CHAPTER THIRTY-NINE

727 21 2
                                    

QUESTIONS

DALE'S POV

Nakauwi na kami . Pangalawang mansion daw ito dito sa Highest empire dito daw nakatira sila Marvin kaya dito na daw ako titira

Nakausap ko na din si mommy kanina . Sabi niya tapusin niya muna daw chemo niya tapos magiging maayos na ang lahat panay ang sorry niya sa akin pero wala naman akong maalala na ginawa niyang masama

"Kamusta ka ?" tanong ni Marvin sa akin nasa living room kami ngayon .

"Okey lang naman , pero marvin naalala ko na kung sinong girlfriend ko" sabi ko nanaginip ako kagabi pero alam ko hindi panaginip lang yun totoo yun nangyari yun sigurado ako

"sino?" sabay sabay nilang sabi

"Nakita mo na ba siya?" tanong nung syota ni Hanzel na si Aya

"Hindi eh, naalala ko yung mukha niya at pangalan niya pero hindi ko pa siya nakikita ngayon" sabi ko

"Anong pangalan?" tanong ni Phil

May biglang pumasok na babae

"Gosh ! You're here buti na lang pinapasok ako ng guard ng highest empire my king" sigaw ng isang babae

Tumayo ako at tinignan siya

"She's my girl . Elcey" sabi ko sabay yakap sa babaeng yun

KATH'S POV

"She's my girl. Elcey" parang nag collapse ang mundo ko ng sabihin niya yun

Agad siyang tumakbo at niyakap si Elcey

"What's happening?" tanong ni elcey

"Himala ni yakap mo ako masyado mo ata akong na miss dale"sabi ni Elcey

Gumitna si Jay sa gitna nila

"Saglit dale hindi pa kasi alam ni elcey kung anong nangyayari"sabi ni jay

"Elcey, nagkaroon kasi ng temporary memory loss si Dale kunti lang ang naalala niya at hindi ko alam bakit niya sinasabi na ikaw ang girlfriend niya" sabi ni jay

Tumingin si Elcey sa akin

"She's my girl. Siya yung babaeng nakalaban ko sa training hall sa hadria yung muntik niya ako patayin pero hindi niya ginawa tapos umiiyak siya nun " galak na galak si dale habang kwinekwento ang scenario ko sa buhay niya pero naging si elcey

Tumingin silang lahat sa akin naluluha na ako pero pinipigilan ko kasi hindi pwede hindi ngayong araw na ito ang tamang oras para sabihin sa kanya kung sino ako

"Siya ang fiance ko nagbigay ako ng singsing sa kanya natanggap mo na ba?" tanong ni Dale kay Elcey

"ah eh dale" hindi makasagot si Elcey

"magpakasal na tayo" sabi ni Dale kay Elcey at doon hindi ko na napigilan ang luha ko

Agad akong niyakap ni Aya dahil wala ng tigil ang paghikbi ko

"bakit ka umiiyak?" tanong ni Dale sa akin

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito

"Alam kong madami akong kasalanan sayo pero kung nakakaalala ka naman na parang awa mo na wag mo akong pahirapan ng ganto . Masakit sa puso dale para akong sinasaksak ng ilang beses sa bawat oras na alam kong hindi mo ako maalala" sabi ko sa kanya

"ano bang pinagsasabi mo" naiiritang sabi nito

"Hindi si elcey ang papakasalan mo" sabi ko

"Kath please" pakiusap ni Marvin

"No, he need to know the truth . Ako, ako iyon ako ang fiance mo" sabi ko sabay pakita sa kanya ng daliri ko kung san nakasuot ng singsing na bigay niya "panadala mo ito sa batang tinulungan natin nung nagka landslide sa hadria dale please alalahanin mo ako" sabi ko sa kanya

"NO!!" sigaw niya at tulak sa akin

"ikaw ang babaeng dahilan bakit wala ako sa hadria di ba? Ikaw dahilan bakit ko laging napapanaginipan na tumalon ako sa tubig na madaming patay na tao. Ikaw ang dahilan bakit madaming namatay . Hindi ko alam bakit ang anghel mo tignan pero sa ala ala ko ikaw ang babaeng sumira sa buhay ko kaya impossible na ikaw ang babaeng minahal ko" sabi nito

"alam ko mali ako dapat hindi kita tinalikuran hindi ko alam, natakot ako akala ko ikaw ang papatay sa akin " sabi ko sa kanya

Pero hindi ko pa siya nalalapitan ulit nawalan na siya ng malay

DALE'S POV

nakahiga ako sa kama ang sakit ng ulo ko hilong hilo ako

U-upo sana ako ng maramdaman ko na may nakayakap sa akin si kath .

"okey ka na ba?" tanong ni Hanzel sa akin tumango naman ako

"alam mo. Hindi ko alam kung hanggang saan ang naalala mo pero mahal na mahal ka ng babaeng iyan . Lahat kami may takot sayo noon . Paghihiganti ang nasa isip mo noon gusto mong ipapatay lahat ng pumatay sa ama mo at mga magulang namin iyon at ang leader ng magulang namin ay ang hari at reyna ng highest empire ang magulang ni Kath. Pinaglaruan kayo ng tadhana .Minahal ka niya at mahal na mahal ka niya naunahan lang siya ng takot na baka ikaw ang papatay sa kanya . Hindi mo alam kung gaano kahirap sa kanya mamili kung ikaw ba o ang magulang niya ? Pero nasaan siya ngayon nandito kayakap ka" sabi ni Phil

"alam kong nakalimutan mo siya . Pero ang puso hindi nakakalimut dale" sabi ni Rex

"sabihan ko muna sila na gising ka na" sabi ni Phil at lumabas sila ng kwarto

Pinagmasdan ko lang ang mukha ni Kath

Pero wala pang minuto gumising ito

"Dale gising ka na pala . Okey ka lang? Pasensya na dapat hindi ko na pinilit ipaalala sayo ang mga iyon" sabi nito

"Gaano kita kamahal noon?" tanong ko sa kanya

"Wag na natin pag usapan iyan baka mawalan ka nanaman ng malay" sabi nito sa akin

"Hindi, gusto ko lang talaga malaman" sabi ko sa kanya

Napaisip ito

"Ayaw mo akong nasasaktan noon, ayaw mo akong nakakakita ng pinapatay, matigas kasi ang ulo ko lagi kitang sinusuway pero lagi mo din akong pinaprotektahan sa kapahamakan naalala ko pa noon nagpunta ako sa malamig na kabundukan kukunti lang ang taong nakaka survive doon pero dahil pinilit ko pa din akala ko doon na mag tatapos ang buhay ko pero bigla kang dumating . Lagi akong inaaway ng 12 hades noon kasi lagi kitang pinapahamak pero lagi mo din akong pinagtatangol siguro sa mga bagay na yan para sa akin ramdam ko na mahal na mahal mo ako" nakangiti nitong kwento sa akin

"Ganyan pala kita kamahal" pagtataka ko " pero bakit nagawa mo akong talikuran at iwan?"

Ang ngiti sa kanyang labi ay nawala at napalitan ng luhang gustong makawala sa kanyang mga mata

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon