CHAPTER EIGHT

1K 28 0
                                    

LIES

"Do you know kung paano ka magiging malaya sa mga tanong mo tungkol kay Elida eh yung tanggapin na wala na siya" sabi ko sa kanya

"Wala ka sa position para sabihin sa akin ang dapat kung gawin" sabi nito

"At wala ka din sa position para magtanong ng kung ano ano sa akin" sabi ko

Huminto siya sa tapat ng hospital paglabas niya lumabas lahat ng doctor at nurse at nag bow sa kanya hinila niya ako palabas sa kotse niya

"Gamutin niyo ang Sprain niya bahala na siya pagkatapos" sabi nito at iniwan akong nakatayo sa harap ng maraming doctor

Ina assist nila ako hanggang makapasok sa ER at doon ginamot yung Sprain ko

"Papalapit na ang kaarawan ng Hari at meron ka ngayon. Hindi na talaga maiiwasan ang unti unting pagdating ng kapahamakan." Sabi ng nurse na nag ba-bandage sa paa ko

"Ano pong ibig sabihin niyo?" Sabi ko

"Ang Queen Adine ng Zotopia at Queen Krisel ng Dasyl ay magsasama para patumbahin ang grupo mo Kath ng Epriona na hawak ni King Dale ng Hadria.. Masaya yun di ba?" Sabi nito

"Anong ibig sabihin niyo?" Sabi ko

Wala akong maintindihan

"Nag mamaang maangan ka na alam mo lahat pero hindi pa wala ka pa sa kalahati ng sekreto ng lugar na ito" sabi nito

"Deretsyohin mo ako" sigaw ko na

"Ayun siya" sigaw ng mga lalakeng nurse

"Paumanhin nakatakas siya sa kabilang hospital mental kasi yung kabila paumanhin" sabi nila sa akin

Maayos ang pagbandage niya sa paa ko pero yung mga sinasabi nya lang ang hindi ko maintindihan

"Miss Kathleen Fernandez" sabi ng isang lalake

"Po?" Tanong ko

May inabot siyang box

"Pinapa abot po ng hari" sabi nito

Anong laman nito bomba

Binuksan ko

Rubber shoes

Note:

Next time wag kang ta-tanga tanga at tatakbo nang naka heels ka

Bwisit!

Sinuot ko na lang

At umalis na 4: 00pm na

Naglalakad ako ng may nakita akong ilaw na galing sa tower.

Ito yung nasa panaginip ko bakit ngayon ko lang nakita ito..

Naglakad ako para hanapin yung toreng iyon at nahanap ko iyon sa gitna ng kagubatan ng makasalanan.

At sumunod na ang ibang studyante sa akin tumingin kami sa tuktok nito may isang studyanteng nasa itaas.

"Anong ginagawa niya jan?" Mga bulong bulungan ng mga studyante

*Bang*

*Bang*

*Bang*

*Bang*

Ilang putok ng baril ang narinig ko tumaas ang balahibo ko at hindi ko alam ang gagawin ko

Nahulog ito mula sa itaas at bumagsak sa harapan ko

May humila sa akin kaunti at hinarangan yung mata ko

Kasabay noon ang pagtunog ng malakas na kampana

"Everyone go to your rooms now" diin nitong sigaw kilala ko kung kaninong boses ito

"You stupid" insulto nito sa akin kilala ko na agad kung sino iyon

Si Dale.. King Dale

Hinila niya ako papunta sa mansion niya

"Anong nangyari?"-Bungad ng mga kaibigan niya

"Siguraduhin niyong nakasara ang golden gate walang pwedeng pasukan ang kalaban. May isang studyante ang nakataas sa tore siguradong may nakita siya sa makapangyarihang lugar kaya ito binaril" sabi ni Dale

"Pero malayo? Paano?" Tanong ni Tyler

"Isa studyanteng nakapalibot sa tore ang bumaril doon" sabi ni Dale

"Ibig sabihin may nakapasok na spy" sabi ni Jay

"Nakuha mo.. tignan mo lahat ng cctv lahat ng studyante sa kanang bahagi ng tore lahat ipatapon sa dagat ng makasalanan isa sa kanila ang spy" sabi ni Dale

WHAAAT! 

"ANO! paano yung mga innocente paano yung mga walang kinalaman na nasa kanang Bahagi ipapatapon mo sila ng ganun ganun lang" sabi ko

"Kung yun ang kapalit ng katahimikan ng Hadria bakit hindi" sabi ni Dale

"Imbestigahan niyo muna kung sino ng ganun isang tao lang ang kasalanan ang may tinatago" sabi ko

Natawa si Dale

"Kung taong may tinatago lang naman pala ang pag uusapan dito.. Lahat ng tao dito may tinatago. Ikaw, ako kahit silang lahat tingin mo lahat ng pinapakita nila totoo tingin mo lahat sila sinasabi kung sino talaga sila. Lahat ng tao dito may sekretong pinang iingatan Kath ngayon kung gusto mong maunang mamatay ituloy mo yang pagiging mabait mo" sarkastiko nitong sabi

"Akala ko ba ikaw ang hari bakit hindi mo macontrol ang mga tao mo?" Sigaw ko sa kanya

"Kaya ko silang icontrol pero hindi ko kayang incontrol ang pag iisip nila. Ito tandaan mo hindi pinagkakatiwalaan ang tingin mong mabait sayo mabuti ng magtiwala ka lang sa sarili mo. Kasi malay mo isa sa kanila o baka naman isa sa amin ang papatay sayo" sabi ni Dale

Na ikinatikum ng bibig ko

Pinatay nila ang lahat ng ilaw pag patak ng 12: 00 am.

"Pumunta ka sa guest room kath doon ka muna wag na wag kang sisilip sa bintana" sabi ni Adrian

Tumaas ako at hinanap yung guest room nang makapasok ako maayos naman ito simple pero maluwang..

Nakakarinig ako ng ingay sa labas kaya sumilip ako kaunti sa bintana patago kasi sabi ni Adrian wag daw eh

Nakita ko si Prince charming ko Kent prine of Dasyl na may hawak na torch relay napangiti ako ang gwapo niya

Pero nagtataka ako nang may familiar na tao ang mga nasa likod niya na may hawak din na torch

Ang Nanay at Tatay ko

Tumakbo ako palabas ng guest room pero bago pa ako makalabas ng mansion naharangan na ako ni Adrian

"Anong ginagawa mo!" Medyo diin na sabi ni  Adrian.

"Nakita ko ang magulang ko palabasin niyo ako" diin rin na sagot ko

Sinenyasan niya si Callix at Marvin para harangan yung pinto

"Sabi ko sayong wag kang sisilip" sabi nito

"Nandoon yung mga magulang ko Adrian" sabi ko

"Hindi mo na sila magulang hindi ka na nila kilala" sabi nito

"Ano bang pinagsasabi mo!" Sabi ko

"Ang poison of freedom ay ginagamit para alisin ang lahat ng memorya ng isang tao para makalaya ito sa lahat ng pinag iisipan o problema niya.. at para narin maging isa sa alila nila para silang bagong panganak na walang kamuwang muwang sa mundo kaya madaling mapasunod"-napatingin kami sa nagsasalitan na lalakeng nasa hagdan

"Bakit mo sinasabi lahat yan sa kanya Dale" gigil na sabi ni Steve

"Gusto niya mamatay di ba?" Malamig na sabi nito

"Huh?"-nagtatakang sabi ko

"Ang mga taong madaming tanong ay pinapatay" ulit ni Marvin (linya niya sa chapter 1)

"Sabi mo ikaw ang nagpasunog ng epriona" sabi ko

"I lied"

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon