CHAPTER THIRTY- TWO

714 18 2
                                    

HOW?

sumakay kami ng kotse papunta sa mga mamayan ng hadria

Halos lahat ng mga bahay nagsitumba na ang daming bata at matatanda ang nasa labas na nauulanan may mga dala silang mga gamit nila

Lumabas kami ni dale sa kotse

"tulungan niyo po kami mahal na hari" pagmamakaawa nung mga tao

Saktong dumating ang mga truck

"pumasok kayo sa mga truck ipupunta kayo sa university sige na magsi likas kayo" sigaw ni Dale

"Mama" umiiyak na sabi ng isang bata

"asaan ang mama mo?" tanong ko sa kanya

" hindi ko po alam nagkahiwalay po kaming dalawa " sabi nito

" sumama ka sa truck na iyon" sabay turo ko sa truck "baka nandoon na din ang mama mo ipupunta kayo sa university nun doon mo na lang hanapin ang mama mo mas mahalaga ligtas ka okey" sabi ko tumango naman ito

"kath sakay duon tayo sa malapit sa mahiwagang kabundukan" sabi nito sa akin

Sumakay agad ako

"you okey?" tanong niya sa akin

Tumango ako

Pumunta kami sa may mahiwagang kabundukan . Pagbaba pa lang namin ng kotse bumungad na sa amin ang putik na daan hindi na maka andar pa ang kotse namin

DALE'S POV

"Mahal na hari pwede po ba kayong makausap" sabi ng isang lalake

Tinignan ko si Kath

"Go on . I'll be okey" sabi nito

Pumunta kami sa isang silong

"mahal na hari kailangan na po ng extra na truck para sa mga na rescue na tao may laman na po kasi yung 5" sabi nito

"sige magpapadala ako..sige na siguraduhin niyo na ligtas ang lahat" sabi ko

Agad akong tumawag kay Marvin

"Marvin 3 truck pa ..dito kami sa mahiwagang kabundukan " sabi ko

"sige copy" sabi nito

"Gumuho ulit ang lupa" sigaw nila

"Ang reyna!" sigaw ng iba

Kath !

Tumakbo ako para lumapit doon

"mahal na hari baka mapahamak ka" awat ng mga tao sa kanya

"Ang reyna ! Kath" sigaw ko

"kath" patuloy pa din ang sigaw ko

"Dale" tumingin ako sa babaeng tumawag sa pangalan

"what the fvck" sabi ko sabay yakap kay kath

"Niligtas ko yung isang bata nung pinunta ko na sa safe area biglang nahulog yung lupa" sabi nito

"I'm so worried" sabi ko

"sorry" sabi nito

"Mahal na hari masyado na pong delikado rito kailangan na po nating bumalik sa university. Makisabay na po kayo sa amin dahil maputik na po ang daan baka hindi po kayanin ng sasakyan ninyo" sabi ng isang lalake

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon