CHAPTER TWENTY-FOUR

753 20 0
                                    

HOW?

"Nasagot ko na ang tanong mo..Yung pinto sa right side ang kwarto mo .matulog ka na" malamig nitong sabi sabay pasok sa kwarto niya

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig .Ang dami mo kasing dada kath ayan tuloy

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pangtulog at natulog na ako buti na lang may aircon dito kaya hindi masyadong mainit para kaming nasa province mainit sa labas pero dito sa loob hindi na dahil may aircon para itong kubo..Kubo na sosyal hahaha

Pagkagising ko naghilamos ako at nag toothbrush lumabas ako at namangha ako sa itsura sa labas

White sand at ang ganda ng beach malinaw ang tubig madaming kubo pero mukhang kami lang ni Dale ang nandito

By the way nasaan na kaya si Dale galit pa ba yun sa akin ? Kung bakit kasi ininis ko pa eh

Dahan dahan kung binuksan yung pinto niya

Tulog pa din ? At bakit balot na balot siya ng kumot

"DALEEE"sigaw ko sabay dagan sa kanya

"ang aga aga kath"sabi nito

Nasa ibabaw niya ako at nakayakap siya sa bewang ko

"ano bang gagawin mo dito ? Matutulog lang" sabi ko

Umiling siya at ngumiti

Bakit ang gwapo pa din ng lalakeng ito kahit bagong gising siya

Ibinaba niya kunti yung kumot na nakaharang sa katawan niya

"wtf ! Why are you naked?" sigaw ko sa kanya sabay palo sa noo niya

"outch! I'm not naked shirtless lang baby" sabi nito sabay yakap pa sa akin ng mahigpit

"DALEEEEE" makabasag na tili ko

"what? Ang aga aga kath sigaw ka ng sigaw" sabi nito

May ano eh ! Yuck !

"dale may tumutusok eh" sigaw ko sa kanya

"morning erection" sabi nito

"bitawan mo na ako ang laswa mo"sigaw ko sa kanya

"hindi ko kasalanan na pumatong ka sa akin at lalung hindi ko kasalanan na may morning erection ang mga lalake pag bagong gising" sabi nito sa akin

Hinarangan ko ang tenga ko

"kadiri ano ba itong pinag uusapan natin"sabi ko

"you're so innocent baby" sabi nito sabay halakhak

"lalabas na ako" sabi ko sabay labas sa kwarto niya

Pumunta ako sa labas at umihip ng sariwang hangin ng maramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod

"ang ganda ba?" tanong nito

"sobra" sabi ko

Tumingin ako sa kanya

"WAAHHHHH"tili ko ulit

"nakakasaket ka na ng tenga ah" sabi nito sa akin

"shirtless ka pa din kasi" sabi ko

"malamang mainit kaya dito ..masanay ka na nga shirtless lang ito makatili ka na wagas paano kaya pag naked na"asar nito sa akin

"walanghiya" sabi ko sabay palo sa kanya

"joke lang ito naman kanina mo pa ako sinasaktan ah"sabi nito

Kinusilapan ko lang siya .. Nakaka ano nakaka temp yung 8 pack abs niya tapos pawis pa kaya gosh ! Nagkakasala isip ko

"pasok na tayo mag breakfast muna tayo bago tayo mag swimming  o gusto mo mag jet ski mag scuba diving ano ba gusto mo?" tanong niya sa akin

"huy" tawag nya ulit sa attention ko

"huh?" tanong ko sa kanya

"lutang"natatawa nitong sabi

"hindi ka na ba galit sa akin? Yung kagabi?"tanong ko

"Nairita lang pero never akong magagalit sayo ikaw pa" sabi nito

Napangiti na lang ako sa sinabi niya

Pumasok na kami at nagsimulan nang kumain may nakahanda ng pagkain sa lamesa eh

"sinong nagdala ng pagkain?" tanong ko

"si mang peter nandoon siya sakabilang kubo kasama ang mag ina niya siya ang nagbabantay dito. Pag nandito ako madaling araw pa lang namamalengke na at nagluluto ung asawa niya para sa akin ngayon para sa atin na" sabi ko

"may yacht ka din ba?" tanong ko sa kanya

"meron pero hindi pwedeng gamitin" sabi nito

"bakit naman?" tanong ko

"hindi naman tayo pwedeng lumayo eh maliit lang beach na ito kasi hati" sabi nito

"hati?" tanong ko

"oo nasa gitna tayo ng Hadria at zotopia at sa gitna nun ay ang dagat ng makasalanan kalahati nun itong beach na ito" sabi nito

"ibig sabihin madaming pumapalaot na bangkay jan" sabi ko

Tumawa ito

"malayo dito grabee hindi aabutin yun dito" sabi nito

"paano niyo ba tinatapon ang mga tao doon fresh" sabi ko

Natawa ulit ito

"fresh? Isda?" sabi niya sabay halakhak

"pagpatay na ang taong iyon bago pa itapon doon binabalot muna sa isang malaking itim na plastic pero kung hindi naman yeah ..fresh tinutulak doon fresh and alive" sabi nito sa akin

"grabee kung ako kunwari na walang kasalanan ang nahulog doon" sabi ko

"edi susundan kita" sabi nito

"edi parehas tayong mamatay" sabi ko

"hindi" kumindat ito sa akin "may ginawa akong tunnel doon marunong akong lumangoy ililigtas kita tapos doon tayo mananatili sa tunnel na yun hanggang mahanap tayo ng 12 hades" sabi nito

"sinabi mo sa kanila?" tanong ko

"isa lang sa 12 hades ang may alam nun" sabi nito

"edi possible na makaligtas ung hinuhulog niyo doon kung marunong silang lumangoy " sabi ko

"hindi kasi mamatay sila sa gutom kasi walang magliligtas sa kanila " sabi nito

"may isa pa akong daanan na sasabihin sayo ito ikaw lang ang makakaalam. Yun ang dadaanan mo pag nagkaipitan at kailangan mong tumakas" sabi nito

"ayaw ko nga hindi kita iiwan" sabi ko sa kanya

"syempre hahanapin kita pagkatapos nun ..bago ka makapunta sa lugar kung saan nakatira ang mga tao sa Hadria madami kang makikitang mga lote na walang bahay pero napapalibutan ng pader ng hadria di ba ? Sa kaliwang bahagi nun may makikita kang isang butas na naharangan ng mga damo at mga bato walang nakakaalam nun pagpasok mo doon makakalabas ka sa tabi ng golden gate takpan mo ulit ng madaming damuhan ang labasan para walang makaalam ako gumawa noon noong bata ako kasi lagi akong pumupunta sa missouri para magbakasakaling buhay si elida at nandoon siya pero nasa epriona pala siya" sabi nito sabay tawa

"paano ka nakakapuntang missouri?" tanong ko sa kanya

"nilalakbay ko ang malamig na kabundukan at ang gubat ng magnanakaw syempre magdadala ako ng ginto pupuslit ako sa dasyl tapos makakapunta na akong missouri ganun ulit pag balik ko papunta dito sa hadria" sabi nito

"buti hindi ka napapahamak?" tanong ko sa kanya

"okey lang na mapahamak ako mahanap lang kita"

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon