ANG SIMULA (Mga Nilalaman)

365 10 6
                                    

                                                                 (►)

Nagpasya kang lumihis ng landas. Inalam mo ang sekreto ng dako paroon. Nag-aral ka ng kung anu-ano. Hindi naman ito napansin ng ibang tao. Yun nga lang, dahil sa mga bago mong ideya na bumabangga sa tradisyunal na kaisipan, hindi maikakailang iwasan ka ng mga nakakasalamuha mo.

Gusto mong tumakas sa 'label" na itinatak na sa iyo. Nais mong magkaroon ng karanasan na hindi mo makalilimutan. Dahil dito, maghahanap ka ng makakapagpabilis sa daloy ng iyong dugo. Susubukin mo kung gaano kalakas lumundag ang iyong puso...

Susuwayin mo ang *#@!!! batas na nilikha ng mga nagmamagaling na tao.

Maging tapat sa sarili mo, hanapin kung ano talaga't sino ka... lahat ng iyan ang magsisilbing sanhi para mapadpad ka sa sitwasyon at lugar na wala ng balikan!!!

======================================================

Eto ka na ngayon. Hindi mo alam kung ano ang nangyayari... nadito ka kung saan madilim. Siyempre wala kang makita kahit na dilat na dilat na ang iyong mga mata.

Sa iyong pagkakaupo, habang nakasandal ka sa malamig na pader ay susubukan mong tumayo. Ngunit, may pumipigil sa iyong gawin ito...

Sa iyong paa, may kung anong mahigpit na nakakabit? o nakakapit? May pumapatak na tubig sa iyong balikat. Ito ang dahilan ng pagkabasa ng damit mo. Ramdam din ng iyong mga palad ang sa tingin mo'y malumot at bakubakong sahig. Mamasa-masa ang paligid.

(Pumili ka ng isang reaksyon para simulan ang iyong maikling paglalakbay. Sundan ang pahina ng iyong tinahak na landas. Hanapin sa ang "Mga Nilalaman" ang susunod na pahina.)

•Kalmado ka lang, Pinakiramdaman mo ang bagay sa iyong paa. Unti- unti mong ikinilos at inangat ang iyong paa. Gusto mong subukin  at kilalanin ang bagay na iyon. Habang ginagawa mo iyon ay kinikilatis at pinakikiramdaman mo itong mabuti.>>>26

•Alam mo kung ano ang bagay na nakalagay sa paa mo. Masyadong matalas ang iyong pandama kaya kahit na hindi mo ito nakikita ay alam mo kung ano iyon. Malakas ka rin kaya nilabanan mo iyon. Ayaw mong masayang ang oras. Ang oras ay napakahalaga!>>>6

•Naghanap ka ng kahit anong bagay sa iyong katawan. Kahit anong bagay na makakatulong sayo, sakaling malaman mo o makumpirma ang nakakabit sa iyo.>>>24

Time LapseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon