TWELVE HADES
"Kaaaath" sigaw ng nanay ko
Napakamot na lang ako sa ulo ko at bumangon sa pag kakahiga ko
"Ang aga aga mama nambubulabog ka" sabi ko sa kanya
"Piesta De ealmihtig na. Kung hindi mo bubuksan ang mga pinto hindi papasok ang swerte sa bahay natin" sabi ni Mama
"Oo nga pala" sabi ko sabay takbo at bukas sa pintuan namin at ang maliit na bakery sa baba ng tahanan namin
Ang lugar namin ay nag ngangalang epriona ang pinaka mahirap na lugar. Dito pinapatapon ang mga taong walang pinag aralan at walang mga sapat na pera pero nakakapag aral kami ng kapatid kong si Blaire dahil may mga natapos din ang mga magulang namin pero nawalan ng pera at ipinatapon ng Dasyl sa epriona hindi rin kami pinayagang makapasok sa lugar ng Hadria
Ayun sa mga kwento kwento ng mga nakakita sa Hadria maganda daw ito maluwang at madaming gusaling malalaki pero ang mga mahihirap na katulad namin ay hindi makapasok doon ng ganun kadali
Ang Piesta De ealmihtig ay taon taon na ginaganap dito sa epriona nag paparada ang mga taong makakapangyarihan tulad ng mga hari at reyna upang mabigyan daw ng swerte ang mga bahay rito.
Madaming naniniwala tulad ng mga magulang ko at madami ding hindi dahil wala naman daw pagbabago sa kanilang kabuhayan
" Ate kath makikita ba natin ang prince charming mo?" Sabi ni Blaire
"Oo makikita natin ang prince charming ko ang princepe Kent ng lugar ng Dasyl" sabi ko sa kanya
Ang princepe na hanggang tingin ko lang makukuha
"Aasa ka nanaman ate" sabi ni Papa sabay gulo sa buhok ko
"Papa naman eh panira ka ng pantasya" sabi ko sa kanya
"Tayong mga mahihirap hindi makakabuting dumikit sa mga makapangyarihan tayo lang ang mahihirapan" sabi nito
"Malay mo naman papa busilak pala ang kanilang loob at hindi sila masamang tao" sabi ko
"Hindi magandang magtiwala agad anak" sabi ng Papa
"Kath" sigaw ni Mama
Si mama sigaw ng sigaw
"Ano po?" Sabi ko
"Tulungan mo ako dito para maluto mo na ang mga pandesal sa ibaba" sabi ni mama
"ISA ITONG PATIBONG ISARA NIYO ANG MGA PINTO AT BINTANA NINYO" sigawan nila sa labas
"Anong nangyayari?" Tanong ng aking ina sa aking ama na dali daling sinasara ang mga pinto
"Isang patibong ang mga kawal ng lugar ng Hadria ay gustong kunin ang lahat ng mga panganay na anak" sabi ni Papa
"Magtago ka na kathleen" sigaw ni Papa
"Subukan niyong gumalaw mamatay ang batang ito" sabi ng isang lalakeng nakaitim na may hawak na kutsilyo na nakatutok sa Leeg ni Blaire
"Kapalit ng buhay mo ay ang buhay ng kapatid mo" sabi nito
Kaya lumapit ako sa kanya para palayain niya na si Blaire
"Aaaanaaaak" rinig kung sigaw ni Papa
Babalik ako! Pinapangako ko yan
Pinasakay kami sa likod ng isang truck nakatali ang aming mga kamay
"Bakit hindi ka umiiyak?" Sabi ng isang babaeng katabi ko
"Dahil nang gagalaiti ako sa galit" sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Who Will Kill Me?
Mystery / ThrillerIt was a place ruled by a heartless king and where his 12 knights are feared A place where everyone who's heartless came to live A place described as hell...... Everyone should follow the rules and No hearts can get soft ...