I AM ELIDA
It's weekend walang pasok
Sabi ni Marvin baka hindi na daw ako makaalis sa pwesto ko kung ayaw ni Dale na mag Fiesta de Hadria ako na lang titingin sa mga tao rito
Tutal lagi naman akong nasa university siguro oras na para lumabas rito
Naglakad ako palabas sa university. Habang naglalakad napansin ko halos bakante ang mga lote na malapit sa university
Siguro dahil doon ginaganap ang mga war naglalakad lakad pa din ako hanggang mapadpad ako sa isang lugar kung saan madaming bahay at tao
Para rin itong epriona ngunit maayos lamang ang kanilang bahay
Nagpatuloy ako sa paglalakad
May mga matanda na nag lalaro ng chess mga batang nag lalaro ng jumping rope.. Naglilinis ng bakuran
Maingay na tyismisan sa tindahan
"Oo narinig ko nga na may bagong reyna"
"Kung ganun bakit hindi pa nag papa fiesta de Hadria ang Hari"
"Baka naman peke at hindi ito totoong reyna"
"Sabi nila galing itong epriona"
"Malinis ba ang pakay nito sa atin?"
"Kung sana hindi namatay ang dating princessa Elida sana may reyna tayo at hindi na kailangan maghanap ng hari ng bagong reyna"
"Pero may bali-balita na mabait at palaban daw ito"
"Oo sabi nung anak ko kinalaban niya daw ang Reyna Adine ng Zotopia"
Tama nga sila ako ang mga pinag uusapan ng taong bayan
"Miss dayo ka?" Tanong ng isang babae sa akin
"Ay hindi" sagot ko
"Bago kasi itsura mo rito eh baka spy ka" sabi nito
"Hindi ako spy" sabi ko
"Weh? Maniwala spy ka nuh? Anong grupo mo!" Sigaw nito
Dahan dahan na nila akong pinapalibutan
"Ang tatay ko tulong" sigaw ng isang babae
Napunta roon ang atensyon namin
Lumapit ako
"Anong nangyari?" Tanong ko
"Tumaas ang dugo niya" sabi nito
Pinakiramdaman ko ang pulse niya wala na
"Tumawag kayo ng ambulansya dali" sigaw ko
Nag emergency CPR ako para bumalik ang pintig ng puso nito
Nang pakiramdaman ko ay bumalik naman ito pero medyo mahina buti na lang ay dumating na ang ambulansya nakisama na ako sa ambulansya papuntang hospital
DALE'S POV
"Dale" sigaw ni Marvin sa akin
"Bakit mo ba ako sinisigawan" sigaw ko rin sa kanya
"Wala ka bang balak gumising" sabi nito
"Anong oras na ba?" Tanong ko
Tumingin ako sa orasan ko
Napatayo ako
5pm
BINABASA MO ANG
Who Will Kill Me?
Misteri / ThrillerIt was a place ruled by a heartless king and where his 12 knights are feared A place where everyone who's heartless came to live A place described as hell...... Everyone should follow the rules and No hearts can get soft ...