CHAPTER NINETEEN

802 23 0
                                    

MY KING

"Bakit ba tayo umuwi dito?" Tanong ko kay Dale

"Tulad ng sabi ni Lola V minsan lang sa ilang buwan kami magkita" sagot nito

"Bakit kasi minsan lang" sabi ko

"Una, I need to protect her kung lagi akong nandito pwedeng itong bahay ng lola ko ang sugudin ng mga kalaban at dahil malayo ang mga tauhan ko mula sa university pwede siyang mapahamak. Pangalawa, kaya ko ipinatayo ang bahay niya sa gitna ng liblib na lugar para iwas sa gulo na nangyayari sa Hadria.Pangatlo, dahil busy ako sa pagiging Hari" sabi nito

"Paano kung sinugod nila ang lola mo dito habang wala ka?" Sabi ko

"Akala mo lang isang simpleng lugar ito pero hindi madaming bahay ang nakapaligid dito at sa mga bahay na iyon nandoon ang mga tauhan ko nakatira na handang kumilos at pumatay ng kalaban kung sakaling mangyayari man yang sinasabi mo" sagot nito

"Mahal na hari, mahal na reyna"tawag ng katulong nila sa atensyon namin at ibinigay ang dinner namin

"Fried chicken" galak na sabi ko

"I think that's your favorite huh?" Sabi nito

Tumango ako

"Mahal na mahal mo ang lola mo nuh?" Sabi ko sa kanya

Huminga ito ng malalim

"Nang itinakwil ako ng aking ina dahil sa paglabag ko sa kautusan niya at pagiging rebelde dahil sa pagkamatay ni Elida. Wala akong kasama lagi sa mansion noon. Walang nag aaruga walang may pakialam. Walang nagtatanong kung kamusta ang hari? Nakakakain ba ng maayos ang hari? Wala. Pero noong dumating ang lola ko siya ang nag alaga sa akin kaya mas ina ko pa siya sa ina ko" sabi nito

"Saan ang ama mo?" Tanong ko sa kanya

Umiling lang ito

"May mga bagay na hindi ako pwedeng ikwento sayo aking reyna" sabi nito

"Okey lang sabi mo nga may sari-sarili tayong sekreto" sabi ko

Nginitian niya lang ako

"Matulog ka na pagkatapos nito ako na maghuhugas nang plato" sabi ko sa kanya

"Okey goodnight" sabi nito sabay halik sa noo ko

Na co-confuse na ako sa mga actions nya towards sa akin

"Dale tayo ba? Boyfriend ba kita? Girlfriend mo ba ako?" Tanong ko sa kanya

"Ano sa tingin mo?" Tanong nito sabay tumaas na

Inaayos at hinugasan ko na ang pinag kainan namin at pumunta na sa kwarto at natulog.

---------------------

KINABUKASAN

"Goodmorning iha" bati ni Lola V sa akin

"Goodmorning po" sabi ko

"Hindi na tayo nakapag kwentuhan kagabi ang apo kasi eh pinilit ba naman akong matulog ng maaga kasi bawal daw ako magpuyat" natatawang sabi ni Lola V

"Okey lang po iyon" sabi ko

"Iha, alam kung alam mo na hindi kami laging nagkikita nang apo ko. Ikaw ang lagi niyang kasama sa iisang bubong alagaan mo siya ah. Kahit minsan mainitin ang ulo pag pasensyahan mo na" sabi ni Lola V

"Sanay na po ako sa apo ninyo" sabi ko

"Alam mo iha napaka buti ng iyong kalooban ikaw ang gusto ko para sa apo ko. Siguro dahil ikaw na rin ang babaeng una niyang dinala rito" sabi ni Lola V

Ako ang una pero si Elcey ngay?

"So you're talking behind my back" sabi ni Dale

"Ikaw talaga apo" sabi ni Lola V at pinaupo sa dinning chair si Dale

"Umupo ka din iha para makakain na kayo para makauwi na rin kayo sa Mansion" sabi ni Lola V

Nang kumakain na kami

"Dale wala ka pa bang balak magpakasal" nabilaukan si Dale sa sinabi sa kanya ng Lola niya

"La naman masyado pang maaga para sa akin iyon" sabi ni Dale

"Legal age ka naman na" sabi ni Lola V

"Pero I'm not yet ready sa ganoong part ng buhay ko" sagot nito

Pagkatapos namin kumain nag ayos na kami

"Sana makabalik ka pa dito" sabi ni Lola V at nakibeso sa akin

"Oo naman po" sagot ko

"Take care lola. Remember if there is something wrong or suspicious in here call me" sabi ni Dale sabay yakap ng mahigpit sa lola niya

"Don't let them kill you.. Gusto pa kita makasama ng matagal" sabi ng Lola nito sa kanya

"Of course just trust me" sabi nito

Sumakay na kami sa sasakyan nya siya ang nag dri-drive

Habang nag dri-drive siya napansin namin na yung mga bahay may mga design na puso

"Pwede ba magtanong? Anong meron?" Sabi ni Dale sa bintana ng kotse

"Mahal na hari" sabi nung babae at bow

"Bukas na po ang Valentine's Day mahal na hari araw po ng mga puso" sabi nung babae

"Bakit hindi mo alam?" Tanong ko sa kanya

At nagsimula na siyang mag drive

"Meron palang mga ganun" sabi nito

"Ignorante lang?" Sabi ko sa kanya

"Asaan ka nung mga araw na ganyan?" Natatawang tanong ko

"Ewan ko, natutulog?" Sabi nito

At humalakhak ako.. grabe!

Nang makarating kaming mansion sinalubong ako ni Aya

At may binulong sa akin

"Dale may pupuntahan lang kami ni Aya baka magagabihan ako at hindi na makauwi dito doon na lang ako muna matutulog sa dorm niya" paalam ko

"And where the hell are you going?" Sabi ni Dale

"Basta wag mo na ako antayin at wag mo din akong susunduin sasapakin kita" sabi ko

"Bahala ka sa buhay mo" sabi nito sabay tumaas na sa kwarto niya

"Kuha lang ako ng gamit ko" sabi ko kay Aya

Tumango ito pagkatapos ko kumuha ng gamit ko umalis na kami sa mansion

Dumiretsyo kami sa dorm niya at sa maliit na kitchen nandoon yung mga pinamili niyang pang bake for valentine's day daw

"At paano ka naman nakabili nito?" Tanon ko sa kanya

"Kahapon pagkatapos ng fiest de Hadria dumeretsyo akong supermarket" sabi nito

"Sino ba gusto mong bigyan Kath?" Tanong ni Aya

"Ang Hari ko"

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon