mo."

"Oo nga. masaya tita ko. Pero napapaisip lang ako. Tangina, ayun ba talaga love story ng tita ko? Kase pota ang sakit. Ganun ba talaga yung tadhana na nakalaan para sakanya? Na kung kaylan may asawa na sya, dun nya lang na realize na mahal nya pala ex nya. Tapos syempre yung ex nya, mahal pa rin sya, pero hindi na pwede kase may asawa na si tita. Ang unfair lang. Kung kailan alam mong matured na kayo pareho, yung kung kailan feel mong tama na yung timing, tama na yung oras, yung moment... Biglang hindi na pwede." Mahabang kwento nya. Pero totoo, napa isip din ako dun.

"Ang daya ng tadhana no? Tangina. Para silang Araw at Buwan. Umiikot ang mundo para sakanila, pero hindi nila magawang umikot sa mundo para magtagpo." Wow. Sa buong pagsasama namin sa gabi na 'to, ito yung pinaka deep na nasabi nya sakin.

"Eh pero may eclipse naman eh." Pag bibigay ko ng ideya sakanya. I'm trying to lighten up the mood. Masyado kaseng mabigat eh.

"Meron nga. Tatakip ang buwan sa araw. Magtatagpo sila. Pero hindi pang matagalan. Saglit lang. Tapos wala na ulit. Mag hihiwalay na ulit."





"Pinagtagpo, pero hindi itinadhana."

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon