Chapter 11

2.6K 145 13
                                    

Kael

14 Years.

It has been 14 years since the last time I saw him.

After nung gabing yun, hindi ko na sya nakita. Sinubukan ko syang puntahan sa Jones Bridge at tignan kung nandun sya pero wala akong naabutan. Hindi ko alam kung tumalon na ba sya sa tulay na yun o baka na-una lang ako ng dating.

14 years na simula nang makilala ko sya. Pagkatapos ng gabing yun ay hindi sya nawala sa isip ko. Natatakot akong baka tuluyan na nga syang tumalon sa tulay na yun. I tried searching him in Facebook, wala. Wala rin sya sa Twitter at Instagram. Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko pero wala talaga.

Minsan naiisip ko, buhay pa kaya sya? Nasaan na kaya sya ngayon? Sana kung buhay man sya magkita kami. To formalize everything.

Ang sabi nya huwag naming sirain yung plot na nabuo namin, But I really want to see him again. I really do.

"Hi hon. Here's your coffee." Ang sabi sakin ng babaeng nasa harap ko ngayon. Pagkatapos nyang ilapag ang kape sa lamesa ay binigyan ako nito ng halik sa labi.

Oo, may iba na ako.

Her name is Michelle. She's my fiancé. Ikakasal na kami next month at sobrang excited sya para sa big day namin. Ako? Hindi ko alam. Feeling ko kase may kulang sakin eh. Don't get me wrong, I love Michelle. I do. Pero alam mo yun? Parang may missing piece. At alam kong sya ang missing piece. Si Calypso.

Have you ever read a book na may part 2. Diba may mga libro or pelikula na para maintindihan at ma appreciate mo yung part 2, kaylangan mo munang mapanood or mabasa yung part 2?

Parang ganun yung nangyayare sakin e. I love her, pero everytime na titignan ko sya, nakikita ko yung mata ni Calypso. Everytime na yayakapin ko sya, naaalala ko kung paano ko yinakap si Calypso sa bar noong kwinento sya sakin ang buhay nya. Kapag kinakantahan ko sya, Naaalala ko yung moment na kinantahan ko si Calypso sa bar. Kapag nag sasayaw kami, Si Calypso ang naaalala ko. Kapag hahalikan ko sya, Labi ni Calypso ang naaalala ko.

I love Michelle pero I know nagiging unfair ako sakanya. Kase imbis na sya ang makita ko, palaging si Calypso. Palagi kong binabalikan ang gabing yun.

The most memorable night of my life.

The night that change my life forever.

I know in my heart na kaylangan kong makita si Calypso. Para matapos na to. Para makapag-settle na ako. Hindi ko alam kung buhay pa ba sya pero I need to see him.

Ayokong maging unfair sa fiancé ko. Ayoko.

Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko.

Nandito kase kami ngayon sa garden nila Michelle. Tumayo rin ito at tinanong kung saan ako pupunta.

"Sorry hon, may hahanapin lang ako. I'll be back."

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon