KINDEST OF THE KING
"What the hell are you thinking?" sigaw ni Mom sa akin
"Ikaw ang hari ng hadria at pinatakas mo ang anak ng kalaban. What are you thinking nasa matino ka pa ba?" sigaw nito
"I knew it ! Hindi siya mapagkakatiwalaan she's a spy" sabi nito at lakad ng lakad sa harap ko
"Mom" tawag ko sa kanya
"What?" sabi nito
"Innocente ba talaga si Dad? Wala ba talaga tayong kasalanan sa pagkamatay ng madaming tao sa hadria noong si King Lei pa ang namumuno" tanong ko sa kanya
"What are you thinking? You're accusing your father for killing innocent people yan na ba ang napapala mo sa pagsama sa babaeng iyon" sabi nito
"Hindi ko na alam , hindi ko na alam sinong paniniwalaan ko" sabi ko sabay taas sa kwarto ko
Parang lahat na lang ng tao sa paligid ko puro kasinungalingan ang sasabihin sa akin parang wala ng totoo sa pagkatao ko
-------------------------
5 buwan ang nakalipas panay ang pagsabog ng mga gusali dito sa hadria ako ito nasa mansion ko nagkukulong .
"Mahal na hari" sabi ng isang kawal at lumapit sa akin may inabot na isang envelope
Mga picture ni Kath at Adrian na ang sweet
"Bali balita na mahal na hari ang pagpapakasal ni Queen Kath kay Adrian sa highest empire" sabi nito
Masaya na siya ? Masaya na siya na wala ako
"makaka alis ka na" sabi ko
"pag paumanhin niyo po mahal na hari pero hanggang kailan niyo pong balak magkulong sa mansion habang ang mga tauhan niyo po ay nagbubuwis ng buhay para ma protektahan po kayo ?" sabi nito at umalis na
Parang nabuhayan ako sa sinasabi niya ..nag ayos ako pero pagkalabas ko pa lang ng mansion ko bumungad sa akin ang katawan ng isang kawal .. Yung kawal na kumausap sa akin kanina
"Mahal na hari ..mahal na hari" si Jester ito ung batang lalake sa truck
"Mahal na hari nahihirapan na po kami kailangan niyo po kaming tulungan baka po mamatay lahat ng mga tao rito" sabi nito at lumuhod
Itinayo ko ito
"Wag kang mag alala gagalaw na ako" sabi ko
Sumakay ako sa kotse ko at pumunta sa highest empire pero nasa gate pa lang ako tinutukan na ako ng baril
Bumaba ako sa sasakyan ko
"Ako ang hari ng Hadria gusto ko lamang ay makausap ang Hari at Reyna ng Highest empire" sabi ko
Kinapkapan nila ako at pinapasok nila ako pero hindi kasama ang kotse ko
Pagpasok ko nakita ko ang mamamayan na sobrang saya may maayos na matitirhan may buhay na inaasam nila
Pagkadako namin sa kaharian ng hari at reyna pinapasok nila ako doon
"Bitawan niyo na siya" utos ng reyna
"Ikaw ang reyna" sabi ko sa babaeng tumulong sa akin para maging mabuting hari
"Ako nga Mahal na hari ng hadria" sabi nito
"Nagsinungaling ka din sa akin , okey lang tutal puro kasinungalingan naman ata bumubuo sa akin" sabi ko
"Bakit ka nandito?" tanong ng hari
"Nandito ako para makiusap na itigil niyo na ang panggugulo sa lugar ko . Madaming innocenteng tao ang nagdudurusa nahihirapan at bilang hari ayaw kong nakikita iyon" sabi ko
"Naging tauhan din namin ang mga taong nandoon tingin mo gusto naming masaktan sila . Gusto lang namin ipakita sayo na hindi ka nararapat maging hari" sabi ng hari nila
"How dare you!" sabi ko
"Pero kung gusto mong makatulong sa kanila sige pagbibigyan ka namin pero ang kapalit ng kapapanatag ng buhay nila pag binigay mo ang mga taong iyon sa amin" sabi ko
"No way, sinsabi mo bang gusto mo kunin ang mga tao ko masyado naman na siguro kayo nun . Wala na sa akin ang pinakamamahal ko kinuha niyo na sa akin ang anak niyo . Wala na din akong kaibigan kinuha niyo na din pati ba naman ang mga tauhan ko napaka damot niyo naman na nun" sabi ko
"Ang pagiging hari ay hindi nababase sa dami ng kasama mo . Kung alam mo kung anong nakakabuti sa tauhan mo at hindi ka maramot ibigay iyon alam mo na ang gagawin mo" sabi nito
"makakaalis ka na" dagdag pa nito
Naglakad na ako palabas ng mansyon at paglabas ko nakita ko si Kath
"Kath pwede ba tayong mag usap" sabi ko
Hinawakan ko siya pero inalis niya ang pagkakahawak ko
"Bakit ka nandito" sigaw niya sa akin
"parang awa mo na kailangan lang kita makausap sige na kahit 5 minutes lang" lumuhod na ako sa harapan niya
"No, hands off look at yourself you are messed . Wag mo na ako guluhin dale ikakasal na ako kay Adrian hindi na kita mahal" sabi nito sa akin
Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko
Tumayo ako at umalis na sa highest empire pag dating ko sa hadria tinipon ko ang mga natitirang tao dito
"Nandito ako sa harap niyo para humingi ng tawad sa pagiging pabaya kong hari . Patawarin niyo ako at hindi ko kayo na protektahan . Kaya ngayon tinipon ko kayo dahil nakipag usap ako sa highest empire para itigil na ang kaguluhan nito . At matitigil lang ito pag isinuko ko kayo sa kanila" sabi ko
"Pero mahal na hari paano ka ? Iiwan ka na po namin? Ano pong buhay namin doon?" tanong nito
"Nakita ko ang highest empire . Sa lugar na yun mas mamumuhay kayo ng payapa . Makakakain ng 3 beses sa isang araw maproprotektahan nila kayo . Walang gulong mangyayari. Makakapag trabaho ang bawat isa . Makakapag aral ang makabata . Mabibigyan kayo ng maayos sa buhay doon wag niyo na ako isipin ang isipin ninyo ang mga sarili niyo ang pamilya ninyo" sabi ko lahat sila may luha sa tumutulo sa mga mata nila
"Magbalot na kayo ng mga gamit niyo .. Sabay sabay tayong pupunta sa highest empire bukas " sabi ko
Nang sa gayon may magawa naman akong tama sa buhay ko
Patawarin ninyo ako
BINABASA MO ANG
Who Will Kill Me?
Misteri / ThrillerIt was a place ruled by a heartless king and where his 12 knights are feared A place where everyone who's heartless came to live A place described as hell...... Everyone should follow the rules and No hearts can get soft ...