CHAPTER TWENTY NINE

671 19 0
                                    

FAKE LOVE

Pina stay muna ako nila Adrian dito sa kwarto ni Aya

6:30 pm malapit na tumunog ang kampana

"kasalanan ko kung bakit nangyayari ang mga ito" sabi ko kay aya

"natakot ka lang kath kaya wag mo sisihin ang sarili mo" sabi nito

"makinig ka aya gagawa ako ng paraan para makausap si dale pag isang buong araw hindi pa ako bumabalik sabihin mo sa 12 hades nasa lugar ako kung saan 1 sa kanila ang pinag sabihan ni dale kung nasaan okey" sabi ko

"pero kath--" hindi ko pinatuloy ang sasabihin niya at agad siyang niyakap

"trust me, madaling makalimot ang utak pero hindi madaling makalimot ang puso" sabi ko sa kanya

Lumabas ako sa dorm at pumuslit sa kagubatan tahimik talaga wala kang maririnig na ingay sa bawat lugar kaya madali akong nakapunta sa mansyon

Hindi ako kumatok at basta basta akong pumasok isang putok ng baril ang narinig ko buti na lang alerto ako nakaiwas

"anong ginagawa mo dito" malamig na sabi ni dale at naka turo ang baril sa akin

"magnanakaw ka ba ? O mamatay tao" sabi nito

"mamatay tao kayong lahat dito kaya bakit mo natatanong yan pero magandang tanong yan sa taong hindi kayang pumatay ng tao" sabi ko

Nagtaas ito ng kilay

"Hindi mo ako kayang saktan noon ni kagat ng lamok ayaw mo maramdaman ko pero kaya mo akong barilin ng walang pag aalinlangan ngayon. Ni hindi mo nga kayang pagbataan ang buhay ko pero ngayon parang gustong gusto mo na ako mapatay" walang tigil kung sabi sa kanya

Pinutok niya ang baril paitaas akala ko sa akin kaya nagulat ako

"itigil mo yang pinagsasabi mo. Sino ka para sabihin sa akin ang mga bagay na yan" sabi ko sa kanya

"ako, tinatanong mo kung sino ako dale" sigaw ko sa kanya na may halong pagsusumamo sa nangyari sa kanya ngayon

"dale?" sabi niya sa mala demonyong tono

"oo dale. Dale ang tawag ko sayo hindi hari ako lang naman ang babaeng nagkaroon nang lakas ng loob tawagin ka ng dale sa loob ng hadria kahit nung hindi pa tayo magkasama . Dale ako lang naman si kath at elida na minahal mo nag iisang babaeng minahal mo . Ako yun dale" sabi ko sa kanya lumapit ako sa kanya at niyakap siya pero marahas niya akong tinulak

Hinawakan niya ang sintido niya at minasahe

"may naalala ka, naalala mo ako" galak na sabi ko

"wala akong maalala. Pero kung sinasabi mo na ikaw lang ang nag iisang babaeng pinaka mamahal ko bakit wala ka pagdating ko? Bakit wala ka nung mga panahon na naguguluhan ako at wala akong kayang pagkatiwalaan BAKIT WALA KA!!" sigaw niya sa akin

Lumuhod ako sa harap niya

"kasalanan ko kung bakit nangyayari sayo lahat ito. Iniwan kita hinanap mo ako kaya ka nagkaganyan ..pinaalis mo ako kasi natakot ako sayo ..Alam kung masakit sayo na paalisin ako pero mas masakit sayong nakikitang natatakot ako lalu na ikaw ang rason pero mahal kita dale mahal na mahal parang awa mo na alalahanin mo lahat dale" sabi ko

Tumawa ito .. Imbis maging masaya ako dahil tumawa ito lalung tumaas ang balahibo ko dahil hindi ito ang tawa ng dale na mahal na mahal niya

"mahal? Yan na pala ang bagong description ng pagmamahal yung iiwanan ka dahil natakot sayo . Hindi ko alam bakit kita nagustuhan nun kung totoo man yang pinagsasabi mo pero yung ngayon natanong ko yung sarili ko worth it ka bang mahalin ng katulad ko" sabi nito ..mga salitang sumaksak sa puso niya ..worth it nga ba talaga ko sa pagmamahal niya ?

"gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako kahit ano" sabi ko

"kahit buhay mo?" sabi nito

Napatahimik ako sa sinabi niya . Hindi niya na ako inantay sumagot tumalikod na ito at nagsimulang maglakad

"oo kahit buhay ko" napahinto ito sa paglalakad at lumingon sa akin ..emotionless

Kung ito ang susi para maalala mo ako gagawin ko maalala mo lang ako mahal ko

Kinuha nito ang kanyang cellphone sa bulsa niya

"Marvin, may hahatulan ako ng kamatayan bukas lipunin niyo ang mga tao bukas sa ground para masaksihan nila ang pagkamatay ni Kathleen Fernandez" sa pagbanggit niya ng pangalan ko parang wala lang sa kanya

Pinatay niya ang cellphone niya at nagsimula ng maglakad pataas

"bago mo ako patayin pwede ba akong tumabi sayo sa pagtulog isipin mo na lang yuon ang huling kahilingan ko bago ako umalis sa mundong ito" sabi ko sa kanya

Tumingin ulit siya sa akin bago pumasok sa kwarto niya hindi ko alam kung pumayag ba siya o hindi sa kahilingan ko pero kakapalan ko na ang mukha ko ..

Tumayo ako sa pagkakaluhod ko at pumunta sa kwarto niya

Pagpasok ko nakahiga na siya sa kama niya

Kumuha muna ako ng bathrobe sa cabinet niya at pumasok sa cr. Naligo ako doon ko na rin nilabas ang lahat ng luha ko kasalanan ko ito kaya nararapat lang sa akin ang gagawin niya

Nag bathrobe ako at pumunta sa kabilang kwarto kung saan ang kwarto ko noon at kumuha ako ng damit ko . Naka box na lahat ng gamit ko .

Pagkatapos ko bumalik ako sa kwarto niya at tinabihan siya niyakap ko siya ng sobrang higpit

"hindi makukuha ng pagyakap mo ang desisyon ko" matigas nitong sabi

"alam ko. Namiss kita dale alam mo ba yun kahit hindi mo ako naalala miss na miss kita" sabi ko sa kanya

Hindi ito umimik

"kahit katiting wala ka man lang naalala?"tanong ko sa kanya

"nagtataka ako bakit may damit ng babae sa kabilang kwarto pero wala talaga akong maalala ..Pero dahil sa mga sinabi mo kanina ayaw ko ng makaalala ayaw kong kaawaan ang sarili ko dahil binasura ko ang buhay ko para sa walang kwentang babae" sabi nito

Tumango ako

"Dale" tawag ko sa pangalan niya

"ano?" halatang naiirita na siya

"sabihin mo naman na mahal mo ako , kahit kunwari lang" sabi ko sa kanya

"ayaw ko" sabi nito

"Dale, I love you" sabi ko

Pinikit ko na ang mga mata ko kasi alam ko namang hindi siya sasagot

"I love you too" bulong niya

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon