CHAPTER THIRTY-EIGHT

680 18 2
                                    

KING

KATH'S POV

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko magiging masaya ba ako kasi hindi niya ako naalala hindi niya maalala ung mga kasalanan ko sa kanya o magiging malungkot ako kasi lahat ng memories namin nakalimutan niya

Nasa wheelchair siya na tinutulak ko

Pag bukas namin ng pinto ng kwarto ng mama niya

"Tulog siya , wag muna natin siya istorbohin" sabi nito ng makita na nagpapahinga ang ina

"Ibabalik na kita sa kwarto mo" sabi ko

"Idala mo ako sa rooftop" sabi nito

Kaya pumunta kami sa rooftop

"Ang ganda naman ng view dito" sabi nito

Umupo ako sa upuan na nakalagay dito

"gaano mo ako kakilala?" tanong nito bigla sa akin

"Sabihin na nating isa ako sa pinaka nakakakilala sayo" sabi ko

"Paano?" takang sabi nito "kasi ikaw lang ang umiiyak kanina so naisip ko baka close tayo" sabi nito

"Childhood friend tayo. Nerd ka kasi noon tapos lagi kang binubully tapos ayun pinagtatanggol kita" sabi ko

Natawa ito parang ngayong hindi siya nakakalala panay ang pagtawa niya na minsan mo lang makikita sa kanya noon

"Ay oh edi hero pala kita" sabi nito

"Siguro. Kasi nagkalayo din tayo noon napunta kasi ako sa Epriona tapos noong may fiesta kinuha ako nila Marvin kami nila aya at mga kagrupo ko kaya napunta kami sa hadria" sabi ko

"Bakit ko kayo kinuha?" tanong nito

"Kasi gagawa kayo ng grupo para protektahan ka na hari" sabi ko

"Eh princess ka bakit mo ako proprotektahan?" sabi nito

"Hindi ko naman alam na princess ako noon . Ang alam ko lang normal na mamamayan lang ako" sabi ko

"Akala ko childhood friend tayo bakit ko ginawa yun?" tanong niya ulit

"Ewan , siguro hindi mo ako nakikilala noon ilang taon na din kasi ang nakalipas" pag e-explain ko sa kanya

Malalaman mo din naman lahat pag naalala mo na . Na ako si Elida na childhood friend mo ako si Kath na girlfriend mo at si Elcey na kinamumuhian mo

"Masama ba akong tao? Masama ba akong hari?" tanong nito

"Akala ng lahat masama ka pero trust me . Sobrang buti mong tao . Sobrang buti mong hari" sabi ko

Tumango na lang ako sa sinabi nya

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon