CHAPTER FORTY

714 18 2
                                    

LOSS LOVE

DALE'S POV

Umalis ako sa mansion ng walang paalam nagpunta ako sa hospital at binisita ang aking ina

"Ma" sabi ko at halik sa kanyang noo buti na lang naabutan ko siyang gising

Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata

"Si mommy naman antagal kitang hindi nakita dra-dramahan mo pa ako" sabi ko

"Akala ko iniwan mo na ako" sabi nito

"Pwede ba iyon?" sabi ko

"Masama akong ina, Dale" sabi nito nagtaka ako at tinitigan ko lang siya "pinalaki kita ng may galit sa puso mo . Pinalabas ko na mabuting tao ang iyong ama pero ang totoo masama siya . Madami siyang pinatay noon dale gusto ko lang makapaghiganti sa pagkawala ng iyong ama kaya ginamit kita at ilagay sa pwesto ng pagiging hari sa hadria" sabi nito

Sa pagkakasabi niya noon may mga imaheng lumabas sa aking isipan

"ikaw, ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng lola ko" sigaw ko "patawad" agad naman nitong sabi

Napahawak ako sa upuan dahil medyo nahilo ako

Pumikit ako saglit

"ikaw ang dahilan bakit namatay si elida wala na si elida namatay na ang babaeng pinakamamahal ko" sabi ko

Ngayon alam ko na na hindi si elcey ang babaeng pinakamamahal ko kung hindi ay si elida

"buhay si elida, dale . Si kath si elida" sabi nito

Paano? Hindi ko na maintindihan

Lumabas agad ako ng kwarto niya medyo magdidilim na din hindi ko alam kung anong nangyayari naguguluhan na ako

Naglakad lakad muna ako hindi ko alam saan ako patungo basta alam ko magulo ang lahat hindi ko maintindihan .

"Tulong!" sigaw ng babae iyon . Hindi ko maaninag ang pagmumukha ng babae dahil medyo madilim ang alam ko lang ay hinihila siya ng armadong lalake

Tumakbo ako para tulungan ito . Sinuntok ko sa tiyan yung lalakeng nakahawak sa kamay niya nagulat ako bakit ganun nanakit ako . Nakaramdam ako ng suntok sa aking mukha

KATH'S POV

Naglalakad ako upang makahinga hinga sana ngunit may biglang lumabas na 5 lalakeng nakasakay sa itim na van . Pilit nila akong pinapapasok sa van

"TULONG!!" sigaw ko agad kong naaninag ang isang dale na papalapit sa akin . Sinuntok niya yung lalakeng nakahawak sa kaliwang kamay ko .

Ngunit napatigil ito at dinama ang suntok ng mga lalake sa kanya

"Dale" sigaw ko pero parang lutang ito

"Kath" sigaw ng 12 hades agad silang sumaklolo sa amin at tinulungan ang ngayon ay bugbog sarado sa si dale .

Bakit hindi siya lumaban

Dineretsyo namin siya sa mansion para magamot

"nakilala mo ba sino ang mga iyon" tanong ni dad

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon