BLOOD IS THICKER
"Nakinabang ako ang Hadria sa inyong mga panganay na anak pero Dasyl ang nakinabang sa mga natira sila ang sumunog sa Epriona" sabi nito
"Hindi totoo yan mabait si Prince Kent" di pagsang ayon ko sa sinabi niya
"Sabi ko sayo wag mong hayaang mabulag ka sa kabaitang pinapakita ng ibang tao sayo.. Kung sino pa ang mabait sila pang may kailangan sayo. Hindi mo hawak ang pag iisip ng mga tao hindi mo alam kung kakampi ba sila o kalaban" sabi nito sa akin
Napaupo ako sa sofa at umiyak ng umiyak hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Parang sinasaksak yung puso ko na naiisip ko na wala ng pag asang magkakasama ulit kami
Ilang oras din ang lumipas at binuksan na rin nila Adrian ang ilaw
"Hindi ka ba inaantok kath?" Tanong ni Adrian
Hindi ko na lang ito pinansin
"I think she needs space bro" sabi ni Jay kay Adrian
Naglakad na sila pataas pero Sid nandito sa harap ko pa din kumakain ng ice cream
"Alam mo ba matutulungan ka naman niya ayaw niya lang gawin" sabi ni Sid
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya
"Si Dale kaya ka niyang tulungan pero ayaw niya lang talaga" sabi ni Sid
"Siya lang ang may kapangyarihang makipag usap sa Reyna ng Dasyl at mapalaya ang magulang mo pero pwede ka din namang magkaroon ng ganung kapangyarihan" sabi ni Sid
"Paano?" Tanong ko
"Paibigin mo ang hari kilala ko yang si Dale kung minahal ka niyan kaya ka niyang gawing reyna ka magkakaroon ka na ng kapangyarihan" sabi ni Sid tapos tumayo na at tumaas
Napaisip ako bigla
"Hindi maganda yang plano niyo" nagulat ako ng may biglang nagsalita
Walanghiya
"So lahat na lang ng bagay kailangan alam mo privacy please" masungit kung sabi naglakad sya papalapit sa akin at umupo sa sofa na katapat ko na pinag upuan ni Sid kanina
"I am a man that is easy to get I can admit that I like you when I like you. But I don't fall for someone easily . Lalu na sa stranger" sabi nito sa akin
"Bakit parang feeling ko nabusted ako kahit hindi naman ako nanliligaw" napaisip kung sabi
Ngumiti ng kalahati
"Aba ngumingiti ka pala" sabi ko "gwapo mo dun" sabi ko ulit
"Hoy! Babae wag mo akong bolahin" sabi nito sa akin
"Fine! Hindi na ako magpapaka plastik gusto ko lang naman makausap ang magulang ko malapitan sila o mayakap manlang kahit hindi na nila ako kilala" sabi ko
"Kung gusto mo iba na lang wag ako dahil sabi ko nga lahat may kapalit" sabi nito sa akin
"Anong kapalit kakayanin ko kahit ano" sabi ko
"Kahit buhay mo itataya mo?"
"Oo ita-ANO!?" sigaw ko
"That's my point" sabi nito
Tinaasan ko siya ng kilay
"Tutulungan mo ba ako? O tutulungan mo ako" sabi ko
"Where is my choice?" Tanong nito
"That's exactly my point you don't have any choice" sabi ko
"Tutulungan kita kung mapapatunayan mo sa akin na ikaw si Elida" sabi nito
BINABASA MO ANG
Who Will Kill Me?
Mystery / ThrillerIt was a place ruled by a heartless king and where his 12 knights are feared A place where everyone who's heartless came to live A place described as hell...... Everyone should follow the rules and No hearts can get soft ...